Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 10, 2009

IDOL !!!!!

Hindi ito tungkol sa American Idol na si Adam Lambi…este…Adam Lambert…badingwingki yon. Hindi rin ito tungkol sa Philippine Idol…di ko nga kilala sino nanalo dun eh…lalong hindi ito tungkol kay Robin Padilla na kafatid ni sisterette Bebe.

Ito ay tungkol kay Billy…

(Sino Billy ikaw sabi-sabi dyan….Billy Crawford o Billy Balbastro…???)

Umentra ka na naman eh….manahimik ka dyan Ah’Kong walang basagan ng trip….hindi si Billy Crawford, na kamaganak ni Cindy Crawford ??? at Hindi rin si Billy Balbastro at patay na yon…

Ito ay tungkol sa aking nagiisang idol…..si Billy Idol….hooowaaahhhh!!!!

Kaya ko naisipang gawan ng entry si Billy Idol dahil fans ako nito eh, mula pa nung ako ay teens edition. At dahil na rin sa napanood ko sa Iyotube..este…sa Youtube at talagang namangha ako sa husay niya magperform lalo na yung kasama nyang naggi-gitara, kalumitan ko na pangalan nya…ampotek hindi ako alam kung paano niya nagawa yon sa gitara at parang sabay sabay na tumutunog ang lead, rythm saka bass guitar eh iisa lang siya nag accompany kay Billy Idol.

Parang tig sampu ang daliri nya bawat kamay….bilib ako to the maximum velocity.

Heto panoorin nyo…lagyan nyo na rin ng Pump Up the Volume para malaman nyo kung ano yung sinasabi ko.

 

 

Natatandaan ko pa, una kong narinig itong si Billy Idol, hiniram ko yung cassette tape, oo wala pa..hindi pa uso CD noon, hiniram ko sa sexmate…este..sa classmate ko yun tape, yun unang record niya.

Nung una parang di ko trip  pero unti-unti nagustuhan ko na yung mga kanta niya, tulad ng White Wedding, Rebel Yell, Eyes without a Face saka yung iba pa…..

Katunayan yung buhok ko ginaya ko rin sa kanya dati, pero hindi ako gumamit ng toothpaste ha, gel lang…kaya hayun, kakagamit ko ng gel numipis ang buhok ko ngayon malapit na akong mag Top Gone…..ahihihihihi pero meron pa rin naman yung nga lang tumataas ang hair line..LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: