Ipinaskil ni: ahkong | Enero 13, 2009

Ako ay Alamat at kung anu-anong ewan…

“I am Legend”

Yan yung latest version ng “The Last Man on Earth (1958)” at “Omega Man” (19-kopong kopong). Bakit kanyo yan ang pamagat ng aking entry ?

Dahil ngayon ko lang napanood ang I am Legend ni Wil Ismit. Ang galing ng pagkakagawa nila kung paano nila nagawang walang tao sa buong New York. Eh ang New York ang isa sa mga busiest cities in this whole gadam world….LOLs

At dahil sa nakyuriyus na naman ako, hinanap ko sa net kung paano nila nagawang mawala ang mga tao.

Ginawa pala nila, tinanggal nila yung mga tao sa pamamagitan ng kompyuter. ‘Galing, ang tyaga naman ng gumawa nun, isipin niyo ilang frames iyon at bawat frames eh tatanggalin mo yung tao at paplitan mo syempre kung ano yung background nun….

Hindi ko yata kaya ng ganun na 3 years, wala kang kasama kundi yung aso. Alangya, masisiraan ako ng bait pag ganun. Mahirap yon, baka mabuntis mo pa yung aso…LOLs (Umandar na naman ang pagmanyakis ang putah…!!!)

Sa unang bahagi ng movie, pumasok agad sa kokote to at  ipinagtataka ko , bakit hindi siya umalis ng New York ? Eh ang laki laki ng Isteyts. Yun pala, sa pagkaka-alam ni Wil Ismit eh wala ng nabubuhay na tao, pero panay padala niya ng Message sa AM Band….hang labo naman nun. (Plot Hole ?)

Kaso sa ending ng movie nagpakamatay si Wil Ismit kalaban yung Alpha Male ng mga mutants.

Nabasa ko na may alternate ending ito sa Orig Devede….

*****************************

Bad Trip kahapon…..nag DL ako ng movie, torrent file. Ilang araw ko ring hinintay na matapos ang ang Download. Kung anong movie yon eh…..ahihihihihi…..

Ayun nga, nang matapos ang downloading ang potek na yan ayaw mag play. Nakakainis ang tagal-tagal mong hinintay tapos ganun lang pala….huwaaaaahhhhh.

Pero ok lang, may nai-download naman akong iba. “Aquaman” Live action, yung series na gawa ng producers ng “Smallville”.

Sa pagkaka-alam ko eh, hanggang pilot episode lang itong Aquaman dahil hindi na natuloy ang series, pero naka-gawa sila ng pilot episode. Mamya panonoorin ko ito.

*************************

Sorry mga prenster, talagang medyo busy ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako makapag-blag. Madami kaming incoming shipments kaya for summer kaya kailanganag maisaayos ko lahat yun.

************************

Bakit kaya ganito pag January o yung unang buwan ng taon eh parang nakaka-tamad. May epekto rin ba sa inyo ang ganito? Parang Monday  sickness ang putah. O talagang tinatamad lang talaga akong kumilos dahil malamig sarap matulog pag ganito eh, lalo na katabi si labidabi…..hayyyyyy naku sana matapos na tong taon na ito ng makauwi na….

Pero sa totoo lang ang sarap matulog pag malamig nakaka-tamad talagang kumilos o kaya baka naman kasi malapit na berdey ko….LOLs

Oo mga prenster, January  ang berdey ko pero walang petsa….huh? Pwede na yun ? LOls

Hapi berdey tu mi….hapi berdey to mi….Hapi berdey…Hapi berdeeeyyyy…

Hapi na berdey paaa..!!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: