Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 12, 2009

Anu ba naman ‘to???!!!! – Part 2

Anakngteteng na yan…akala ko tapos na ang kalbaryo ko dito….huwaaahhh.

Ito naman eh nangyari kailan lang. Tungkol naman sa printer na gamit namin dito sa office.

Itong si bagong accountant eh binilhan namin ng bagong HP Printer kasi parati siya sa akin nagpi-print. Naka sharing kasi ang printer ko para naman may magamit siyang printer.

So ok na, kinabit ko na yung printer nya at ininstall ko na ang driver sa computer niya, dahil nga mangmang ito pag dating sa mga ganitong bagay.

Aba wala pang isang linggo at sa printer ko na naman nagpi-print ng mga trabaho niya. Ok lang sana, kaso ako kasi pag gumagamit ng printer naka set sa draft para tipid sa ink. Eh ang mokong pag nag print naka set yata sa best at parating may kulay.

Sabi ko bakit sa akin ka na naman nagpi-print eh bago yang printer mo. Hindi nya raw gusto yung printer. Ang bili naubos ng ink niya. Pangit daw. Aba sa loob-loob ko tangang ‘to abisyoso…LOLs

Sa inis ko dinisable ko yung printer sharing para hindi na siya maka print sa akin. Dun ako nagkamali dahil mayat maya tinatawag ako….”bakit ganito? bakit ayaw mag print?”…..”check mo ‘to”… mga ganun…. in-short lalo akong naistorbo sa trabaho ko.

So ginawa ko ibinalik ko sa sharing ang printer. Tapos bumili ako ng bagong ink para sa akin at sa kanya. Ikinabit ko yung bagong ink sa printer niya at test….ok.

Tinanggal ko ulit yung printer sharing sa akin……ngayon hindi na siya makapag print sa printer ko at tinatanong ako bakit ayaw daw magprint …sabi ko….aba malay ko sa iyo..bago na yang ink mo….(manigas ka TaEna mo!!!!)

Eto pa isang nangyari sa kin, magkasunod na gabi.

Nung isang gabi, pagoff  ko ng mga 10pm pumunta muna ako sa tindahan para makabili ng mailuluto kong hapunan. Bili ako ng mga chicken thighs at balak kong mag adobo.

Pagdating ko ng main gate namin naka sara pero may susi naman ako. Nung bubuksan ko na ayaw bumukas. Naalala ko sinira nitong mga Yemeni yung lock….omaygulay!!!!

Pag mamalasin ka nga naman oo….

Kahit anong pilit ko ayaw talagang bumukas…. para kasing double lock yung nasa main gate. Katok ako ng katok kasi alam ko yung isang Nepali pag ganung oras nakauwi na yon. Kaso walang sumasagot. Naghintay ako baka sakaling may darating na tao.

Nakngduling….isang oras’t kalahati na akong naghihintay walang dumarating. Inaalala ko magluluto pa ako ng sinaing saka yung ulam, dahil tomguts na ako. Gustong-gusto ko ng akyatin yung bubong kaso panay ang daan ng police patrol at baka mapagkamalan pa akong magnanakaw lalo lang akong malilintikan.

Maya-maya dumating yung isang Egyptian na sa kabilang bahay umuuwi, tinanong ako kung bakit nasa labas ako, sabi ko hindi ko mabuksan yung main gate. Kinuha niya yung susi sa skin at sinubukan niya, hindi rin niya mabuksan talaga.

Sabi ko di bale aakyatin ko na lang.

Ayun inakyat ko muntik pa akong mahulog ang puta na yan. Dahil mabigat na ang katawan ko hindi kagaya noon na maliksi pa. (saka nagkakaedad na yata ako…LOLs). Nung tiningnan ko yung lock…..naka lock nga sa loob pero hindi mo mabubuksan sa labas, sa loob mo lang mabubuksan.

So ayun, binuksan ko na yung main gate at iniwan ko ng bukas kasi alam kong darating yung ibang workers.

Nakakain yata ako alas dos na ng madaling araw ang potek na yan.

Tapos kagabi ganun na naman, may nag lock na naman ng main gate. Ano pa? Eh di akyat na naman ako sa bubong pero hindi ko na binuksan yung main gate hinayaan kong naka lock. Bahala na yung susunod kung paano sila makakapasok sa loob.

Kampante na akong nanonood sa kwarto ko ng marinig kong may kumakatok sa labas ng main gate. Dedma lang ako. Taena nyo pinahirapan nyo ako, kayo naman ang magdusa umakyat din kayo sa bubong mga tungak !!!

Wala na akong pakealam basta ako nasa kwarto na at sarap na ng higa ko…….


Responses

  1. hehe
    tama lang un
    hehe…

  2. @lovely – hay naku sis, alam ko na kung sino ang nagla-lock ng gate sa gabi…yung Nepali, ampotek…LOLs

    Pero ok na sabi ko huwag nya ng i-lock kasi hindi nabubuksan sa labas.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: