Ipinaskil ni: ahkong | Pebrero 5, 2009

Tenchu…tenchu…tenchu beri mats tenchu.

Gusto kong pasalamatan lahat ng nagbigay ng suporta sa amin….maraming maraming salamat sa inyo mga kaibigan ko. Nakakataba ng puso na kahit hindi tayo magkakakilala ng personal mayrun tayong mga kaibigan na handang dumamay sa oras na tayo ay nakalugmok sa putkin ng kumukulong apoy…teka iba na yun ah ?

Ayan kahit paano eh napapatawa ko sarili ko, kahit magmukha na akong sintu-sinto. Minsan nga kinakausap ko na sarili ko pero, nakngtsonggongsupot, ayaw sumagot…..LOLs

At thank you rin kay Lord, pinayagan akong makauwi….maybe by nek wik eh makauwi na ako, hopefully sa Monday or Tuesday. Kahit paano eh nagkarun ng linaw ang madilim kong mundo nitong nakalipas na mga araw. Sa wakas makikita ko na rin ang pamilya ko, lalong lalo na si erpats. Pwamis, kukuha ako ng mga pektyur at ipost ko dito para cool.

May nakalimutan akong taong dapat kong pasalamatan ng malaki. Dahil hindi biro ang ginawa niya……si Labidabi ko.

Gusto ko siyang pasalamatan na kahit hindi naman niya obligasyon, (tama ba ang term ko ?), inalagaan niya ang erpats ko. Kahit pagod na pagod na siya…..puyat, asikaso sa mga bata….eh hindi siya nagpabaya. Kaya maganda ang pasalubong ko sa kanya………..Kahit alam kong may sakit din siya, inuna niya si erpats kesa sa sarili niya. Malaking sakripisyo din ang ginawa niya.

Kaya labs na labs ko yon eh.


Responses

  1. hehe nice makakauwi na si kuya pasalubong ko ha dont forget size 4 hehe joke..:)
    oki kip safe po pag uwi mo dito hehe🙂
    salamat kuya..

  2. Tenk you sis. Walang problema, kahit Size 10…LOLs

  3. size 10 nmn kuya hindi ko yun masusuot sayang naman hehe peace:)

  4. iba talaga ang may labidabs na handang dumamay kahit kelan. — nakeke-epal lang po 🙂

  5. hala nasa B.Roll mo pala ako. update ko din sakin mamaya. btw bilib ako sa labidabi mo. bihira yan. pasalubungan mo. ang mahalaga naman ay yung thought sa gift e. tas sana paguwi mo ay getting better na si pader! ingat! hisnameisdencios

  6. @anakngpating : – Sis magagamit mo yon pag baha sa Malabon…para kang naka water-ski.LOls
    (jokes lang)

    @basti – salamat sa pagdaan….

    @dencio : – Talagang espesyal ang pasalbong niya, ibibigay ko yung lagi nyang hinihingi pag umuuwi ako….ahihihihi

  7. parang alam ko na yung laging hinihingi ni ate labidabs mo ah hehehe kinikilig ka pa ha..bait ni ate noh…swerte mo kuya..ang layo naman malabon pa ko pupunta para masuot ko lang yun hehe pwede naman sa ilog namen hahahah…:)

  8. nakkkzz swerti din si labidabs dahil mahal na mo sya :D…

    GANUN TALAGA ANG MAG ASAWA sa hirap at ginhawa ay magdamayan ng problema🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: