Ipinaskil ni: ahkong | Abril 27, 2009

Ano ang gagawin mo?

“Ano ang gagawin mo ?”

Yan ang tanong ko sa inyo mga katropapips……

Halimbawa eh ganito.

Years ago, nung highschool musical ka pa eh nagkarun ka ng syuting. Talagang masasabi mong nagkalabing labing kayong dalawa. Kung baga sa inyong dalawa lang talaga umiikot ang mundo ninyo noon. Sa maigsing salita eh, masaya kayo noon.

Nung nagkolehiyo ka na sa recto unti-unting nawalan kayo ng komunikasyon hanggang sa totally….basta na lang nagkahiwalay kayo ng landas. Wala kayong formal na paghihiwalay, hanggang sa grumadweyt ka na sa recto. Sinubukan mo siyang hanapin pero sa kasawiang mariang palad eh hindi mo na siya nakitang muli.

Sa paglipas ng panahon nakalimutan mo na siya. Hindi naman sa totally nakalimutan…kung baga you got over it. Nakapag move on ka na. Nakapagasawa ka na….nagkarun ng mga anak at masasabi mong maayos na ang buhay mo. Masaya ka sa piling ng iyong naging pamilya. Hindi kayo mayaman pero kahit paano ay nakaka-survive kayo sa landas ng buhay. (wow…men hebigats !!!)

Ngunit…dadapwat…subalit…dadapo sa puwit….eh paminsan minsan naiisip mo pa rin yung dati mong syuting. Kamusta na kaya siya ? May asawa na rin kaya siya ? Minsan tinatanong mo ang sarili mo…”ano kaya kung kami ang nagkatuluyan ?”

Lumipas ang ilang milenya at sa hindi inaaasahang pagkakataon….siguro tadhana ang may pakana ng lahat…eh nag krus ang landas ninyong dalawa.

Syempre magkakamustahan kayo, nagka kwentuhan tungkol sa kung ano na ang nangyari sa inyong mga buhay.

Nagkarun kayo ulit ng komyunikasyon sa isat-isa. Nalaman mo na hiwalay na siya sa kanyang asawa. At sinabi niya sa iyo na mahal ka pa rin niya….kahit na nung ikinakasal siya ikaw pa rin ang nasa isip niya at  nagdadalwang isip siya kung itutuloy nya ba ang kasal na yon.

Nung nagkahiwalay sila ng asawa niya sinabi niya na ikaw pa rin talaga ang mahal niya kahit hindi nya alam kung nasaan ka na at dahil sa ganun nga…hindi naging masakit sa kanya ang paghihiwalay nilang magasawa.

Ngayon ikaw naman pinipigilan mo ang sarili mo dahil unti-unting nabubuhay ang ugat sa pagitan ng iyong dalawang hita ang dati mong nararamdaman para sa kanya. Ayaw mong masaktan ang asawa mo…ayaw mong masaktan ang mga tsikiting gubat mo dahil mahal na mahal mo sila.

Ano nga ba ang talagang nararamdaman mo sa dati mong syuting….pagmamahal ba… awa…. o kalandian lang….?

Ako ?

Hindi ako bibigay sa tukso. Kung ganyan, lalabanan ko ang tawag ng kalikasan. Bahala siya sa buhay niya…hindi niya makukuha ang alindog ko! Maglaway na siya !!!! LOLs


Responses

  1. bosing mukhang sarili mo to ah…ikaw yata ang me kahapong nakaraan (in english dating former ex) na nagpaparamdam ah…mwehehehe…ang sagot ko dito…ang sa akin lang ha…eh live for today…and not for yesterday..tsaka iba na rin yan dun sa dati na nakilala mo, tsaka iba rin siguro ugali nyan di ka uunawain nyan tulad ng binibigay na pagmamahal ng pamilya mo sa yo (i’m not assuming ikaw to)…maasim na yan..in short di na yan amoy gatas….panis na gatas na (tanda na kaya nyan) hehehe….bow!

  2. @sel – indi ato yan…. plamis….talada…. (pag nagsisiningaling ako nabubulol ako eh)

    ganun pa man thanks. pero may point ka. Kung ako ito, hindi ko hahayaan na masira ng pamilya ko dahil lang sa nakaraan.

  3. nice decision. besides, mas maganda kung i o open up mo rin ito sa misis mo para at least makatulong diba? at least, lalong titibay ang pagmamahalan ninyo sa isat isa. ohoohoho!

  4. @foobarph – hay naku…super selosa kaya nun…as in may mapatingin lang sa aking chikababes nagagalit na….LOLs

    kaya kailangang lambingin kaagad tapos sasabihan ko siya “ayan kasi nagpakasal ka sa isang sex symbol…” LOLs

  5. ang nakraan ay nakaraan na..wag ng balikan diba..kung talagang ikaw ang mahal ni ex edi sana keo ang nagkatuluyan…

  6. @azul – tama ka dun sis.

    kaya nga its better na prenster na lang, hindi ba? kasi pagpinatulan ko yung ganyan eh parang kumuha ako ng isang malaking maso at pinukpok ko sa sarili kong ulo.

  7. oha oha oha..
    tama lahat ng nasa comment at ikaw din pala kuya ang makakasagot ng tanong mo na ano ang gagawin mo?
    akala ko ba eh kami ang tinatanong mo pero nasagot mo na rin pala ng tama hehehe..
    tama ka kuya tama ka..parang ikaw na nga ang kumuha ng bato na ipupokpok mo sa pagitan ng dalawang gita mo”aruy hehe..

  8. @lovely – bat naman dun pa, mas masakit yun…aruy kuuuu !!!! LOLs

    alam nyo mga sis, naisip ko rin na baka isa ito sa mga pagsubok ng buhay. hindi ko alam pero siguro…siguro lang naman….lahat ng tao o lahat ng mga barako boys eh makakaranas ng ganito.
    sinusubukan siguro kung hanggang saan ang kakayahan kong huwag pumatol sa tukso.

    sabi nga ni Imelda Papin….

    “Oh tuksooooo…..layuan mo atechh….!!!!”

    Pero ano nga ba ang magagawa ko ? Ipinanganak talaga akong habulin ng mga bebotski. Kasalanan ko bang malakas ang appeal ko sa oposite sex?

    teka parang nagdidilim na naman ang kalangitan at biglang nagalit ang panahon….LOLs

    Kaya nga sorry na lang siya dahil mayrun na akong labidabi at walang makakapalit sa kanya dito so puso ko…..yihiiii…kilig to the max !!!!!

    saka sumumpa na ako harap ng altar at sa harap ni God na wala na akong mamahalin na iba kundi ang aking labidabi at syempre kasama na dun mga tsikiting gubat namin.

  9. tama kuya..
    ashu..i know malakas ang apil mo sa opposit six hehe..
    iba na talaga ang intsik nyahahah…

  10. @lovely – nakakhiya mang aminin eh oo sabi nga ng nanay ko nung maliit ako, madami daw akong paiiyaking bebotski…..

    (tingnan nyo na lang ang picture ko sa bagong post para maniwala kayo….)

  11. oh may….

    wat a situation pero sa bandang huli u made the ryt decision :]]

    clap* clap*

    dapat lang iwasan ang tukso kung maari
    para sa pamilya mo….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: