Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 8, 2009

Si Ako, Si Siousxie at ang Banshees

Grabeeee…..dami kong trabaho. Ang potek binigyan na naman ako ng special assignement ni bossing. Panibagong design na naman ng price tags. Dapat yata singilin ko na mga ito sa mga designs ko eh….potek lugi ako.

Heniwei, kamusta na ang mga kaututang dila ko sa mundo ng blogospira? Pasensya na kayo at nitong mga huling araw eh talagang busi-busihan ako.

Haktwali hindi pa tapos….nagiisip pa ako ng magandang pangalan para sa men’s & ladies garments….eh ang gusto ng bossing ko eh yung medyo sexy raw…. iniisip ko nga eh kung sa men’s….”tukne kulugo” o kaya “roborats” oh di ba? matigas ang dating, lalaking-lalaki………LOLs, at sa ladies naman….”Madam XXX” o kaya….”Tina Moran Collection” parang ang naughty naughty…ahihihihihihihi

Teka nalalayo na ako sa topic ko….LOLs

Malamang sa hindi eh hindi nyo kilala ang bandang Siouxsie and the Banshees. Sumikat sila around crica 1980s. Sila ang forerunner ng Gothic Rock, malaki ang naging impluwensya nila sa mga banda ngayon……parang may influence din sila sa local band natin dati na Identity Crisis. Saka kakaiba ang music nila.

Heto sila Siousxie and The Banshees performing “Cities in Dust” live

 

 

Naalala ko tuloy nung panahon na wala pa akong sungay, yung mala anghel pa ako…LOLs….tatlong groups parati noong panahon na yun eh.

1.) yung mga grupo ng mga new romantics na inspired ng mga Duran-Duran, Spandau Ballet and the likes. mga teens na pa-cute na one sided ang hawi ng pagkakasuklay tapos pag naglakad eh nakabiling yung ulo sa kaliwa o kanan depende sa pagkakahawi ng buhok, na akala mo may stiffneck.

2.) yung mga grupo ng punkista – ito ang Genertion X, yung mga buhok na mohawk, mga nakatayo parati yung buhok, pati toothpaste eh ginamit na pampatigas ng buhok. Tapos ang intsura parang hindi naliligo…potek. Parating aka combat boots at maraming kadena sa katawan, may wrist ban na may spike at iba pa. Sila yung mga teens na takaw gulo pag may tipar.

3.) yung bago pa lang na nauuso yung break-dance, forerunner (tama ba word?), forerunner ng hip-hop. eto yung ang itsura nila mga naka buggy pants o kaya maluwag na overalls.

Naalala ko noon, pag foundation day sa school at nagpang-abot yung grupo ng punkista at grupo ng mga bali-buto, (break dancer), 99.9% gulo sigurado…….LOLs. Ako eh nanood lang sa kanila dahil ayaw kong mabasag ang aking mukha, sira-sira na nga babasagin pa…LOLs


Responses

  1. heheh ayos a… may mga kategory ynh mga students..

    wala pang emo nun. hahahah

    sa min dati 3rd year versus 4th years ang away sa foundation day kasi tumumba raw ang pyramid ng cheering ng 3rd year. kaming 4th year sinisi ginugulo raw namin. hahaha

    • @jason – oo hindi pa uso mga emo noong araw. hindi pa nga uso ang Playstation at ang PC noon eh wala pang MS Windows wala pang OS…LOLs

      kadalasan ganun ang gulo nasa 3rd at 4th year…passing the torch…LOLs.

  2. kilala sila ng mga boss ko dito sa dubai hehe🙂

    • @bro denz – Napaghahalata ang edad ko….LOLs ibig sabihin mga bossing mo eh ka-henerasyon ko…..

  3. nahuli mo ko sa mga katagang “siouxsie and the banshees” kapatid — kapanahunan ko toh! hayskul ako nung kasikatan nila kaya biglang nagbalikan yung mga memories — the cure, dead kennedys, xmal deutschland, cindy lauper… at pati na sina martin at gary!🙂

    • @taroogs – Uy…ka-batch….LOLs (hindi pa naman tayo ganun katanda…nyahhh…ha..ha..ha..ha..)

      Oo kapanahunan natin ito, meron akong hindi nailagay sa post, si Robert Smith ng The Cure ang dating Lead Guitarist ng Siouxsie and the Banshees, kaso nahirapan siya dahil dalawa ang banda niya, mas pinili niya ang The Cure.

      Meron pa akong ipo-post at siguradong balik HS tayo…huyaahhh !!!!

  4. haha kuya napag hahalata na ang edad mo ah i though itatago mo ang edad mo hehe..pero basang-basa ko na kung ilang taon ka na hehe..
    uu nga sa pag ka busy mo hindi mo na ko nabibisita heeh..kaylngan ko ng madaming comment mo para manalo ako sa palaro no otep na libre lang mangarap daananan mo naman pilis,..pahihiramin kita tee shirt heh..:)

  5. @lovely – hindi pa naman ako matanda…nasa twenteen palang ako….nyahhh..ha..ha..ha..ha..

    hayaan, daan ako sa haybol mo at ng makita ko naman yang t-shirt na ipahihiram mo….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: