Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 28, 2009

Lipat Barrio

Oo wala na kami sa bayan ng Bayambang. Last Sunday eh lumipat na sila labidabi sa aming farm sa Cabaluyan. Wala na kami sa syudad, nasa barrio na kami nakatira. Malayo sa sibilisasyon….ang potek.

Hindi ako mapakali, dahil biglaan ang lipat nila. Natapos na kasi yung pinagagawa naming haybols. Hindi naman tumatawag sa akin. Kanina naka usap ko ang aking unica hija at nandun siya sa tita niya, dun daw siya naligo dahil ala pang tubig dun sa farm and worst wala pa raw koryente.

Heto na naman po kami. Itong si labidabi eh, bigla-bigla nade-desisyon na hindi ko alam. Kung alam ko lang na wala pang koryente at tubig dun sa farm eh hindi ko sila papayagan. Basic necessities ang mga yon.

Yan ang kinaiisnis ko minsan kay labidabi, hindi nya sinasabi sa akin ang mga bagay na kailangan ko rin naman malaman. Tulad ng pagde-desisyon sa mga bagay na kailangan dapat may say ako. Kaso ang nangyayari eh, tapos na saka niya sasabihin sa akin. Feeling ko tuloy naba-bypass ako sa pagde-desisiyon.(sasaktan lang siguro ang pride-chicken ko)

Anyway, ano pa ba ang magagawa ko eh, nakalipat na sila.

Sabagay naisip ko rin naman na ok na rin siguro, kasi sa Bayanbang eh nangungupahan lang kami at sa panahon ngayon, mababawasan ang expenses namin tulad ng rent sa bahay. Matatawag ko na rin naman na amin yung farm na yon kaya ang magiging expense na lang namin sa bahay eh tubig at koryente na lang. (pag nakabitan na)

Isa pa, yan din naman ang gusto ko. Matuloy yung farm dahil nga hindi na rin ako babalik dito sa Saudi. Meron nang  mga baka dun, at balak yata nilang mag lagay ng layers para sa production ng mga itlog. Pag uwi ko naman eh titingnan ko kung may lugar pa para sa pagproduce ng honey. Nabasa ko kasi na magandang negosyo ang honey, pinag aaralan ko pa kung paano. Pero sa nabasa ko, iilan lang sa buong pinas ang nagpo-produce ng honey, nagi-import pa tayo sa ibang bansa.

Heniway, kailangan kong tumawag ngayon dahil sa pagkaka-alam ko eh sila lang ang nandun sa farm eh medyo liblib yung kugar na yon, hindi naman masukal, ibig kong sabihin eh walang malapit na kapitbahay, yung bahay ng bilas ko eh, although makikita sa distance eh malayo pa rin.

Mahirap na magtiwala ng basta-basta kung kani-kanino, lalo na at wala pa kaming kakilala sa lugar na yun pwera lang yung mga kapatid niya.


Responses

  1. wow kuya pag nagpakasal ako hehe pabili ako sayo ng mga alaga mo ha pati si britney ba un ung alagang aso mo hehe..joke..
    pero seryoso hehe..bibili ako kung may baboy ka rin,alagain hehe basta sa presyong kaibigan hehe..

    saka may ibubulong ako sayo 1 time magtatanong ako ng tungkol sa mga pang galatok na lalaki..
    curious lang ako hehe..:)

    hingin mo na lang ang paliwanag ni ate hehe ..

    • @lovely – hayaan mo sis, may ipapakilala ako sa iyong mga tropang kulangot cabalyuan branch…LOLs mamimili ka pa oh ha ????!!

      Pero sis alang baboy na alaga, malaki kasi ang expenses ng pagaalaga ng baboy, lugi…..kung gusto mo kambing o kaya baka n para solb na solb ka dun…..lalo na yung soup no. 5……o kaya lechong baka huwaw….

      teka anu meron ang mga panggalatok na lalaki…di ko yata ‘lam yun ah???!!!

  2. waw
    an din ang plano ng daddy ko….

    gusto raw nya pag nagresign na sya sa trabaho eh bibili na lang kami ng bukid..

    mag aalaga ng baboy baka kambing aso pusa
    at mas ma aliwalas pa sa bukid…

    Penge nga po ng brochure para makapag canvass.
    :p

    • @jason – masarap talaga ang buhay sa probinsya. ako laking manila ako pero nung napatira kami sa pangasinan ayaw ko n bumalik ng manila. ibang iba ang takbo ng buhay kumpara sa manila. mura pa ang bilihin.

      ang alam ko maraming nagbebenta ng mga lupa dun, pag naka balita ako abisuhan kita.

      oo nga pala, salamat sa pagdalaw dito sa tambayan namin.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: