Ipinaskil ni: ahkong | Marso 31, 2009

Naisahan ako dun ah..??!!

May kasabihan nga tayo na “Matalino man ang matsing….unggoy pa rin..este…….naiisahan pa rin”.

Totoo pala ang kasabihan nay an, kung paano nangyari basahin nyo itong nangyari sa akin nung bakasyon ko.

Isang araw habang nagkakape ako sa may kubo sa labas, lumapit sa akin si Bunsoy….

Bunsoy : “Dad….ipitin mo nga ilong mo tapos sabihin mo “pinggan” na hindi ka nangongonog…”

Dahil sa alam kong nagti-trip na naman tong si Bunsoy eh pinag bigyan ko….inipit ko ang ilong ko ng dalawang daliri at sinabi ang….

Ako : “…..mingaan…” inulit ko ng inulit, talagang pinipilit kong malinaw na sabihin yung pinggan…pero talagang ngongo ang lumalabas eh…

Bunsoy : Tawa ng tawa parang ngayon lang nakarinig ng ngongo… “ahahahaha…si daddy ngongo…hahahaha… di mo pala kaya daddy…ako kayak o…” pagyayabang ni bunsoy, manang mana sa tatay niyang sira….LOLs

Ako : “Hindi mo kaya….ako nga ilang ulit ko ng ginawa talagang ngongo eh…ha..ha..ha..ha…”

Bunsoy : “Kaya ko daddy…”

Ako : “Hindi mo kaya….”

Bunsoy : “Kaya ko…”

Ako : “Hindi mo sabi kaya…ngongo rin pag sinabi mo…”

Bunsoy : “Talaga daddy…kaya ko…”

Ako : “Sige ganito….pagnasabi mo ng diretso ililibre kita ng McDo..” (may malapit a bagong mall sa amin at may McDo dun….walking distance lang mula sa bahay.)

Bunsoy : Biglang lumaki ang mata at ang ngiti hanggang tenga… “Talaga daddy ? Promise yan ha ? Kahit yung ice cream na lang …..”

Ako : “Sige…call…basta dapat malinaw ang bigkas ha…hindi ngongo…”

Bunsoy : “Yes daddy….malinaw na malinaw…”

Ako : “OK sige…”

Bunsoy : Inipit ng dalawang daliri nya yung ilong niya at buong lakas na sinabi….

“P L A T O !!!!”

 sabay ngiti ng ubod ng tamis at nang aasar pa….LOLs 

Anakngteteng na yan naisahan ako…..manang mana ka nga sa tatay mong panay kalokohan….

Ayun napabili tuloy ako ng sundae, buti na lang at may pera ako, hindi lang yon sabit pati yung dalawang anak ko….LOLs


Responses

  1. hakhak!
    iniisahan ko din papa ko.
    hakhak!

    kung anu-ano nga pinagsasabi ko sa knya at pinapagawa. hakhak!

    adik lang eh…

  2. hehe naisahan si kuya haha..
    ang talino ng bunso mo hehe…
    atlist hindi value meal ang hiniling sayo sundae lang hek3,..

  3. @eloiski – LOLs….nakakuha ka ng raket ha ? pwede mong ipusta yan sa mga kasamahan mo…LOLs

    @anakngpating – uu nga basta kalokohan manang mana sa tatay nya…LOLs buti kamo may pera ako kung wala kukulitin ako ng kukulitin nun….LOLs

  4. haha. ang sweet naman..😀 galing ni bunso! ganyan talaga pag mga bunso magagaling!

  5. @gudang – sinabi mo pa….LOLs saka pag bunso talaga mas malambing….

  6. hehehe…

    wawang tatay naisahan ng bunso hehe

    clever naman ni bunso🙂

    uunga buti ice cream lang hindi meal hehehe

  7. @kiikay – uu nga, wais….napakamot na lang ako ng pwet eh….LOLs.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: