Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 5, 2009

Masakit…

Masakit.

Oo masakit talaga, dinadahan dahan ko nga lang ang pagpasok, pero talagang masakit. Kahit pindut-pindutin ko lang masakit din.

Masakit talaga……..ang ilong ko !!!!

Ang sarap pa naman ng kain ko kaninang tanghalian. Bumili pa naman ako ng half Chicken BBQ tapos ang kanin ko yung kabsah na may sawsawang kamatis na blinender.

Habang nanonood ako ng Woverine….(oo nakakuha ako ng pirated copy pero super linaw yun nga lang hindi pa gaanong tapos anf F/X) sinasabayan ko ng pag ngasab at nguya nung Chicken BBQ. Ang sarap kayang mangamay pag ganito ang pagkain mo. Feel na feel ko na arabo rin ako….LOLs

Habang kumakain ako napansin kong kulang sa anghang yung sawsawan ko. Medyo mahilig kasi ako maanghang. So ginawa ko kumuha ako ng sili, may stock akong sili eh. Parang pinaka siling labuyo nila dito. Ginawa ko piniga ko gamit ang kaliwang kamay ko kasi busy yung kanana sa pagsubo eh….LOLs

Nakuuu….sarap talaga ng biglang…hindi ko alam kung saan nanggaling yung langaw at sa dinami-dami ng pwede niyang dapuan eh sa loob pa ng ilong ko naisipan ng hayop na insekto na yun pumunta. Pero hindi naman talaga nakapasok sa loob pakiramdam mo lang….

So ang reflex mo suminga ka at dutdutin mo yung langaw baka kung ano na ginagawa sa loob ng ilong mo nun…..

Sa kasawiang palad eh ang naipasok kong daliri eh yun ginamit kong pang durog ng sili at inang kupooooo…..mahapdi na masakit na mangiyak-ngiyak ako sa sakit…..pesteng langaw yan….bwisitt !!!!

Para akong suminghot ng isang tasang Tabasco Hot Sauce na talaga namang ewan at para akong nagdidiliryo sa hapdi. Nasubukan nyo na ba yung humawak kayo ng sili at hindi nyo namamalayan na napahawak kayo sa mata ninyo ? Parang ganun….yung nga lang sa ilong….

Sa susunod yung daliri na lang sa paa ang gagamitin kong pangulangot….. pesteng langaw yan !!!!!


Responses

  1. Hekhek..

    hindi ko pa na try yung langaw sa ilong pero, natry ko ng pasukan ng Lamok sa Ilong.. Same feelling din kaya?

    masubukan nga.. hehehehehe toinks!

    pero nakaka irita talaga pag ganun, lalo na pag sa sensitibo nating ilong naghaliparot ang mga ganyang hayop..

    pero kung iisipin okay na yung durog na sili ang nasa daliri mo noong mga panohon na’yun, paano na lang kung rugby o mas malupit mighty bond pa ang nasa kamay mo nun..

    Nyahahahahaha😀

    ayos!

  2. hala,,grabe nga..ang sakit nun ah…..buti sa ilong lng…feeling ko mas masakit pag sa mata mo na i hawak yung kamay mo…. ahay

  3. kuya masakit ba hehe..
    akina tanggalin nating ung sakit bugahan natin ng pang bombero ng tubig ung ilong mo para mawala ung hapdi hehe,,jokeness..ahkong pa eh love ko to ehhe..
    kuya next time tingnan mo muna ung kamay mo kung malinis hane ng hindi din masabing ikaw ang may kasalan hindi ung langaw hehe..:)
    mwah

  4. boss ahkong musta?

    hahaha. pasensya kana boss a pero natawa ako sa post mong ito. naku naman kase ang langaw kung asan ang masarap e andun din sya. potek. pero boss may nabibiling sauce na natural chili sa bote sarap din🙂 gawang middle east sigurado arabong arabo ang pakiramdam talaga haha

  5. may tag/award ako sayo..
    bisita ka dito..
    http://anakngpating.wordpress.com
    hugs..

  6. @Mga Sis at Bro Denz –

    Eto hanggang ngayon medyo mahapdi pa ang ilong ko. Namumula mula pa….kahapon medyo namaga ampotek….pero ok na….ok na yung langaw at tiniris ko ng tsinelas tapos inisprayan ko ng baygon….LOLs

    Bro Denz kamusta bakasyon ? Uu nakita ko na yung sinasabi mong chili sauce….tung malaki ang bote niya? Masarap din yun…

  7. (can’t stop laughing)

    kawawa naman ung langaw hehe este ikaw pla.

    grabe sobrang hapdi nga nyan sows! sana binuhusan mo agad ng malamig na tubig yung ilong mo kaso mo malulunod ka naman, wag na lang.😆

    nose: get well soon.🙂

  8. @aling baby – salamas sa concern at ok na ako, medyo na lang……

    pwede na ulit akong suminghot ng tabasco…..yung durog na paminta naman kaya subukan ko….LOLs

  9. hahaha…kaaliw nman yung langaw na yun!lolz pero napaisip ako bigla eh gaano ba kalaki ang butas ng ilong mo at ngkasya ang langaw jan?…joke!

    pero mukang mahapdi nga yaan…
    nice blog tsong!

  10. @ikay – hindi naman malaki parang kay bed david o kaya kay panchito lang naman….LOLs

    thanks sa pagdalaw sis.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: