Ipinaskil ni: ahkong | Enero 30, 2009

Ang Swerte Ko….!!!

Ang ganda ng pasok ng Chinese New Year sa akin.

OO mga kaibigan, kapatid, kabagang, katsokaran, ka…ka…ka..kaasar !!!! Huwahhhh….

Hano ba itong swerteng dumating sa akin…..tingnan nyo ha…

1.) 26 Jan 2009 : Tumawag si labidabi sa akin at kailangan ng atik, datung, pera, salapi dahil gusto niyang magpa-checkup at 2 months na naman  siya walang dalaw, in short hindi pa siya nire-regla dahil dati may cyst siya sa may ovary na akala ko eh ok na dahil matagal na siyang nagpatingin noon.

2.) 27 Jan 2009 : Eto na naman ang tawag ni labidabi, yung bayad sa bahay, kailangan ng may ari 3 months deposit daw….

3.) 28 Jan 2009 : Heto na naman tumawag ulit… iyong anak ko hindi makakuha ng exam kasi may kulang pa sa school…(pero ok na ito dahil nakapag padala na ako ng allotment nila, re-exam na nga lang siya)

4.) 29 Jan 2009 : Heto matindi…inatake na naman ang erpats ko. Bumalik yung sakit niya at naka confine na ngayon sa ospital…ang potek na yan 800 pesoses isang araw ang bayad sa kwarto pa lang…eh kailangan i-CT Scan daw sabi ng doktor….7,000 pesoses daw yun….

….kahit balatan ako ng buhay saan kaya ako kukuha ng pambayad sa lahat ng yan….nung sumabog yata ang kamalasan sinalo ko yata lahat.

Natuturete na ako…nagpaalam ako ng 2 weeks emergency leave, ayaw akong payagan dahil closing year na, malapit na inventory. Gusto ko sanang umuwi dahil hindi kaya ng labidabi ko lahat yun. Wala naman akong ibang malalapitan dahil solong anak lang ako. (Bakit kasi nagtipid mga magulang ko eh….)

Hay naku…kahit ganito pa man, hindi pa rin ako nawawalan ng pagasa. Malay natin biglang magdelubyo ng lipak na mamiso…naku masakit yon pag tumama sa ulo.Dapat naka helmet tayo nun.

Pero seryusli…ang inaalala ko yung tatay ko. Ilang beses na yung sakit nya na yun at 77 na siya. Kung sakali man na….ayaw kong isipin…pero naka handa na rin ako…ika nga expect the worst. Ayaw daw ng tatay ko na ipa CT Scan siya…gastos lang daw….

Ang ganda….galing ano….??? Heto ang isa pang nakakainis na nakakaasar….Berdey ko ngayong araw na ito, Jan 30….ang gandang regalo…

Tinatawanan ko na lang mga problema ko…..kahit magpasirko sirko ako…kahit ibitin ako ng patiwarek at ipakain kay Madam Auring eh…eawn ko…

Nga pala Berdey din ni Ah’Kong ngayon….sabay kami nito eh…nasan kaya yun kanina ko pa hinahanap hindi ko makita, nagtago na yata…


Responses

  1. api bertdey kuya ah’kong hek3…sa inyong dalawa ni ahkong ang pagbati ko ..
    hay swerte mo talaga kuya pareho tayo ng swerte hehe pero hindi ko bertdey hehe,,..
    kaya mo wala man si ah’kong bukas babalik yun dahil baka nagtago lang at hiritan mo ng emperador jan but alam kong bawal yan jan hehe..
    wish you gudluck ang gud health..
    and more babies to come este more bertdey to come…:)
    basta pagpatuloy mo lang po lahat ng nasimulan mo especially dito sa blogsphere ayts…
    we love you …naks…

    lovelots..
    anakngpating at sampu sa mga blogers..:)

  2. Tenk yu sa pagbati sis….ayan tumutulo na luga..este… luha ko…LOLs

    Si Ah’Kong pa….naknakan ng kuripot yon…LOLs

    Thanks sis…

  3. prayers for you po..=) para malagpasan ang mga pagsubok..

  4. @Sel : Thank you….I appreciate it.

  5. sabi nga po ng matatandang sinungaling habang my buhay my pag asa hehehe (jowkes ^ )

    manalangin ka na lang kay lord

    kasi sa kanya walang imposible🙂🙂🙂

    belated hapi burfdai Po heehehe

  6. Kaya natin ito…..oo kaya ko ‘to….huhuhuu…huwaaahhhhhh

    Thank you bhabyangel sa pagbati…..at thanks na rin sa pagdalaw….

    Dadalaw din ako sa iyo…..teka magkano ba pamasahe papuntang London ? …..ahihihihihi


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: