Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 4, 2009

Anu ba naman ‘toooo???!!!!

Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa dito sa mga kasamahan kong mga Egyptians.

Ang mga ugali nitong mga tungak na mga ito eh gusto nila utos lang sila ng utos. Mga power trippers itong mga ito. Hindi lang yun saksakan ng sipsip pa. Kulang na lang halikan yung pwet ng mga amo para lang bumango o kaya maipromote nila yung sarili nila. OO ganun sila, sila mismo ang nagpo-promote sa sarili nila…..mga footah….LOLs

Nung isang araw tinawag ako nung bagong accountant, syempre Egyptian….kung pano naging accountant ito eh hindi ko alam. Tangnang yan hindi marunong gumamit ng MS Excel. I-format lang ung cell hindi alam….ohmaygulay !!!

Tapos ang gusto niya yung yahoo webpage eh ilagay ko sa desktop….huwaaattt ????!!!!

Pwede ba yon ? Alam ko hindi pwede kasi webpage ang yahoo…..nakngpandakekok na yan oo….hanu ba itong mga kasama ko?

Heto matindi, itong isang manager daw siya, matagal na itong nangyari…..

Matatawa kayo kasi ang gusto niyang mangyari dun sa computer nya eh ganito……

Pagbinuksan niya ang PC niya nandun na agad siya sa MS Word o kaya MS Excel……..ganun ang gusto niya.

Napakamot na lang ako sa ulo eh…iiling-iling na lang akong natatawa, nasabi ko na lang sa sarili ko… ano bang klaseng mga tao ito? Sa asar ko sinabi ko….

“Let’s just wait maybe around a few thousand years….maybe the computer you want will be around by that time….all you have to do is think and the computer will do the rest……asshole!!!”

Iki-click na lang ang mouse button kinatatamaran pa….pero merong mas matinding nangyari dito…

Itong si account manager nagse-send ng fax….ang fax machine nasa malapit sa desk ko. Nandun siya nakatayo, nag dial na siya ng number…..tumunog na yung fax tone….ibigsabihin sumagot na yung kabilang line…aba biglang umalis dun sa harapan ng fax at tinawag ako i-send ko raw…..huwwaaattt  poknat ??!!!

Pootah….pipindutin na lang ang send button tatawagin pa ako !!!!

Talagang-talaga….ayoko na dito…kung hindi lang ako nakatali sa kontrata uuwi na talaga ako eh….huuuwaaahhhhh…!!!!

Magpapastol na lang ako ng baka saka kambing……LOLs

Hay naku, sa totoo lang dinadaan ko na lang sa tawa ang lahat ng mga kalokohan nitong mga kasama ko. Mababait naman sila, yun nga lang talagang may trip sila na hindi ko kayang sakyan.

“Lord….bigyan mo pa ako ng lakas at pahabain mo pa ang pagtitimpi ko…dahil baka mabalatan ko ng buhay itong mga ito at gawin kong sisig…”


Responses

  1. haha natatawa ako hehe..
    mga gunggong naman pala yan kuya sarap iwiwarik lalo ang utak eh ehhe,,
    ang weird ha grabe hehe,,dapat nga lang talagang tawanan mo lang kuya kesa maboryong ka sknila..
    nakakawindang nga sosssss

  2. @lovely – hay naku sis….malapit na akong masiraan ng bait dito……LOLs

  3. sorry natawa ako… pakisipa na lang sila dun sa mga pyramids–baka yun alam nila

  4. @wei – kung pwede lang ibaon sa ilalim ng disyerto itong mga ito matagal ko ng ginawa…

    siguro kung babae ako weekly akong rereglahin dito dahil sa asar….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: