Ipinaskil ni: ahkong | Enero 9, 2009

ZZZZZZZZZZZZ…

Pasensya na kayo mga prens, nitong mga huling araw eh hindi ako nakakapagsulat. Kasi naman sira yung water heater namin,  kung ano ang koneksyon nun sa pagsusulat eh hindi ko alam….. at dahil sa sobrang lamig ngayon dito sa disyerto nanigas  na yata ang utak ko at naka-tulog na.

At sa dahilang sira ang water heater namin, hindi ko kayang maligo….oo…lamigin kasi ako, hindi ko kayang maligo ng sobrang lamig. Dahil sinubukan ko na at bigla sumama ang pakiramdam ko…..kayo ba naman ang maligo na ang tubig eh parang galing sa freezer, o kaya imaginin nyo,  nasa Alaska kayo at maliligo kayo sa beach na panay yelo…kaya heto naspu muna ako….Mabango pa naman ako eh, amoy baby pa rin….nyah…hahahahaha!!!!

Eto ngayon, ako ay may sipon at medyo inu……..ubo…ubo…ubo !!!! Pero kaya pa naman ng powers ko. Sabi nga ni She-Man…..”By the Power of Gay Skull..!!!!” ahahahaaayyyy !!!!

Pero kaninang alis ko sa bahay ginagawa na ung heater, at pinalitan na ng bago….thank you Lord !!!! Makaka-goli na rin ako….YAHOOOOOO !!!!!

Kahit masarap magtampisaw sa alindog ng kasalanan mainit na tubig eh hindi ako maaring magtagal dahil baka naman trangkasuhin ako. Kanina nga parang mainit ang pakiramdam ko…..yung bang sa loob nanggagaling….tapos parang gusto kong ilabas yung init na yun….Teka ibang init na yun ah !!!!LOLs

Kaya bukas, shower lang kung baga. Mahirap magkasakit lalo na nagiisa dito.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: