Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 26, 2009

Paalam Haring MJ

Hindi po si Da King ang tinutukoy ko.

Si Pareng Maykel Dyakson…(oo kumpare ko yun eh…LOLs).  Kardyak Aress yata ang ikinamatay niya. Talagang ganun, pag oras mo na oras na talaga, wala ng tawad-tawad pa pag kinuha ka na. Kung baga….

MJ : “bossing baka naman pwede pa kahit 1 taon pa…. may kambak konsert pa kasi ako sayang naman….”

Kamatayan : “Sorry MJ, talagang di na pwede…. dapat nga matagal na kitang kinuha eh…kaso naawa na talaga ako sa itsura mo nag mumukha ka ng buhay na bangkay……wala ng ekstensyon.”

At least mga kapatid sa pananamplataya eh, alam na natin na matatahimik na ag buhay niya. Nitong mga nagdaang taon alam naman natin kung ano ang mga pinagdaanan niya. Kung anu-anong kontrbersya ang bumalot sa buhay niya. Ngayon wala na siyang iintindihin, swerte pa ng siya hindi na niya mararanasan lupit ng mundo….(huwaw, hebigats…!!!!)

Oo aaminin ko, naging pans ako ni MJ nung ako ay nasa Highschool Musical pa. Isa rin ako sa mga luko-lukong ginagaya ang kanyang danz moves, lalo na yung moonwalk….LOLs. Naalala ko pa nung pumutok ang album niyang Thriller, asus, talaga namang kahit ulit-ulitin namin yung video ng Thriller hindi kami nagsasawa. Yung tatay ko umay na umay na sa pinapanood namin pero kami hindi kami matinag sa kinauupuan namin.

Tapos talaga namang naghanap pa ako ng Red Leather Jacket ng kagaya sa kanya para japorms na japorms ang porma ko pa nagpupunta sa tipar noong araw. Buti na nga lang hindi ako napag titripang gulpihin ng mga nasasalubong kong ibang tribu. Nalala ko pa meron din akong gloves na sequenced…LOLs. Pag may party minsan sinusupt ko yun, pag naalala ko natatawa tuloy akos a sarili ko, para akong gago…LOLs. Tapos yung kwarto ko punong-puno ng posters ni MJ. (hindi naman ako die-hard pans….medyo lang….LOLs)

Masasabi ko na proud ako na maging part ng henersyon nung sumukat ng husto si MJ. Dahil yun yung time na masaya ang buhay…walang Swine Flu, walang Abu Sayyaf, walang Economic Crisis at lalong lalo na wala pa si Doña Glorya na sobrang napapahirap sa mga buhay ng pinoy ngayon. (oopss..nasa-side track na naman ako…..)

Kaya paalam MJ sa mga magagandang alala na dinala mo sa amin sa pamamagitan ng iyong myusika. Salamat sa iyo at naging masaya ang buhay ko noong ako ay nasa aking teens pa. Kahit nag mukha akong gago dahil sa mga pakana mo eh ayus lang. Alam kong kung saan kaman nandun ngayon eh siguradong kumakanta ka ng…..

 “Thrilleerrrrr…..Thriller nighttt….”

Teka mali yata yun…..


Responses

  1. hehe may he rest in peace dami nag luluksa grabe pero i like the song BEN naiiyak ako dun sa kantang un haha..

    • ay uu sis, ganda nung kanta na yun, tungkol sa daga….
      kasi yung alaga lang niyang daga ang naging kaibigan niya nung maliit pa siya. Parang sa lahat ng fame and fortune na natanggap niya malungkot pa rin siya.

      Tama nga ang kasabihan na kahit gaano ka pa kayaman, parating may kulang sa buhay……


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: