Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 4, 2009

Buhay America, Canda at iba pa…..

May nag post nito matagal na……si “Marng Ni”, ewan ko kung bakit ganun pangalan niya. Pero lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo naman talaga.

=====================================================

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Amerika ka, akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mha gamit mo. Kailangan mong gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Amerika maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng sikat ng araw o kaya ng snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa Amerika….

Akala nila masarap ang buhay dito sa Amerika…. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag ipinalit sa peso, pero dolyar din ang gastos mo sa Amerika. Ibig sabihin ang dolyar mong kinikita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas
$1.00 sa Amerika, ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00, sa Amerika $6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000 ++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi and ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa Amerika…..Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng Amerika….Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo and pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal sa buhay. Hindi pimupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Ang buttom line para sa akin….

THERE’S NO PLACE LIKE HOME

PILIPINAS AKING MAHAL

BABALIK KA RIN PAGTANDA MO AT DOON MO UUBUSIN ANG NATITIRA SA BUHAY MO SA ATINF BANSANG SINILANGAN.


Responses

  1. natauhan ako dun ah hehe..gust ko pa naman mag punta ng america hehe..
    anyway no place like home talaga..
    dito na lang din siguro ako hehe..magtyaga na lang ng may mailaga hehe..
    musta kuya bisita ka sa bahay ko hehe..

  2. @lovely – uu medyo busy lang ako ngayon daming tambak na work. hayaan mo pag nagka free time dadalaw ako sa iyo.

    anu ba gusto mong pasalubong….champoi na kulay pula o kulangot ng intsik ?

  3. kuya champoi na pula na lang ung maasim hehe..
    paborito ko un ayoko sa kulangot ng intsik baka mas maalat pa kulangot nila satin wooot


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: