Ipinaskil ni: ahkong | Marso 19, 2009

Sugpo wer na u ?

Dinaanan ako ng bilas ko sa bahay after ng ilang days. Tingnan na raw namin yung fishpond at harvest time na.

26022009162

(ito yung isang butas sa fishpond sa Dagupan….nagde-drain sila niyan)

Tatlong butas ang fishpond sa Dagupan yung isa pinarentahan na lang namin. Kasi yung unang laglag namin na 500,000 na sugpo eh nalugi kami.

Last year yun. Isang linggo na lang harvest na kami ng mga sugpo, bigla naman daw tumama yung lintek na bagyo. (Kalimutan ko pangalan nung bagyo na yon, basta yung last na tumama sa Central Luzon na malakas).

Ayun nag overflow ang fishpond at lahat ng mga sugpo eh hindi na namin alam kung saan nagpunta. Bwisit na yan….lugi.

Heto naman ngayon, harvest time na ulit. Kalahating araw na silang naglilimas hanggang ngayon wala yung mga sugpo. Naging mga tilapya yung Sugpo. Naka dalawang malalaking cooler din kami na puno ng Tilapya, Carpa meron pang Alimango saka Igat. Sabi ko nga dun sa bilas ko, sa susunod tilapya ang ilagay namin at baka sakali pag harvest eh Sugpo na ang makuha…LOLs

Sayang 100,000 na fingerlings din yon at wala kaming nakuha. Ang teorya nung tagapag alaga namin eh dahil sa sobrang lamig nalusaw yung mga sugpo.

Pero may chance pa kaming makabawi, may isa pang butas at maganda ang chance dahil pag limalapit ka dun makikita mong nagtatalunan yung mga sugpo.

Ganyan talaga pag nagnegosyo, parang sugal……matatalo ka o mananalo ka.

Pero napag desisyunan na namin na after nung isang butas ititigil na namin, saka hanggang 2010 na lang ang upa namin dun sa fishpond. Tatapusin na lang yon.

Kaso kahit kalahating guhit wala……nakngpatingnaduling !!!!

Satingin ko yung mga sugpo naging alamang….LOLs


Responses

  1. naku malamang sa malamang naging alamang nga yung mga sugpo na yun hehe sayang nga naman talaga sarap pa naman nun lalo na ung malalaki nag laway tuloy ako …ganyan talaga kapag negosyo may swerte may luge hehe kaya ng talagang kaylngan mong sumugal eh hehe…

  2. Hay naku sis, malaki na rin ang nalugi sa amin….
    kaya nga pinagiisipan ko na beerhouse na lang sigurado pa…LOLs

  3. haha kuya malamng mabenta ang beerhouse sa tabi ng sugpuan hehehehehehe….at tungkol naman sa anak mo akala ko sayo nagmana hehe..kaya na bang mag banat ng buto nyang anak mo heheh…magbubunot lang ha heheh…

  4. Ang nakuha lang sa akin nyan eh ang ka pogian ko…(aaaaawwwwrrrrrkkkkkhhhh !!!!!…tubig pls.)
    Ayan biglang nagdilim ang paligid at parang magdedelubyo…LOLs

    Hay naku yan pa, napakatamad sa bahay nyan, pag hindi mo pa inutusan hindi kikilos. Sabagay bata pa kasi panay japorms lang ang alam….

    Nyah..ha..ha..ha..ha…

  5. Kung sakaling mag-tagumpay yung breeding sa mga sugpo/tilapya, magkano tutubuin o kikitain ninyo (estimated)?

  6. Sa tilapya hindi ko gaanong alam kasi yung mga nahuli naming mga tilapya mga galing ilog na nakakapasok dun sa loob, mga wild tilapya yata ang tawag dun.

    Sa Sugpo ang compute ng bilas ko sa isang tonelada may 1 mil ka hindi pa labas ang expenses mo. Sabihin natin na para sa mga tao (labor), yung feeds at rental nung fishpond eh aabot ng 350 thou. Meron ka pang matitirang 650T. More or less….

    Ang target sana namin eh tatlong tonelada. Kaso ayun nga sa pangalawang pagkakataon eh natalo. Isang chance na lang at sana naman kahit yung capital namin eh mabawi namin.

  7. negosYo d ako masyadOng maka relate d2 hehe…

    pero yung sugpO ang theory kO Lang ay naging tiLapya or aLamang hehehe….

  8. namalas lang talaga..isip na lang ng ibang bisnes..hehe

  9. Huy sugpo, favorite ko yan kapag napupunta kami sa Dampa -Roxas Boulevard.

    Hi po, perstaym ko dito. ^_^

  10. bosing welcome back! dami ng pera ha malaking negosyo yan..sayang nga lang pag lugi…goodluck po!

  11. negosyo rin ang pinagiisipan kong gawin dahil parang ayoko nang magabroad. parang gusto ko ng tumigil asap kaya gusto kong magkaron ng income-generating business sa pinas.

    gusto ko rin magkaroon ng palaisdaan at magalaga ng kung ano ano. kung maganda lang ang bentahan ng sirena at syokoy baka magalaga na rin ako non. hehehe.

  12. @kiikay – Oo nga, siguro kung alamang na lang malaki pa kinita namin…LOLs O kaya yung pang Jumping Salad…

    @Azul – Ano nga kaya maganda…..beerhouse o sex den….???? nyahh..ha..ha..ha..ha…

    @Snow – Welcome dito sa tambayan namin. Hulaan ko kung taga saan ka…kung hindi ka taga Parañaque taga-Las Piñas ka. Kasi malapit lang kami noon dyan sa Dampa sa may Coastal Road. Thank you sa pagdaan.

    @Sel – Thanks Sel. Hindi naman madami konti lang. Minsan nga wala na akong mawalis eh….LOLs

    @RJ – Eh kung kasing ganda ba naman ni Dyesabel ang sirena, kahit isang container oorder ako….Nyahh…ha..ha..ha…

    Ako ayoko na rin mag abroad, huling Tour of Duty ko na ito. Almost 10 years na rin akong nag aabroad. Itong huli na ito may kailangan lang akong pag ipunan.

    Maraming pwedeng simulang negosyo sa atin, palakasan lang ng loob. Mag tindahan ka, unti-unti lalaki rin iyon. O kaya loading station. Sa dami ng may selpon sa atin hindi ka mawawalan ng kostumer, kung hindi loading station… kung may puhunan lang na malaki mag distributer ako ng smart/globe o kaya sun.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: