Ipinaskil ni: ahkong | Enero 28, 2009

Hula…hula…ooppss

Hokey…??? It’s hula time again….

Basahin ang sumusuod na tala buhat sa isang pangaraw-araw na balting papel, (Newspaper).

Kung nais ninyong manalo ng limpak limpak na libag, ay sagutan lamang kung sino ang tinutukoy ng hwentong walang hwenta.

Isulat lang sa isang kapiranggot na papel de liha ang inyong kasagutan, ilagay ang inyong pangalan, edad, tirahan, selpon namber at lagdaan at samahan na rin ng letrato, isang closeup shot at isang body shot. (bahala na kayo kung gusto nyo nakadamit kayo o wala…ahihihihihi). At hulog sa tambyolo sa may tindahan ni Aling Petra, sa kanto ng 4th at 5th Street, Pulang Bato, Isla Berde. (Kung saang lupalop man yon eh hindi ko alam….ahihihihii)

***************************************************

Presidential appointee, may pekeng fans club

 

Tulad ng isang artista, may minamantini na ngayong fans club ang isang popular na appointee ni PGMA para lamang maisulong ang matayog niyang ambisyon sa pulitika.

Makahulog-upuan man ang nadiskubre ni Mang Teban, hindi na rin masisisi si kumag dahil desperado ito na masungkit ang pinapa­ngarap na posisyon sa 2010 kahit na marami ang nagsasabi na malabo ang tsansa nito na mapansin ng mga botante at ebidensya na nga rito ang mahina niyang ran­king sa iba’t ibang popularity surveys.

Ang siste, may lingguhang radio program itong si mokong at bawat tumatawag dito ay pinapayagan lamang na magbigay ng papuri sa kanya as in bawal ang bakbak sa kanya kahit sa mga inaangalan nitong programa.

Minsan nang naringgan si opisyal na mga kasapi ng fans club niya ang mga masugid niyang listeners at ipinagmalaki pa nito na mula pa sa iba’t ibang sulok ng bansa ang mga ito.

Lingid sa kaalaman ni kumag, bistado na ito ng mga taga-departamento niya na mga masugid lamang niya na staff kundi man ay kamag-anak ng mga ito ang mga miyembro ng ipinagmamalaki niyang fans club as in bayaran ang mga ito at scripted lamang ang pagsuporta sa kanya.

Bago pa man ito, may tsismis na mga empleyado rin ni opisyal o mga kapamilya ng empleyado nito ang mga masugid niyang listeners kung saan ang tanging trabaho ng mga ito ay ulanin siya ng papuri kada linggo sa nasabing programa sa pamamagitan ng tawag sa telepono o text messages na binabasa on air.

Pintahan n’yo na: si opisyal na nagmamantini ng bayarang fans club bilang bahagi ng gimik niya sa 2010 elections ay kilalang nag-astang kenkoy sa isang pakontes sa tv kung saan pinalad siyang manalo. ‘Yun na.


Responses

  1. parang parang kilala ko to ah…
    parang naging mayor namin to dati ah …
    parang eto yung head sa MMDA
    if im not mistaken eto yung gustong gusto tumakbo bilang presidente sa 2010
    at alam ko na kaya nanalo rin ang asawa nya bilang mayor ng lugar namen dahil may bayaran ngang naganap tsk..tsk..pero hindi ko sya huhusgahan kung gusto nyang tumakbo dahil may nakita rin naman akong magandang katangian nya nung dating sya pa ang mayor namen marami syang naisip na kahit paano ikinaunlad ng lugar namen pero may time minsan na hindi nya rin naiisip yung ibang gusto nyang pagbabago basta madami din akong alam sa ngayon eto muna..kung mali ang akala ko sa taong ito na tinutukoy mo talaga mali nga ang akala ko hek3…peace out…:)

  2. Yung gusto mong tukuyun na tao ay siya ring hula ko sa tinutukoy ng balitang papel. At tukoy na tukoy na dahil nagkalat na ang tarpulin niya sa buong kamaynilaan at sa karatig probinsya.

    Pero no doubt na maganda talaga ang nagawa niya sa lugar niyo, boto ako dun,….. kaso sa pamamalakad niya sa MMDA, eh marami siyang nasasagasaan na tao at batas na rin mismo. “Disiplina” ang gusto niya sa tao, tama yon…kaso sa pagpapatupad nung disiplina eh nagkasabit-sabit siya, saka pati yung mga tauhan niya hindi niya rin madisiplina. Pag nasa kalye, kung umasta eh akala mo kung sino. Pag may kakausaping driver, binubulyawan, sinisigawan…hindi tama yung ganun. Kaya ang madlang pipol walang respeto sa kanila kasi sila hindi nila nirerespeto ang mga tao.

    (Ah’Kong : Ayan po atin sermon araw ito….luhod po tayo at………)

    Hoy !!!! Sumingit ka na naman Ah’Kong…

    (Ah’Kong: Eh. BK….ito space pang “koment” lang…hindi post…haba iyo sabi..para ikaw akyen lolo…ako isa salita…siya salita para sine-nobela….ahihihihihi)

  3. o db blind item nila kilala na natin kung sino yun ..
    aalamin ko na lang din kung mananalo ba sya sa 2010 pero ako hindi ko pa alam kung sino iboboto ko hehe..depende ma lang kung malalagyan ang palad ko hek3…(dyuk lang)
    ilan taon na si ah’kong?
    intsik ba sya o visaya LOL:)

  4. Ako rin hindi ko pa alam kung sino iboboto ko….
    teka hindi na pala ako bumoboto…Huling boto ko kay Ramos pa…..LOLs

    Si Ah’Kong…..bata pa yan….hindi pa naman lagpas ng numero sa go-bingo…hindi ko rin malaman kung intsik ba ito o bisaya…pero pag nagsalita parang ka tribo ni Barok at Gundina eh……LOLs

    Ah’Kong…intsik ka ba o bisaya ?

    (Ah’Kong : Ay em istil yang….oo ako bata pa…bata pa isip…ahihihihihi….saka esmiyusmi…ako lahi Italyano-Kastilang Intsik….)

    Alangya ka Ah’Kong pinaganda mo pa yang lahi mo eh, ginawa mong cross-breed ano yan aso??? LOLs

    Sa totoo nyan sis…si Ah’Kong eh porti yirs old na…katunayan bukas Jan 30 eh berdey nyan….kaya Ah’Kong advance Hapi Berdey…may toma ba tayo…???

    (Ah’Kong: Ikaw gusto tayo huli dito Saudi…)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: