Ipinaskil ni: ahkong | Abril 6, 2009

Happy Graduation

Hindi agad ako nakagawa ng entry nung April 03, 2009, Friday.

Graduation ni Boy Flawless nun, pero ganun pa man eh, it’s better late than never…ika nga.

I am so proud of my son, (huwaw…bumanat ng english…nakaka praning !!!), tagalugin ko na nga lang….LOLs (ang hiraf eh….)

Paano naman ako hindi magiging proud……kasi naman 2nd nga siya, salutatorian at dalawang medal ang nakuha niya. Ako nga kahit isang “torian” wala eh, lagi ako sa row 4 tabi pa ng basurahan…LOLs

Hindi lang yon, nag salita pa raw sa may entablado sabi ni labidabi. Mahaba raw ang speach,  (tama ba..dapat ba oration….???) heniway…. ang ganda raw ng graduation nila.

Ito ang nakakalungkot sa tulad naming mga OFWs, hindi namin nakikita at nakakasama ang mga kids sa ganitong mga pagdiriwang. Kung hindi sana ako umuwi nung February naka attend sana ako ng graduation ni Boy Flawless.

Kaso nga, hindi. Kahit sino sa kanila hindi pa ako nakaka-attend ng graduation nila. Dahil kailangan kong magpaka alila dito alang alang sa kanila. Pero gaun pa man, sulit naman ang paghihirap naming mag asawa dahil napakahusay ng mga anak namin sa iskul bukol.

Hindi rin pahuhuli si Bunsoy, dahil nakakuha din daw ng isang medal, ang award nya yata eh “most in personality…” basta ganun..kung anu man yun.

Kaya ang masasabi ko lang kay Boy Flawless eh…proud na proud ako sa iyo anak…hindi lang sa iyo kundi, sa inyong lahat. Sana ipagpatuloy niya ang ganyang attitude sa pag aaral.

Natatandaan ko pag nung unang pumasok yan sa iskul bukol, kinder pa lang nakitaan na siya ng sipag sa pagaaral. Basta pagkagaling sa iskul eh binubuklat nya na agad ang libro niya. Ginagawa kaagad ang assignment.

Alam nyo ba……(hindi pa), ni minsan hindi namin tinuruan yan sa pag gawa ng assignments niya. Pinababayaan namin siya, pero pag hindi nya maintindihan, nagtatanong siya sa amin, dun namin siya tutulungan, i-explain namin. Tapos siya na ang gagawa.

Nung grumadwyet din siya nung kinder at prep may medal din yang si Boy Flawless. Buti na lang hindi nagmana sa akin…LOLs (grade 4 pa lang ako kick out na agad ako sa elementary…ganun ako kasipag nung araw…nung nalipat lang ako sa wanbol unibersity, eh saka ako tumino…..LOLs)

Oo nga ano….nung elementary ako sa St Andrew’s School sa Praningyake..este..Parañaque eh napaka tamad kong mag aral…hindi ako sumasali sa mga discussions..para akong autistic, may sariling mundo ika nga…LOLs

Nung nalipat ako sa St Cyr sa Sucat eh aba hindi ako nawala sa top…parati akong top…tapon…LOLs. Ibig kong sabihin, nung nalipat ako sa ibang iskul bukol eh gumanda ang grades ko….

Siguro dahil sa St Cyr eh co-ed at na-inspire akong mag aral, oo ganun ako ka-L noon…kalambing. Sabagay sa St Andrew’s din co-ed din naman, yung nga lang ang babae dun mga bading…LOLs

Eniway mabalik tayo kay Boy Flawless. Ayun nga hindi namin siya sinasabihan na pagkagaling ng school mag aral ng leksyon….hindi, pinabayaan namin siya.  Hanggang sa nitong mga lumipas na taon…ni hindi na nagaaral ang mokong, pero ang tataas ng exams niya.

Pero eto ang pinapangako ko, itaga ko man sa tubig….kahit anong mangyari, a-attend ako ng graduation nila mula ngayon. Hindi ko na hahayaan na ma-miss ko yon. Dahil gusto kong makita ng kasiyahan sa mga mukha nila sa pagdating ng  araw na yon.

Pwamis yan mga bebes ko….

Paghindi ako umattend kahit ano pa ang dahilan..handa akong MAGPAPAKAPON…..!!!!

(Aray ko pooooo sakit kaya nun…LOLs)


Responses

  1. wow ha talagang pwede ko na ligawan si boy flawless mo hehe ng ma incourage din akong mag aral hehe joke…
    any way congrats sknya sana makilala ko rin mga anak mo kuya malamang mag mukha lang kaming magtrotropa hehe…
    at nawa’y sa susunod na grad nga po eh maka attend ka ng graduation nila sayang nga naman di ka man lang nakaranas mag suot ng astig na damit at mag lagay ng graduation parent’yung laze ba basta un na un hehe..

    at yung ilibre sila dahil may honor sila di ba ang saya hehe namiss ko tuloy ang grad ko nung high school at elem.,si tatay lagi ko kasama nun …

  2. ganyan din si papa ko. hindi siya nakaattend ng elementary graduation ko at salu din ako nun. hindi rin siya nakaatttend nung graduation ko nung hayskul at may honor pa rin ako nun… kasi iyon nga OFW si tatay. nakakalungkot din talaga. as in. sobra!

    pero para rin naman sa amin yun eh.

    wapak! naiiyak tuloy ako pag naaalala ko yun. sana naman sa graduation ko sa kolehiyo eh andun na sya… hakhak!

  3. @anakngpating – honga, nakakalungkot isipin na ang dami kong nami-miss sa buhay ng mga kids ko. ung bang mga special events sa buhay nila na dapat nandun ako kaso, kinakailangan eh….

    pero, huli ko na itong alis…yoko na talaga…

    @eloiski – OFW rin pala si tatay mo. siguradong pareho kami ng nararamdaman nun.

    pwede mo naman i-reqst sa tatay mo na sa graduation mo umuwi siya para makita nya naman. (ako pa ang nag payo…ako nga itong hindi rin nakakauwi…LOLs)

  4. aww..

    CongratuLatiOn kay babY fLawLess Mo🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: