Im in deep shit……
Oo malaki ang problema ko, again…and again, over and over, again and again over and over….(parang kanta ni madomat yun ah….takte…)
Nagkarun kami ng away….pagtatalo ni labidabi…
Paano naman kasi, nagpadala ako ng remittance sa kanya last month for four months yun. Parang advance na kasi nga kailangan niya raw ng pera. Ang bilin ko sa kanya magtabi ng atik para sa mga bata dahil enrollment at malapit ng magpasukan.
Hayun at walang natira dun sa pinadala ko. Binayaran nya yung behind niya dun sa rent ng bahay…ewan ko kung ilang buwan yon. Tapos hindi pala nakaenroll ang mga bata. Ngayon saan ako kukuha ng atik eh advance nga yung pinadala ko sa kanya. (Nag advance ako sa opis.) Yung naipon ko namang eh naka invest na dun sa farm, lahat kasi ng naipon ko mula ng mag Saudi ako nilagay ko na dun, para nga pag uwi ko kumikita na yung farm dahil wala na akong balak bumalik dito.
……takte sakit sa ulo, hindi tuloy ako makakain…hindi makatulog….parang in love…..
Nanghihinayang naman ako na matigil sa pagaaral ang mga bata kasi sayang, matatalino pa naman sila, lalo na si unica hija eh under scholarship yun….(although scholar nga siya pero hindi totally libre, may binabayaran pa rin kami na konti sa school).
Malapit na ang pasukan, June 08 nga ba? Parang I feel helpless….wala akong magawa dito, dahil wala naman akong resources na malalapitan dito. Wala rin naman akong mga kapatid na pwedeng hingan ng tulong. Omaygulay…..hanubatu ????
Sana umulan ng pera, wag naman coins masakit yun pag tumama sa ulo…..yung tig-isang libo tapos naka bundle na. Para pagpulot eh 100 taw agad….haynaku sarap mangarap ng dilat. Kung pwede lang sana…..
Bahala na, every problem has a solution ika nga….optimistic pa rin ako na maso-solve ko ito.
(mang vaklush kaya ako, marami ditong bading eh…..kasabihan nga….ang lalaking nagigipit sa bading lumalapit. Kaso baka naman maubos ang nuclear energy ko at paluhod na akong lumakad…..LOLs)
Nope ‘di pwede yon….meron pang ibang solusyon….meron pa yan hindi ko pa lang nakikita. (lakas ng fighting spirit……no guts, no glory…no retreat, no surrender…no ID , no Entry….huh???)
hehe ako din kuya problema ganyan pero hehe..nakkagawa pa rin namanng paraan ,,..
naku kaylangan nga naman talaga humanap ng paraaannnnnnn..
woshooo wag naman sa bading kuya sa arabo na lang hahaha…lol
no ID no Entry talag eh noh hehe..
By: anakngpating on Mayo 30, 2009
at 9:31 umaga
@ lovely – hay naku sis, hindi ko yata kaya yun…malaki…baka sumargo wetpu ko…LOLs
hindi, seryusli, hindi ko masisikmura pumatol sa bading, putilin man si chairman eh talagang ayo to nga….LOLs
By: ahkong on Mayo 30, 2009
at 3:43 hapon
kuya akong kaya mo yan… maraming sidelline.. wag mong isuko ang ano… sa kanila… LOL
pero kelangan talagang mapaaral yung mga chikiting mo.. Good Luck!!!
Kaya mo yan.. Manalig ka lang kay “Bro”
By: jason on Mayo 30, 2009
at 1:01 hapon
@jason – salamat sa words of encouragement, lumalakas tuloy ang powers ko.
kayakoto…kayakoto…kayakoto…kayakoto…kayakoto….(parang hapon ah…LOLs)
By: ahkong on Mayo 30, 2009
at 3:49 hapon
paassist ka sa OWWA po baka me loan sila ino offer sa mga OFWs…o kaya po SSS..PAG-IBIG…o bangko po na pinag reremit-tan ninyo….goodluck po!
By: SEL on Mayo 30, 2009
at 2:17 hapon
@sel – Thanks sis.
Actually nasubukan ko ng mag pa assist sa OWWA, sa awa ng Diyos hanggang ngayon walang linaw. Na high-blood lang ako nung pumunta ako minsan sa OWWA.
Sinasabi nila walang pondo….san kaya napunta yung contribution namin? (ginamit yata ni GMA….) Mahirap umasa sa gobyerno natin. Paiikut-ikutin ka lang sa bandang huli wala rin.
Anyway, malulusutan namin ito. Ang importante makapag aral ang mga kids.
By: ahkong on Mayo 30, 2009
at 3:56 hapon