Ipinaskil ni: ahkong | Pebrero 8, 2009

Excited na akooooo….!!!!!

Oo mga prenster, excited na ako………yung parang sinisilaban ang wetpu ko at parang nilagyan ng isang katutak na sili sa loob.

Kaso wala pa yung papers ko, ni wala pa akong booking malamang nyan sa Tuesday pa ako makauwi at Wednesday na ang dating ko dyan sa Pinas. Pero ok lang basta makauwi lang at makapiling ko ang aking mga minamahal….(pati na yung mga iba…???)

Gusto ko ng makita ang erpats ko. Makita na ang kanyang kalagayan at kung ano pa ang maaring gawin para maka-recover sya at tuluyang mawala yung sakit niya.

Gusto ko na ring makapiling si Labidabi at yung tatlong tsikiting gubat namin. Nag text sa akin kagabi at tanong ng tanong ang mga kids namin dahil ang daming mga bilin…..omaygulay, hindi ako yung hinhintay kundi yung pasalubong nila…..LOLs

Gusto ko ng makita si Britney….kung nabuntis na ba o hanggang dun na lang siya at wala ng lahi.

Gusto kong kumain ng baboy…oo kahit may ebola reston pa yan. Sinigang na Baboy, Adobong Baboy, Inihaw na Baboy saka yung Gigi..na-miss ko yung pritong galunggong, (na medyo malutong), tapos may inisteam na talbos ng kamote tapos ang sawsawan eh sukang may bagoong….wow tsalap.

Sa palengkeng bayan ng Bayambang, meron nabibili ring fresh na hito, na-miss ko rin yon, yung ang hirap patayin kasi ang tigas ng ulo. Na miss ko rin yung pag gabi na, pumupunta kami ni labidabi dun sa kainan ng goto at tsumutsibog kami, midnight snack ika nga….ahihihihihi.

Na-miss ko rin yung pag alas kwatro ng madaling araw eh gising na ako at inaabangan ko yung nagdadala ng, kapiranggot na tinapay. Yung bang isang subo lang ang isang pirasong tinapay….(paliit ng paliit eh), malamang nyan pag tagal-tagal ang tinapay kasing laki na lang ng chicken nuggets ng McDo.

Na-miss ko rin yung kabayo….oo may pulang kabayo dun sa amin. Pag nanipa siguradong logtu ka…..LOLs

Ang pinaka na-miss ko…….


Responses

  1. sarap nga nana tlga ng talbos ng kamote at isasawsaw sa bagoong tsalap..
    haha yung pasalubong talaga yung iniintay ng mga chikiting mo ganun talaga..ikikiss ka naman nila pag dating mo eh hehe,..

  2. Lagi nga raw kinukulit mommy nila kung kelan ako dadating…..LOLs

    Buti kung iki-kiss ako, kaso 2 mga bugoy yun…naku pag natanggap na, hala takbo na sa labas….LOLs

  3. ah mga lalaki pala mga anak mo kuya kala ko babae hehe…kaya pala hehe..
    ok lang yun hug na lang hindi na kiss..
    ayts?

  4. yung panganay ko babae, dalaginding na rin, (14y/0 na siya sa Feb 16.)
    Yung dalawang sumunod mga bugoy….LOLs
    Sakto pala uwi ko BDay ng aking panganay….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: