Ipinaskil ni: ahkong | Pebrero 8, 2009

Walang Flight

nakngtulingangduling…..walang makuhang flight ng Monday, Tuesday & Wednesday…..

Ang nakuha Feb 12, Thursday na Flight via Gulf Air. Ayaw na ayaw ko pa naman ang Gulf Air kasi sa Bahrain pa iyon. Babyahe pa akong papuntang Bahrain, tapos pag dating dun sa airport eh halos kalahating araw kang maghihintay. Nakakabato kaya dun, wala kang gagawin kundi tumunganga sa lounge.

Kasi naman itong taga asikaso ng travel dox eh papetiks petiks, ampootah. Napansin ko ayaw akong paalisin hanggat hindi tapos yung inventory. Tinawagan na sila ng big boss na asikasuhin yung travel dox ko asap, pero ayaw nilang kumilos, ayun napagalitan sila, bakit daw ganun, matagal na ‘kong naka file ng leave wala silang ginawa, ilang araw ang lumipas. Pero pag kalahi nila, (mga Musri – Egypt) walang kakurapkurap na kalahating araw lang tapos na lahat.

Pero ok lang makakapaghintay pa ako ng ilang araw, saka para na rin makapaghanda ako ng mga dadalhin ko at itong inventory eh at least 50% matapos ko, bahala na sila sa matitirang 50%, basta ako uuwi na muna. At isa pa ang request ko eh 20 days lang, ang ibiniga nila sa akin 1 month, kaya ok na rin.

Nape-pressure na rin ako sa trabaho, tapos kaiisip ng problema ngayon. Kailangan ko ng mag charge, low batt na ako.


Responses

  1. relak! anjan na iyan e. chill ka na lang at take a deep breath. ang isipin na lang ang pamilyang makikita muli kesa ang mga tao jan.😉

  2. nice naman dati ako ang nangunguna sa comentors ni ah’kong si cio na ngayon hehe klap klap..gusto ko bonding tayong tatlo hehe toinx..tama si cio ah’kong atlist 1 month ang nabigay sayo matagal-tagal na din yun..mamimiss ko kayong dalawa hehe kahit alam kong pareho kayong uuwi dito sa pinas hehe…kip safe always..mwah hugs..

    bounce:)

  3. kahit nasa pinas ako mag post pa rin ako kahit konti….uuwi rin ba si dencio ?

    kung malapit lang kami sa manila puntahan ko kayo. kaso nasa dulo ng walang hanggan ang aming maliit baryo……LOLs

    saka pag nasa pinas ako kulang na lang itali ako ni labidabi para lagi nya akong nasa tabi niya, (ginawang parang aso)….LOLs

  4. pabakasyon lang boy hehe. update pa din ng blog ha!

  5. magbabakasyon lang kuya hehe..
    aso ba hehe syempre eh minsan ka lang nya makita pareho kayo ni cio na malayo sa maynila hehe spent nyo lang yung time sa pamilya nyo mas ok yun ayts? saka updated naman eh hehe saka darating din yung magkikita-kita ang lahat…saya:)

  6. sasamantalahin ko na ito, dahil one month lang dapat kahit paano i-enjoy ko na rin dahil pagkatapos nun, dusa na naman…..as in kulang na lang dugo na ang pawis na lumalabas…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: