Ipinaskil ni: ahkong | Enero 21, 2009

“Three score and 15 Years Ago…..”

Hindi po yan ang Gettysburg Speech ni pareng Abraham Lincoln…..

Nabasa ko nung isang araw ang entry ni kapatid RJ sa kanilang 4th Year Anniversary nung…..ano bang date yun ??? This January  rin….so eniwei highway…..Happy Anniversary sa inyo ni Bachoinkchoink…..

At kowinsidentali…..ngayong araw na ito, January 21, ay ang aming 15th Year Wedding Anniversary.  OO mga kapatid….15 years na kaming kasal ng aking labidabi at 15 years na rin kaming nagbobolahan….LOLs Ano nga yung pang-15th ? Crystal nga ba yun ?Pwede bang maibenta sa junk-shop yun ? LOLs

Aktwali…dalawa ang Anniversary namin….Jan 14 (City Hall ng Parañaque) saka Jan 21 (Simbahan). Sigurista yang aking labidabi eh. Naikwento ko na dati itong kasal namin sa City Hall, aksidente lang ang nangyari dahil sinamahan namin yung kapatid niya saka yung barkada ko na magpapakasal, pati kami nadamay….LOLs

27 ako nun at siya 25 kaya legal age na kami, kahit wala ng pahintulot ng magulang niya pwede na. Habang pinipirmahan ko yung marriage contract ang dami kong nararamdaman……kaba…excitement….

Kaba dahil, hindi rin natin maiaalis ang doubt….tipong “Kaya ko ba ‘to?” mga ganun. Excitement dahil…..alam nyo na yun….LOLs

Sa first months namin biglang magasawa….medyo nakakapanibago pa. Sabi nga nila “ayan lumagay ka na sa akala mo tahimik….bla…bla..bla…” LOLs. Medyo masarap na mahirap. Masarap kasi para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan saka “H’wag Po…..’wag po !!!!”…..nyahh…ha..ha..ha..ha… Mahirap kasi merong mga problema na nun nyo lang na encounter as mag asawa. Lalo na nung dumating ang panganay namin.

Bago ipinanganak yun, naku poooo…..isang taon bago nabuo. Tanda ko pa sa Parañaque Medical Center ko pa siya pina-confine nun. Nung sumakit na tyan nya takbo na kami sa ospital. Ang tagal…yun pala hirap na hirap yung labidabi ko kasi ang laki ng baby, 8.4 or 8.7, nung ayaw lumabas sabi daw ni doktora, hiwain na lang daw. Nung narinig ng labidabi ko, iniri nya na ng todo dahil mahal pag ceasarian…ayun lumabas ang baby…whew !!

Kaba din ako nun, dahil ilang oras na sila sa loob ng delivery room. Ganun yata talaga pag panganay. Laging malaki ang baby, ewan ko rin ha, theory of evolution ko lang yon. Ayun nung makita ko yung baby na shock ako…bakit ganun ang itsura…conehead. Sabi nung nars, ok lang yon, makukuha sa hilot, kasi nga malaki yung bata tapos, maliit yung lagusan kaya sa kakairi ni labidabi eh syempre nadeform. Akala ko nga ganun na talaga itsura eh.

After six months nun, nang ipanganak ang panganay namin, nagpunta na ako dito sa Saudi. Isipin nyo na alang ang homesick na tumama sa akin noon. 1 year pa lang kaming kasal, tapos ang babu namin eh six months pa lang….huwaaahhhh…..(Background Music by Victor Wood : “Lonely…..I’m Mr  Lonely….I’ve got no body…”)

Sa madaling salita eh after 15 years naka 3 scores na kami, meaning 3 kids na. At sa tingin ko enough na yon sa amin. Kahit gusto ko pang magka baby eh praktikal na lang sa hirap ng buhay natin ngayon.

Sa 15 years na yon, wala akong natatandaan na nag away kami ng grabe, meron isang beses lang inasar ko, aba napikon….nagkulong sa banyo at hagulgol ng iyak..syempre si ako eh…..karinyoso, nakuha naman sa pagpapa-cute….LOLs. Pero never kami talagang nag-away, maliit na tampuhan meron, gaya na lang ng minsang pinipilit nya ako, pero wala ako sa mood dahil pagod….pinipilit niya akong bunutin yung mga damong ligaw sa loob ng bakuran (kayo talaga iba yung iniisip nyo eh…LOLs)

Kaya kahit mahirap lang kami, kahit isang kahig-isang tuka lang kami eh…nagpapasalamat pa rin ako sa blessing na dumarating sa aming mag asawa. Nagpapasalamat ako na magaganda at matatalino ang mga anak namin. Lumalaki sila na marunong at magalang sa ibang tao. Nagpapasalamat ako na kahit ganito lang kami eh, masaya naman ang pamilya namin….buo ika nga.

Labidabi…..alam kong hindi mo mababasa itong entry na ito dahil hindi ka naman marunong gumamit ng komputer…. Nintendo Family Computer lang ang alam mong gamitin…..hayaan mo ipababasa ko sa iyo ito pag uwi ko.

Happy 15th Anniversary sa ating dalawa !!!!

Sana tumagal pa tayo ng isang minuto….LOLs Jokes lang…

Sana humaba pa ang pagsasama natin…alam kong malaki ang pagkukulang ko sa inyo, pero alam kong naiintindihan mo yon.

Lab you !!!


Responses

  1. naks naman happy wedding aniversary po sa inyo ni labidabi mo…naks dapat ahkong pag uwi mo bonggang bongga ang regalo mo ang malaking malaking yakap sknya hek3…more anivs 2 come po senyo…
    😄

  2. Tenk yu…tenk yu….
    Pagumuuwi naman ako isa lang ang gusto nyang pasalubong…..yung importante…LOLs

  3. ang sweet nyo naman pong mister..happy annivesary po sa inyong dalawa ni labidabs..
    aabangan ko naman po ang silver anniversary post nyo..hehe

  4. happy anniversary po!

  5. @Sel & Rio – Thank you sa pag bati at pag dalaw sa tambayan natin….

    teka tuwing kelan ba ang silver ???


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: