Ipinaskil ni: ahkong | Marso 16, 2009

Bakasyon na ba yon??

Sa totoo lang mga prenster napaka ikli nung bakasyon ko, wala pa ngang 1 month yon. Bakit kanyo ? Eh ang Feb hanggang 28 lang, kulang pa ng 2 araw.

Pero ok na yon, talagang ganun eh, kailangan na rin naman akong bumalik dito sa impyerno kong trabaho dahil wala na kaming datung. Pero kung tutuusin pwede na akong hindi bumalik, aktwali, ayaw na akong pabalikin ni labidabi at ng unica hija ko.

Ngunit dadapwat subalit…..kinakailangan kong bumalik dahil may gusto akong pag ipunan. Pero bago tayo mapunta dun eh kwento ko muna ang mga nangyari sa akin nung bakasyon ko.

Paano ko ba sisimulan, hmmmmmm……teka syempre kailangan kong umpisahan sa simula, hindi naman pwedeng sa gitna at huli…. anu yon, Kill Bill ????…..LOLs

Ganito yon, 12 February, nag empake na ako ng mga dadalhin ko. Isang box lang naman saka isang Hand Carry.  Ang flight ko eh DMM-BAH-MNL (round trip) 0020am sa Bahrain. Alas tres pa lang ng hapon nasa may Bahrain Bus Terminal na ako kasi excited na akong maka-uwi.

Bandang 6 ng hapon bumyahe na yung bus going to BAH. Mga 2 hours din ang biyahe from Dammam to Bahrain tapos saksakan ng trapik dahil Thursday yon, maraming mga Saudis ang nagpupunta ng Bahrain. Ano kanyo ginagawa nila dun ? Ano fa, tumotoma….naghahanap ng fek fek. (Mga ipokrito nga yang mga Saudis…LOLs)

Heto na, bandang 12.00 nagboarding na kami. From BAH to MNL eh almost 9 hours ang biyahe.

Umalis ako dito sa Saudi may araw pa, dumating ako sa Manila, may araw pa rin. Dyus por santo….ang hirap matulog sa eroplano, kahit anong pilit ko hindi ako makatulog. Ang masama pa sa gitna ang upuan ko. Buti na lang cute yung Flight Attendant namin, at panay ang pa-cute sa akin….nyah…ha..ha..ha… sorry na lang siya hindi niya matitikman ang alindog ko…LOLs

Pag dating ng Manila sinundo ako siyempre ni Labidabi, kasama si Unica Hija ko.

13022009099

(Ang aking Unica Hija at si Labidabi nung sinundo nila ako sa Erport…sino mas maganda sa kanila ??? Sino pa eh di ako….LOLs)

Nung sunduin nila ako sa airport, kasama yung hipag at bilas ko, (matadang kapatid ni Labidabi) at nagyaya silang mag Duty Free.

Alangyang Duty Free yan mahal din naman pala, kumpara dito. Saka bakit walang free lahat may bayad, di ba ? Duty “Free” nga eh….pinagluluko lang tayo. Bibili sana ako ng mga sigarilyong maong, kaso pagtingin ko nak ng teteng 45 Dollars ang isang ream. Sabi ko huwag na lang, sa grocery na lang ako bibili ng Fortune, pwede na yon pamigay sa mga sunog baga.

Ay, meron din nga palang fee sa Duty Free pag bumili ka ng mga naka pack na sokoleyts eh mamimili ka ng free items nila. Tinatanong ko nga kung may libreng kotse wala raw sabi nung salesman.

Kaya hayun, pagkatapos nilang mamili nag pahinga muna kami dun sa bahay ng hipag ko sa may Las Piñas, tutal matraffic pa sa oras na yon. Mga bandang 6 pm pumunta na kami ng Terminal ng Five Star Bus dahil uuwi kami sa Bayambang, Pangasinan.

Ngarag na ako ng mga oras na yon, biruin nyo 9 hours from BAH to MNL tapos babyahe pa kami ng mga 5 to 6 hours papuntang Pangasinan. Kung hindi lang sana naghihintay yung dalawa kong bugoy hindi na sana muna kami uuwi.

Pagdating nga Tarlac, sa may  siesta. Lumipat kami ng biyaheng San Carlos dahil yung bus na nasakyan namin eh Biyaheng Camiling, hindi dadaan ng Bayambang, (iba kasi ruta nun eh).

Dumating kami ng Bayambang bandang alas dos na ng madaling araw. In short almost three days akong gising. May jetlog pa ako, kaya hindi ako makakain kahit gutom na gutom ako. (paano naman kasi ang pagkain sa eroplano hindi mo matawag na pagkain, kokonti na hindi pa masarap)

Pagdating namin sa bahay ang una kong nakita ay si Britney my Lab.

 05032009171

(Oh diva, ang taba na niya. Parang baboy sa laki. Buti na nga lang hindi inaatake sa puso.)

 

 

 

 

Nung matutulog na kami, ang feeling ko, syempre matagal kaming nagkalayo ni Labidabi, eh para akong yun bang bagong kasal. Excited na excited ako….bwahhh..ha..ha..ha…ha… sa wakas makakapag change oil na rin ako.

Pero hindi nangyari, alam nyo kung bakit ?

“THE RED FLAG IS UP !!!!!”

Anak ng kagaw na yan…… pag mamalasin ka nga naman oo !!!!

(susunod ang unang araw ng bakasyon)

 

 


Responses

  1. hahah malas nga hehe,..hindi pa tyumempo hehe..kulet…
    at dalaga na pala tlaga ang unica hija mo..may love life na ba yan hehe..siguro malamang inalam mo yan nung panahon na mg kakasma kayo at taga pangasinan pala ikaw ahkong hehe…wala lang..
    at yan pala si britney pwede pala sya dun kay labrador ,ag palahi..hahagilapin ko un para mag karon na ng love life ang britney mo hehe…

  2. Hay naku sis, pag nandun ako walang lab layp yon pag nakaalis na ako nagkakarun….LOLs

    Pero alam naman niya na ayoko pa siyang mag BF. Takot din naman sa akin yan. Marami din namang nagpapalipad hangin ika nga.

    BAog yata tong si Britney ilang beses ng nakasta hanggang ngayon hindi mabuntis. Syang lang ang lahi…..pinapakasta ko nga dun sa mga tambay dun, hindi raw nila type imported kasi…Nyahhh…ha..ha..ha…ha…

  3. ang ganda pala ng unica hija mo at pati na din mrs.ahkong😀

    (tingin ulit sa picture)

    …ganda talaga ni unica hija🙂

  4. syempre naman, kanino pa ba magmamana ng kagandahan yan kundi…..

    sa mommy niya, hindi sa akin…..LOLs

  5. awww😀 pretty naMan nG unica hija Mow

    ganYan talaga ang d one and onLi daughter sa mag siblings like me hehe….toinkz ( kapal mukha ko xencia na hehe)

    yuNg doggY mOw baka naman buntis kaya nanabah d ba sabi ng mga matatandang sinungaling na kapag nanaba ka buntyis hehe

    haysss i cant w8 na talagang makauwi😦

  6. Mas malapit sa akin ang unica hija ko. Siguro dahil only girl tapos sya pa ang panganay. Kaya pag naglambing sa akin yon, basta kaya ko ibinibigay ko. Pag hindi naman kaya, naiintindihan naman niya.

    Proud ako sa kanya dahil sobra sobra sa expectations ko ang ipinapakita niya sa amin.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: