Ipinaskil ni: ahkong | Enero 2, 2009

Mga Lahing Pikutin….Ano raw ??!!!

Lahing pikutin daw kami….??? Hindi siguro !!!!!

Teka baka biglang magunaw ang mundo at bago kayo magwala eh, let me ekspleyn….kasi ganito yan….

Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, kahit may nakaupo. May lahi kaming kastila….sabi ng aking mahal na lola sa father side ang kanyang lolo noong panahon ng kastila eh gobernador heneral ng mabini. Siguro uso na nung araw ang mga bar sa Mabini at doon sinabog ng aking great granpa ang kanyang makamandag na semilya.

Sa kasamaang palad eh ang napunta sa amin eh latak na lang. Dahil ang  kamaganakan ng aking tatay ay panay kastilaloy ang itsura. Yung mga kamag anakan namin doon, lalo na yung mga pinsan ko eh panay mapuputi at panay kastilaloy ang itsura at pwedeng-pwede silang mag artista.

Hindi naman sa naiinggit ako sa kanila dahil kontento na ako sa itsura ko. Kahit papaano eh kompleto naman ako. Matangos din naman ang ilong ko. yun nga lang imbes na mag mukha kaming kastila eh para kaming italyanong intsik…..(teka meron bang ganon??? LOLs)

Nasabi ko na may lahi  kaming pikutin dahil ilang mga pinsang buo ko ang napikot dahil sa kalikutan sa babae. Iyong ka-close kong pinsan na si Boy Gwapo eh ayun….nakadisgrasya. Kung di ba naman kasi…. hanggang sa dorm nung bebot gumagawa ng milagro. Ayun sa awa ni Lord lima na ang anak nila ngayon. Aayaw ayaw pa ang luko….LOLs.

Sa akin naman eh hindi ako malikot sa babae…..(ang babae ang malikot…LOLs). Hindi naman ako kasing pogi ni Boy Gwapo, na nag ramp model pa nung araw, pero may mangilan-ngilan din naman na nasiraan ng ulo dahil sa akin….(hindi kaya bigla akong tamaan ng kidlat dito sa kinauupuan ko ngayon..???!!!)

Hanggang sa nakilala ko ang aking labidabi. At bingyan kami ng Diyos ng tatlong magagandang tsikiting gubat. Ang nakakuha yata ng kaputian sa mga anak ko eh si Boy Flawless, na sa edad na 12 eh ang daming mga girls na nagkaka-kras, sabi ni labidabi. Pero walang pakialam, panay laro lang. (Hindi kaya bading ‘to ?), huwag naman….sayang ang kagwapuhan….eh  kaso mas brusko pa yung bunso eh….LOLs. Pag may kaaway yung kuya, yung bunso ang sumusugod eh, sya yung nakikipag suntukan….balistad, yung bunso ang nagtatanggol dun sa kuya…..LOLs

Pero hindi ako naniniwala sa mga pikut-pikot. Ang kailangan lang talaga, lalo na sa mga kabataan ngayon, kailangan ng ingat. Gumamit ng supot o kaya kapote. Hindi sa I agree sa premarital sex, pero hindi talaga maiiwasan yon, lalo na kung parehong mapusok. Kung talagang gusto pareho magingat lang dahil malaking responsibilidad ang magkaroon ng anak at pamilya. Dapat naka handa sa pagiisip at sa puso. Hindi panay puson ang pinaiiral. Gamitin din ang ulo, hindi ulo ni chairman, yung ulo sa itaas hindi yung sa baba.

Kaya nga ngayon na 14 y/o na ang panganay kong babae, hindi ako nagkukulang ng paalala sa kanya. Eh kaso sinasabi ni labidabi ko na may boypren na raw. Asus ko pooo….kanino ba magmamana yon…LOLs.

Lagi kong sinasabi sa kanya na pagaaral na muna ang atupagin dahil importante yon. Pero naiisip ko rin ngayon, nung araw ganun din ako….LOLs

Hayyy….ganun yata talaga pag naging magulang na. Wisdom grows with age.


Responses

  1. ak din eh.
    may lahing pikutin.
    hahaha. LOLz.
    padaan lang.

  2. LOLs… Tnks sa pagdaan…

    Shhhhh…wag mengay….baka may makarinig….LOLs

    Add kita sa aking Blogroll para madali kitang mapuntahan….

  3. lahing pikutin? naku naman, uso pa ba yan ngayon? hihi

    As for ur kids, ok yan, habang bata nagsisimula na, hihi, jowk. Ayii!

    Matagal-tagal na rin akong hindi napapadaan dito ah.

    Belated meri krismas and hapi new year!

  4. Hay naku sis….uso pa yan….

    Ako nga kahit may asawa na, gusto pa ring pikutin eh…LOLs

    Belated Merry Christmas & Happy New Year din…..Advance Happy Birthday na rin…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: