Ipinaskil ni: ahkong | Pebrero 4, 2009

Si Erpats ko !!!

Naiisip ko ang tatay ko. Mahirap pala ang ganito…..

Hanggang ngayon naka confine pa rin ang erpats ko. Na CT Scan na siya at my bukol siya sa lungs. Sabi ng mga doctor gusto nilang i-biopsy (tama ba ang ispeling ko ?), pero sa lahat ng case na ganito pag may bukol sa lungs eh cancerous daw sabi ni doc.

Omaygulay !!!!

Mahal ko tatay ko, lahat ng kayang kong gawin, gagawin ko para sa kanya. If ever na cancer nga iyon…………bahala na !!!! Alam kong hindi naman ibibigay ni Lord itong pagsubok na ito kung hindi naman namin kaya.

Malaki ang utang na loob ko sa erpats ko. Siya ang nagpalaki sa akin, nakita ko kung paano siya naghirap makapag aral lang ako. Mula kasi nung mawala ang ermats ko, (12 y/o lang ako nun), parang na depress siya. Kahit ganun pa man hindi na siya nag asawa, ako na lang daw ang aasikasuhin niya.

Yung sama ng loob nya ibinuhos niya sa toma….ayun gabi gabi senglot. Uuwi ng bahay sumusuray, kaya nga ako natutong magluto kasi pag gabi wala pa siya eh ako na nagluluto nun. Minsan naman uuwi siya may dalang tapsi galing Don Galo….o kaya lutong pagkain na. Ganun kaming dalawa. Kahit papaano nakapag tapos ako. Minsan nga nung college, hindi pa ako nakakapag enroll, masasarahan ako ng sa enrollment….medyo nainis ako. Nakita ko si erpats nasa kwarto niya, binibilang yung pera niya….parang biglang may kumurot sa puso ko na alam kong kulang sa budget si erpats, bigla akong nahiya sa sarili ko. Lumapit ako sa kanya sabi ko, “dad…di bale na lang…next time na lang”

Hinding hindi ko malilimutan yon, dun ko napatunayan na kahit ano gagawin niya para sa akin…..kaya ngayon ako naman.

Hindi nya ako pinagsabihan na ganito ang gawin mo o kaya ganoon…hindi….iginalang niya ang privacy ko. Hindi sa pinabayaan niya ako, binigyan niya ako ng laya na mag desisyon mag isa. Isa lang ang kabilin bilinan niya….huwag na huwag akong magda-drugs kundi gulpi-sarado-mata-lang-walang-latay ang aabutin ko. (takut aku dun….)

Nung nakapag trabaho na ako, kada sahod binibigyan ko siya ng pera. Pero hindi naman parati rin, kadalasan pa nga pumapalya ako. Pero pag 13th month naman malaki-laki ang ibinibigay ko sa kanya.

Nung nakapangasawa na ako, nakita ko ang tuwa sa mata niya ng lumabas yung unang apo niya. Hanggang sa nasundan ng isa at isa pa. Mas malapit siya sa bunso ko kasi kamukhang kamukha ko daw nung maliit ako. Malaki rin ang sakripsyo niya sa mga apo niya. Kasi nga wala ako, siya ang nagaalaga nung maliit pa sila.

Kahit ganun, ni minsan wala kaming narinig na reklamo sa kanya……..minsan meron. (ang gulo ko). Ibig kong sabihin, hindi naman mawawala yung ganun, pero kahit nahihirapan siya, sige pa rin dahil alam kong mahal na mahal niya mga apo niya.

I pray nga na sana gumaling siya. Kung may magic lang ako, mamadyikin ko yung sakit niya eh para mawala. Pero reality check, hindi ganun ganun lang ang sakit niya. Alam kong nahihirapan siya, mahirap din sa akin, ayokong makita siya sa ganung kalagayan.

Sabi nga ng tiyahin ko, I-ready ko na sarili ko, expect the worse that could happen.

Kaya pinipilit kong maka-uwi, pero itong mga Rug-Heads na ito, hindi ako maintindihan, gusto pa yata ng mga ito eh mag ala-John Rambo ako. (Wag na baka lalo akong hindi maka uwi pag ganun.)

Mga prens, alam kong hindi naman tayo personal na magkakakilala, pero hiling kong pagdasal natin ang erpats ko……thanks mga kapatid.


Responses

  1. nasa inyo ang dasal ko parekoy. ramdam ko ang pagikot ng tumbong dahil di ka makauwi in time of emergency like this. ganyan din ako last year.

    i am hoping for the full recovery ng dad mo. long live. goodluck.

  2. Oo nga…ganito pala yung feeling, hindi ka mapakali, tapos hindi ka maka-focus sa trabaho dahil yung isip mo nandun sa pinas. Ang hirap…

    Thank you pre.

  3. nakakatouch naman, nakakatuwa at willing ka talaga tumulong pero nakakalungkot kasi may sakit si tatay. keep the faith ahkong. kasama mo kame magdadasal para sa mabilis na pag gamot at pag galing nya! kapit lang ng mabuti ok? Kaya yan!

  4. awww…yaaN u IPAGpray natin ang father Mo…
    ALam mo napaiyak Nga aKoO HABANg BINABASa Ko 2…KASI katulad sayO malayo akO sa father Ko..NSA LondOn AKo aT nasa PInas sya at habang kinakausap Ko sya palagi nyang tinatanong kung kailan ako uuwi..miss na miss ko na sya😦 …at katulad mo mahal na mahal ko rin ang father…

    i pray for his full recovery as well….

  5. ahkong, kasama ka sa aking dasal. sana maging ok ang lahat. ^^

  6. hay grabe teary eyed ako pramis kahit kakauwi ko lang samen sila din ng naiisip ko pero kaylangan magpakatatag dahil mas magiging komplikado kapag bumigay tayo kuya right?
    isasama ko sya sa dasal ko..at sa mga wish ko kay bespren GOD.
    hirap talga ng malayo sobrang milya-milya/
    KAYA NATIN TO..

  7. tawag ang kayo kay papa jesus di nia kayo papabayaan..
    hangad ko ang pag galing ng father mo..

  8. Maraming maraming salamat sa inyo aking mga kapamilya at kapuso dito sa blogsphere.
    Nakaka touch ang inyong suporta….salamat ulit.

    I-add ko kayo sa aking blog roll para madali ko kayong mapuntahan.

    tenk yu ulit….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: