Ipinaskil ni: ahkong | Marso 17, 2009

Unang Araw ng Bakasyon

Masama loob ko nang araw na yon. Dahil sa tinagal-tagal ko dito sa Saudi eh hindi ako nakapag change oil……hwaaaaaaahhhhhh !!!!!

Ayun nga dahil sa THE RED FLAG IS UP, hindi kami nakapag laro ng bahay-bahayan ni labidabi. Iyon pala since January 29 pa siya dinudugo. On and Off ang mens niya. Pero hindi rin naman matatawag na mens dahil minsan sobra lakas minsan ga-patak lang.

Ang ginawa ni labidabi eh nagpa-check up siya sa Specialist sa PGH, oo lumuwas siya nun, pero mga 3rd week na ng February yon. Nung na-check up siya, pina Biopsy siya ng doctor dahil may nakitang maitim-itim sa loob ng ovary niya.

Nang matapos ang Biopsy after ng ilang araw eh, ok naman ang result. Yung cyst nya hindi naman daw cancerous….maliit pa raw sa munggo sabi nung doctor.

So imagine ninyo ang pagka imbyerna ng biyuti ko. Wala kaming jug-jugan ni labidabi the whole vacation ko dahil nung mawala yung pagdudugo nya eh nung araw ng balik ko dito sa Saudi.

Pero mabalik tayo sa unang araw ng bakasyon ko. Ginising ako ni labidabi ko at naka handa na yung almusal. Dun kami kumakain sa labas ng almusal saka tanghalian, may maliit kaming kubo dun. Presko kasi sa labas mahangin, tapos maraming puno kaya malilim rin kahit tanghaling tapat.

Sayang nga hindi ko nakuhanan ng pektyur yung kubo kasi naman ang nakatawag pansin sa akin eh yung almusal ko.

15022009116

Wow hot pandesal wid Liverspread….sarap nitoooo !!!! Pero teka bakit ganito ito…….

15022009117

Nakngtulisangsupot !!!! Bakit ganito na kaliit ang pandesal ngayon, ni hindi ako matitinga nito…….

Ayun napagalitan pa ako ni labidabi at ang sabi sa akin eh sa barangay na lang daw ako magreklamo.

Wala rin naman akong ginawa maghapon, pwera na lang nung naisipan kong mag sigang ng maya-maya. Pumunta ako ng palengke, at bumili ako ng maya-maya. Bumili ako ng tatlong kilo, yung isang kilo panay ulo tapos 2 kilo na panay laman.

Bakit ganun kadami kasi 50 petot lang ang isang kilo at fresh pa yung maya-maya kaya napabili ako ng marami, yung iba ginawa kong pampu dahil nung gabi na yon eh tomaan dahil pumunta yung mga boys namin.

Itong mga boys na ito eh nung araw na yon ko lang nakilala. Sila yung mga magto-tropa na napatambay dun sa amin dahil parang naging nanay-nanayan na nila si labidabi. Sila rin ang tumulong nung naospital si erpats. Sila rin ang nagbabantay sa unica hija ko.

In short, mga bataan ni labidabi…. pag kailangan ng ganito o kaya ganun, nauutusan ni labidabi ang mga yon. Gaya ng pag kailangan ng isang sakong uling, kung sino ang nakatambay dun, nauutusan ni labidabi. (Hindi na kami gumagamit ng LPG dahil mahal, naguuling na lang kami….mas tipid, may LPG pa rin kami pero pang emergency na lang.)

Pero hindi rin sila basta-basta mga tambay, kung baga nagtayo sila ng grupo, yung isa graduating na ng nursing, yung iba 4th year HS, yung iba may mga trabaho na rin. Kaya rin napatambay dun sa amin ang mga boys na ito dahil sa lugar nila, (sa kabilang barangay kasi sila), magulo, lagi silang nasasangkot sa mga away.

Nung mapatambay sila sa bahay, naging mga maaamong tupa ika nga dahil napagsasabihan sila ni labidabi. Magagalang din naman sila. Sila ang mga naging kuya ng unica hija ko.

KAya nga nang pagbalik ko dito, binilinan ko sila na bantayan nila ang tita nila, (tita kasi ang tawag nila kay labidabi). Kaya payapa naman ang isip ko na alam kong kahit malayo ako eh may nagbabantay sa kanila.

Kaya nga pag balik ko tig-iisang Zippo lighter ang naipangako ko sa kanila, at mag outing daw kami, kako sige kung makapaghihintay kayo ng mga 2 taon….LOLs

May mga bebotski rin silang mga kasama pero hindi ko pa na meet dahil yung ibang members nila eh nahihiya sa akin.

Nung bandang hapon, naglakad-lakad ako sa bayan. Nang madaanan ko itong motorsiklo na ito…..

150220091281

Eto ang pagiipunan ko dahil naglalaway ako pag nakikita ko itong motor na ito. Ang cash nito ay PHP68,000 lang, 150 cc tapos Honda parts pa.

Meron na akong motor dati yung Wave kaso ibinenta ni labidabi dahil yung unica hija ko eh kung saan-saan nakakarating pati sa kabilang bayan umaabot, eh wala pang lisensya yon. Ayun sa galit ng mommy niya ibinenta yung motor ko, ako ngayon ang nawalan.

Pero talagang pag iipunan ko yang motor na yan kahit magkapitpitan pa ng yagbols bibilin ko yan pag uwi ko, pwamis itaga nyo pa sa tubig…..LOLs

Eto naman si Boy Flawless pinag laruan yung selpon ko at panay ang pagpapacute.

15022009119

15022009127

Hay nakaw….magkaanak ka ba naman ng ganitong kakukulit pero huwag nyong iismolin yang si Boy Flawless, maraming nagkaka-kras dyan, ultimo HS. Graduating ngayon yan ng elementary at No. 2 siya sa buong grade 6. Hindi nya raw matalo yung no. 1, pero ok na rin yon. Ako nga kahit top 20 hindi ako napapasama sa ganyan. Buti na lang ang mga tsikiting ko eh nagmana lahat sa nanay nila.

Ang humahabol ngayon sa kanila eh si bunsoy, lahat daw ng grade eh nasa line of 9, isa lang ang line of 8.

Tuwa na ako at magagaling ang mga bebes ko sa school. Sulit lahat ng pagod at hirap ko dito.


Responses

  1. aww ur so bless with ur family….😀

    PEWo Natawa akO first Line or shall i say first bit ng post mo hehehe

    paaNo nayan na sobrahan ka na ngaun sa tigang hehe….

    peace😛

  2. Thanks sis, pero korek ka….sobrang tigang talaga. Asar talo nga eh.

    Feeling ko I took a vow of celibacy, kaya nga hindi ako nag pari eh….baka masiraan ako ng bait pag naipon….LOLs

    Teka nagiging green na yata tayo….LOLs

    Thanks sa pagdalaw, dalawin din kita dyan sa London bridge is falling down minsan at ililibre kita ng isang tasang goto with tokwa’t baboy on da side….LOLs

  3. bossing kanino pa ba magmamana kungdi sayo lang! saka sa tingin ko alam na ng mga bata ngayon ang hirap ng magulang sa pagttrabho. mulat na kasi ang mga yan (syempre nakikita naman nila at yung nagagawa ng media sa pagpapalabas ng mga hirap nating mga OFW) kaya in return nagaaral mabuti. saka isa pa ibig sabhin magaling din mag-alaga/dumiskarte si loving wife🙂

  4. Thanks bro, pero sa tingin ko ang minana lang sa akin ng mga tsikiting ko eh ang pagkamakulit at syempre, yung pagka-cute….LOLs

    Tama ka rin aware na ang mga bata ngayon sa hirap ng buhay. Pagsinabi namin na wala at hindi pwede hindi na sila hihirit pa. Kaso minsan makikita mo sa mata nila yung disappointment, kaya hanggat makakaya namin gusto namin ibigay lahat sa kanila.

    Kasi bilang magulang, syempre ayaw natin na nalulungkot ang mga bebes natin.

  5. wow ha antayin ko nga lumaki yang si boy flaw less at maligawan ahkong hehe payag ka ba hehe…
    at ang pandesal tagal ko na rin di nakakakain nyan hehe ang liit na nga ah hehe…
    mana pala talaga sayo ang anak mo ah mukang maraming paiiyaking babae yan ah hehe….
    tama naman po talaga kayo at tama rin ang sinabi ni dencio kasi magiging tatay na rin ya eh hehe…

  6. Sige walang problema, basta aalagaan mong mabuti yan, wala ka naman problema sa pagkain nyan walang pinipili basta malalafang. Yun nga lang mainitin ang ulo mana sa byenan kong lalaki…LOLs

    uy…dencio congrats….simula na ng sakit ng ulo mo….LOLs

  7. @ ahkong

    ge bah aasahan ko yan salap salap pa naman ng goto…parang orongoto hehe

    nakhu buti na lang d ka nga nagpari otherwise u wouldnt have beautifull children😀

  8. @kiikay
    Kung gusto mo ipagluluto pa kita ng goto….i-import pa natin yung laman loob…..galing kay Mang Jose Funeral Parlor….LOLs

    Buti na nga lang hindi ako nag pari kung hindi baka magulo lang ang kombento at marami malokang mga madre….LOLs
    (Ayan na naman nagdidilim na naman ang paligid at lumalakas ang hangin…!!!!)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: