Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 3, 2009

Ang Kulit mo ha??!!!

Nung isang araw pa ako na-aangasan dito sa boss-bossan dito. Katulad kahapon, kadarating ko pa lang nung umaga at tinawag ako at inuutusan, (na naman) ako. Ampootah talaga feeling boss.

Para wala na ang usapan sige, sinunod ko na lang para matapos na. Taena hindi pala natatapos dun…. maya’t maya ang utos ng tangnang ‘to. Huminto lang nung mapansin siguro na naka simangot na ako at minumura ko na sya sa tagalog. Kung nakakamatay lang mura ko malamang matagal ng dedo ‘to eh…LOLs

Paano naman kasi, paano ka namang hindi maiinis….. pumunta dun sa file cabinet, employee files na ewan ko kung files nga bang matatawag…hindi ko madiscribe dahil talagang naiiyak ako pag nakikita ko. Itong employee files na ito, matagal ko ng naayos. Nilagyan ko ng file number para madaling hanapin. Etong mga bwakanangmga’to…. pag ginamit ang file hindi sinosoli sa pinagkuhanan…minsan kung saan-saan lang itatapon.

Ang ginagawa ko dati pag ganun, inaayos ko at binabalik ko kung saan naka file…..hanggang sa nagsawa na ako kakaayos hinayaan ko na lang magkalat yang mga lintek na files na yan. Ano sila sineswerte….akala nila siguro katulong ako dito…(mga unggoy !!!!)

So ayun nga, nagpunta nga si boss-bossan dun sa harap ng filing cabinet at sinimulang hanapin yung file….siguro hindi niya makita dahil magulo, tinawag ako at ako ng pinaghanap ng file….sige, ok lang, napangako ko na sa sarili ko na gagawin ko mga pinaguutos nila kahit labag sa kalooban ko, dahil pag dating ng araw gaganti ako sa kanila…bwahhh…ha..ha..ha..ha !!!!

At siguradong iikot ang tumbong nila pag dating nga araw na yon…..malapit na yon…nyahh..ha..ha..ha… konting tiis na lang ako….

Kanina naman, siguro hindi niya ma-analize yung invoice at binigay sa akin. Magkano ba raw yung amount ng dollars ang nandun…..

So ginawa ko, kung titingnan yung invoice nandun na, nakasulat lahat ng info. Ginawa ko brinake-down ko, para madali niya maintindihan at binigay ko na sa kanya. Aba heto maya’t maya punta sa akin …nasan daw yung dollar amount…siguro naka tatlong balik sa akin at yon ng yon ang tinatanong…sa bwisit ko dahil naiistorbo ako, (nag se-surf ako sa net…LOLs), sabi ko….

“It’s already here…see?? I have already made a break-down for you….can’t you read??? I thought you are a manager…….how can you be a manager if you cannot analize and read??”

oh diva ang taray….kukurutin at sasabunutan ko pa sana eh……LOLs

Hayun…natameme siya, pasalamat siya at nasa Saudi kami, kung nagkataon na sa Pinas baka hinulog ko na mula sa 10th floor ‘tong Musri na ‘to….

Naha-high blood ako…lalo na ganitong unsloved mystery pa rin ang problema ko…..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: