Ipinaskil ni: ahkong | Marso 24, 2009

Bago ka umalis……TOMA MUNAAA!!!!!

One week  bago ako naka sched na bumalik dito sa impyerno sabi nung bilas ko i-set namin sa March 08, para tamang tama katatapos lang ng harvest ng mga manok. (Supplier sila ng vita rich at sakto na ang Misis niya, na kapatid ni Labidabi eh nasa Manila at kapapanganak lang nun).

Ang usapan ng tropa eh umaga pa lang toma na para pagdating nga hapon senglot na……….. kasi Linggo at kailangan din nilang umuwi ng maaga dahil may pasok kinabukasan

Kinausap namin yung ibang tropang kulangot na nai-set namin na March 08 eh mag hahapi-hapi at magpapakalasheng kami…..

Heto na March 08, nagising ako ng maaga at nag almusal ng sinangag at halabos na hipon. (Nakuha sa fishpond)

Bandang alas otso tumawag yung bilas ko kung tuloy daw….kako oo tuloy yan. Kaso yung mga kausap namin eh tulog pa. Alangya itong mga ito…sila ang may sabi na maaga pero sila ang wala.

Yung iba gising na at pupungas-pungas pang pumunta sa akin kung anong oras daw aalis. Kako maligo na sila at dahil amoy panis na laway sila at aalis na tayo kako. Dahil kanina pa naghihintay si putol (yung bilas ko).

Naka alis kami ng Bayambang mga 10am na at tirik na ang araw. Sumakay na kami ng bus papuntang Camiling at from Camiling sakay naman kami ng bus papuntang Dagupan.

Baba kami ng San Clemente, sa Cabaluyan, Mangatarem. (Boundery siya ng Tarlac at Pangasinan).

Heto na pag dating namin sa malabundok na lugar nila, sa farm bising bisi yung mga boys niya sa pagluluto. Nakupo ang daming manok, kasi nga harvest, yung mga reject yun ang niluto nila. (Yung mga kulang sa timbang o kaya over sa timbang). May dinuguan, may luto sa mushroom, may adobo, may sitsaron din pati yung mga ulo at paa hindi rin pinaligtas at sinama sa adobo.

Tanong ni bilas, “ano kakain na muna tayo o simulan na natin ??”

Sagot ng tropang kulangot : “Simulan na natin at maglagay na lang ng kanin kung sino gusto sumubo dun na lang….” (Napaghahalatang mga talamak sa alak ang mga pootah….LOLs)

Hanubatu……isang kahong GSM Blue !!! Siguradong taob kaming lahat nito. Itong uwi ko lang natikman itong GSM Blue. Masarap pala ito walang hangober kinabukasan. Saka nung inom ko nun tanggal ang plema ko, magandang gamot pala sa plema yan….LOLs

mayamaya lang nilabas ni bilas yung niluto nilang bayawak, (nahuli nila sa bundok)

08032009190

(Wow sarap pala nito…ngayon lang ako nakatikim ng ganyan)

Yung mga boys ni bilas, may sarili din silang pwesto sa may workshop. (Furniture Shop nila…daming negosyo netong si putol eh…)

Ng medyo may mga amats na, kumuha sila ng videoke….ayun nagkantahan na….lumipat na kami ng pwesto dun sa may workshop.

08032009191

(Ayan ang mga tropang kulangot at lasheng na……)

Bandang 5pm paalam na kami dahil yung isa naming kasama eh lasheng na lasheng. Nagtataka nga kami ba’t ang bilis tinamaan yun samantalang sabay sabay lang kami nag simula at kami naman hindi ganung lasheng…..(naka pito yata kaming GSM Blue). Nagda-drama ang kumag at talagang umiiyak…LOLs.

Paano daw kasi, nami-miss nya yung utol niya na last Feb 2008 nagpunta nga states at kinuha na ng misis nya. Kasi pag ganitong may kasiyahan, parating magkasama yung magkapatid na yon. Eh ayun nagpunta ng States yung isa at hanggang ngayon walang trabaho….sabi nga namin mag callboy na lang siya dun eh….LOLs

Pagsapit namin ng bayan ng Camiling, heto na yung kasama naming nalasheng……susuka na !!!! Eh napapagitnaan namin siya sa sasakyan, naku pooooo, buti pagbukas ng bintana ayun sakto……awwwwwrrrkkkkk !!!!

Dami pa naman tao sa bayan at yung mga nag gagandahang mg bebots eh nakatingin sa amin lahat dahil suka ng suka  yung kasama namin…..LOLs

Kinabukasan, tinatanong ako nung kasama namin kung paano daw siya nakauwi…..???

Ampootah ka !!!!


Responses

  1. wow mga manok na harves toinx ang sarap naman po hehe..at bayawak wow di pa rin ako nakakain nyan hehe magpapahuli nga ko nyan hehe,,

    nga pala baka pumunta ko jan lingayen pangasinan mag stay ako 2days sa bertdey ko kasama ang bestfriend ko pero ako lang ang pupunta hehe..

    gusto ko mag simba sa manoag hehe(magsismba lang ang layo pa ng trip noh hehe..)syempre kasama na ang gala at magswimming sa dagat dahil tabing dagat lang si bading hehe…

    ewww nagsuka talaga at nag tanong pa kung paano nakauwi ha hehe…

  2. malapit na rin kami sa lingayen…mga 2 hours yata….LOLs

    hapi berdey……sana malasheng mo kamiiii!!!!!
    (kaso ala ako dyan eh…LOLs)

    maraming magagandang beach dyan sa pangasinan lalo na sa bagiuo…LOLs

  3. toinx ang layo pa po pala nyo hehe ang lawak po pala talaga ng pangasinan at katabi ng baguio hehe..
    sige lalasingin ko kayo sa post hehe…

  4. uu malapit na sa bagiuo ang pangasinan…siguro mga 3 to 4 hours drive na lang…pag walang hinto.

    shigehhh lashengin mohh khamiihh !!!! *hik…hik….hik*

    LOLs

  5. nakhu naman….

    tagay na tau LoLzz

    nakapunta na ako Sa pangasinan noong nagbakasyon kami ng boyfren ko…

    taga urdaneta sya at palagi kaming pumupunta sa baguio

    ay nakhu ano naman kaya kinalaman sa post mo 2ng sinasabi ko…

    senxia na ahkong na uber carried away ako eh..hehehehe

    hala kumakain kayo ng ahas..oh mah guLai…..(shocked)…

    haysss ders no place like home talgah aNoh😀

  6. baka may naalala ka lang nung kasama mo boypren mo…..LOLs

    masarap talaga sa probinsya kesa sa manila. mas simple ang buhay dun. mas nakaka relak kesa sa stressful life sa gubat sa syudad.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: