Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 31, 2009

Ang Swerte Naman….

Eto yung balita kahapon dun sa naka jackpot ng lotto….

P55M 6/45 jackpot nasolo

Solong kukubrahin ng isang lotto aficionado ang humigit sa P55 milyong mega lotto 6/45 jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) draw kamakalawa ng gabi.
Ayon sa PCSO, ang nag-iisang nanalong mananaya na sadyang hindi pinapangalanan para sa seguridad nito ay inaasahang kukubrahin ang jackpot prize.
Ang lumabas na winning combination sa lotto draw ay 13-03-32-41-10-14 na may kabuuang premyong P55,664,910.00.
Maaaring kunin ng nasabing solo winner ang naturang premyo sa tanggapan ng PCSO sa Quezon City na wala nang babayarang anumang buwis mula sa pinanalunan nito.

 

Ang swerte naman ng utaw na ito, ako nung last vacation ko halos araw araw akong tumataya sa lotto, pero lagi akong tumatama sa pader. Minsan nga may napanaginipan akong number kinabukasan tinayaan ko agad, wala rin….ampotek.

Paano naman kasi, hindi pa nga tumatama ubos na yung tatamaan….LOLs kung baga hindi pa nga napipisa yung itlog, binbilang na yung manok….asus !!!!

Hayun kaya parating tapwe ang kinalalabasan……lagi tuloy sa mukha ang tama ng tinamaan na lintek na tatamaan na yan….huh? anu raw?

Pero alam niyo ba kung sino talaga ang tumama ng jackpot ??? Hindi nyo ba napapansin na pag may tumatama eh hindi nila inaannouce ang pangalan ? Siguro nga baka dahil sa security reasons, pero yun nga ba talaga ang rason? Sa US kasi pag may tumatama ng lotto nila binabalita talaga at kung sino ang tumama naka news agad pati lugar kung saan….. pero sa atin wala.

Ayon sa mga tropang kulangot at mga kurimaw ng lipunan eh dalawang tao lang ang laging tumatama sa lotto….

 

 

2300858358_27309467c7

(Tingnan mo nga naman, converted pa sa dollars…..penge naman balato mga swapang !!!!)


Responses

  1. Lotto, naalala ko mula nung bata hanggang ngayong bata pa rin ako LOL tumataya na kami sa Lotto..
    Di pa kami tumatama… Ano ba yang nanalong yan sobrang swerte!!!

    • hay naku bro jason, pareho lang tayo. taya ng taya hindi naman nananalo.
      ung dalawang ungas lang palaging tumatama…LOLs

  2. naalala ko ang pag utos ng nanay ko sa pagtaya sa lottohan, at ang makapag training sa lottohan na dapat yan sana trabaho ko ngayon sayang hehe..kasi ung nag pasok sakin may kotse na may bahay na rin ..hehe..dahil minsan nanalo tumatama sa EZ2 hehe..

    naisip ko rin yang gobyerno lang ang tumatama kasi parang wala pa kong nakita mahirap na biglang yumaman …hehe

    • @lovely – naisip mo rin pala yun…LOLs

      ay naku swertihan lang talaga ang pagtama sa lotto. yun ay kung tatama talaga….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: