Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 12, 2009

Spocquiao – The Final Pancit

Huwaaatttt !!!!

Totoo ba itong nabasa ko sa dyaryo na  inappoint ni DOJ Sec. Si-Raul-O si Pacman na “Assitant for Intelligence”???? WTF???!!!

Hindi ko alam kung ano ang balak ni Si-Raul-O at ni Doña Glorya kay Pacman, pero, huwag naman sana, baka ito ang ikasira ni Pacman. Ang balita, alam naman natin lahat na balak ulit tumakbo ni Pacman bilang tongresman, pero sana magisip-isp din si Pacman. Baka iyan ang simula ng pagbagsak niya.

Ngayon pa nga lang binebeybi na siya ng mga pulitikol. Wala akong pakealam sa gusto ni Pacman ngunit…dadapwat…subalit…. baka hindi niya nakikita na ang mga pulitikol na nasa paligid niya eh ginagamit lang ang popularidad niya.

Kung ako si Pacman, tutal saksakan na ang dami ng pera ko at gusto kong makatulong sa mga kababayan ko, kahit hindi na ako tumalbo bilang tongresman. Makakatulong naman ako sa paraan na alam kong tama.

At dahil nga inappoint na siya bilang assistant to intelligence, na magiging ambasador for peace and understanding daw siya. Kung anu man ibig sabihin non eh hindi ko rin maintindihan.

At ang unang programa ni Pacman bilang Assistant to Intelligence, na take note, sinang ayunan ng  isa pang praning na si Doña Glorya, eh magpapalaro si Pacman ng liga ng basketbol…..at ang magkatungali ay ang AFP, MILF, NPA at MNLF…….inangkupoooo !!! Iyan ang nabasa ko sa newspaper.

Tangna, baka pag dating ng liga eh magka barilan pa yang mga yan. Ang saya saya siguro dahil biruin mo kunwari naglalaro ang MILF at NPA…eh nagkapikunan, hindi nawawala yan sa basketbol, kahit sa PBA may pikunan din minsan suntukan pa…..eh kung maghagisan ng granda yan di bale kung nadun si Doña Glorya ayus lang eh paano kung may mga inosenteng nanonood….pero palagay ko walang manonood dun….

Saka imposible yang project ni Pacman na yan….ewan ko kung saan nakuha ni Pacman ang idea na yan?

Kung talagang gusto nilang bigyan ng posisyon si Pacman sa gobyerno, sana sa Sports na lang siya ilagay, dahil talaga namang naghihingalo ang Sports natin. At sigurado akong malaki ang maitutulong ni Pacman sa mga Athletes natin.

Buti pa kaya mag audition na lang si Pacman sa susunod na Star Trek film siguradong patok na patok siya nun, lalong sisikat ang pangalan niya.

Local ST


Responses

  1. haha..sa piktyur ako natawa hahahha..
    lol talaga..
    babagsak yan tingnan mo hehe..

  2. @lovely – Ako rin nga nung makita ko yung picture tawa ako ang tawa at talagang in na in pa kasi di ba yung bagong Trek Movie eh nag hit sa US….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: