Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 29, 2009

Saan Tayo Pupulutin?

Saan nga ba?

Ewan ko, hindi ko alam…. pero nasa sa atin rin yan. Kung gusto nating manatiling ganito ang takbo ng buhay natin, huwag tayong kumibo, tiisin natin hanggang sa wala ng mapipiga sa atin. Kung gusto naman natin ng pagbabago, lumaban tayo sa mga tarantadong nasa gobyerno…..(ayan naha-high blood na naman ako….grrrrrrr!!!!)

Ang daming nangyaari sa buong paligid natin, wat ay wana sey….ang daming nagaganap sa buong mundo pero etong mga tongresman natin at pangulo eh kung anu-ano ang inaatupag ng mga putaktengsupot !!! Samahan pa ng maangas na anak si tongresman mickey mouse, na ewan ko ba kung saan nagmula at sumobra ang kayabangan sa katawan. Dapat magsama sila ni…..sino ba yung asawa ni Asunta?

(Ah’Kong : ” Dyuls yata kanya pangalan…ako hindi alam….?)

Basta yun na yon….magsama sila na parehong saksakan ng yabang siguradong walang panama ang global warming pag nagtagisan ng kayabangan ang dalawang yon.

Heniwei ang punto ko lang naman eh, ano ba ang ginagawa ng mga taong gobyerno natin? Kung sa tanong na “paglilingkod sa bayan” nga ba? Alam nyo na sagot dyan…..

Ang daming problema ng ating Inang Bayan.

1.) Unemployment – ang daming walang trabaho, paano na yung mga graduating naman ng taon na ito. Madadagdag na naman sila sa libong bagong grads na hirap makahanap ng trabaho.

Ang nakitang solusyon ni pandak…este…ni Doña Glorya…..i-export ang mga pinoy, may trabaho na, may pang maisusubi pa silang tax kasama yung mga galamay niya….panalo sila, tayo ang talo.

Hindi bale kung ang OFWs eh nabibigyan nila ng tulong, kaso wala pwera lang dun sa mga High Profile na cases, binibigyan nila ng atensyon para naman masabi naman na tumutulong sila. Sikat pa.

2) Pagkain – Nasan na yung tinatawag niyang stimulus funds…san napunta yon? Tangina, kinuha nila yung pondo run sa mga SSS Members, pero nasan na? Ayun ang nababasa ko sa newspapers eh napupunta lang sa Pampanga, syempre sa kabang yaman ng pamilya niya ganun lang kasimple. Naloko na naman tayo.

Kung anu-ano ang inuuna nila sa Kongreso at Senado…Cha-Cha, Con-Ass(holes), Sex Scandal at kung anu-ano pang walang kwentang mga batas na ewan ko kung saan nangagaling, at kung kaninong utak nagmula.

Kung yun Agriculture Industry natin ang inuna nila at binuhay, marami silang magsasaka na matutulungan at hindi tayo kukulangin sa bigas. Taena tayo lang ang nagturo sa mga katabi nating bansa na magtanim ng palay, tayo ngayon ang bumibili sa kanila. Ohmaygulay….$%#^&#$*(&^!!!!

3.) Crimes – Hindi nyo ba napapansin, araw-araw may nakawan, patayan…. lalo na yung ginawa kay Ruby Rose. Shitnamalagkit !!!! Sinong nasa matinong pagiisip ang gagawa ng ganung bagay? Napaka hayop ng pagkapatay.

Araw-araw may hino-hold-up, meron nga akong nabasa sa newspaper, nasa traffic light siya at nakahinto, syempre dahil red light…..aba nakngteteng, biglan siyang hinold-up dun mismo sa stop light, tanghaling tapat….tangina ganun na katapang ang mga kriminal ngayon. Isa lang naman ang dahilan nyan eh, pero darating tayo dun.

Ganun na katindi ang street crime sa atin, nung kelan lang na nagbakasyon ako…..dun mismo sa bayan ng Bayambang may binaril, umagang-umaga dun mismo sa abangan ng sasakyan sa bayan, na malapit sa munisipyo, (ilang metro lang ang kayo), at sa kabila lang may out-post ng pulis. Binaril yung lalaki ganun na lang ang value ng buhay ng tao. Ibig kong sabihin, wala na bang halaga ang buhay?

Iilan lang yan sa mga problema ng ating Inang Bayan…pero ang pinaka matindi sa lahat….eto nagkaka-connect lahat dito……iisa lang ang dahil ng lahat ng nabanggit ko sa itaas…..

CORRUPTION

Kung walang corruption, madami tayong trabahong malilikha, dahil sa corruption umaatras ang mga investors.

Hindi ba recently lang nadawit na naman yung pinagmanahan ni Mickey Mouse na asawa ni Doña Glorya….si Atorni Mikrobyo, na pag nadadawit sa kaso at inimbistigahan biglang nagkakasakit ang gago.

Ayon sa kurimaw sa kanto ng España at Tandang Sora, kaya raw umurong yung isang investor na hapon dahil hinhingan nila, (kasama si Mickey Mouse) ng lagay para makapagtayo ng negosyo sa atin. Hindi hundreds or thousands……millions ang hinihingi. Taena kayong mag-ama, tamaan sana kayo ng kidlat sa gitna ng kumukulong dagat-dagatang apoy…isama nyo na rin si pandak at mga alipores niya….!!!!!

Ayun umatras yung investor, sana maraming trabaho ang na-generate, sana maraming trabahador ang nakakapagtrbaho ng maayos, walang pamilya na nagugutom.

Kung walang corruption, mawawala ang kimen….hindi naman totaly mawawala pero mababawasan, dahil sa corruption madaling sulsulan ang mga Zaido, pulis-pangkalawakan. Kung mayaman ka, bigyan mo lang ng pera o kaya regalo ang piskal, mayor, chip of polis eh lulusot ka na…..dahil sa CORRUPTION nasira ang Judicial system ng bansa. Dahil nasira na ang Judicial system natin nawalan na ng tiwala ang tao.

…..kung siguro ako si Superman eh, ganito gagawin ko.

Una, lahat ng war freak sa Mindanao, Abu Sayyaf, MILF at iba pang katulad nila, eh dadalhin ko sa isang uncharted island, oo sa isang maliit na isla.

Pangalawa, lahat ng tongresman na gago dadalhin ko dun sa isla. Dun sila magtayo ng Con-Ass nila.

Pangatlo, isasama ko na rin si Doña Glorya at pamilya niya sampu ng mga sipsip na cabinet members niya na kulang nalang higupin pati pwet niya, dun sa isla at kahit dun na siya maging pinuno ng mga Abu Sayyaf at MILF habang buhay.

Kaso hindi naman ako si Superman…….sarap sanang mangarap….LOLs

Ano nga ba ang magagawa ko, nag iisa lang ako? Pero kung tayong lahat ng Pilipino na sawang-sawa na sa pamamalakad nila. Labanan natin sila, huwag na nating isipin na para sa sarili natin ang ginagawa nating laban kundi para sa mga anak natin at magiging apo.

Ipaglaban natin ang karapatan nating mabuhay ng may dignidad, hindi yung binabalewala tayo ng mga namumuno sa atin. Ipaglaban natin ang karapatan nating pumili kung sino ang nararapat na mamuno sa atin, hindi yung kung ano lang gustuhin nila sila na ang masusunod.

Kaya say NO to CON-ASS, CHA-CHA, CON-CON at kung anu-ano pang kalokohan at katarantaduhang iniisip nila.

Sa darating na eleksyon pagisipan nating maigi kung sino ang dapat hindi yung kung sino ang sikat at ma-pera. Sino ang nararamdaman nating may talagang puso para sa ating maliliit.

Kason nga ampootah…wala ka naman pagpipilian…..shit!!!! hanubayan…..???

Sama pa natin ang nagyayari sa buong mundo….Economic Crisis, Swine Flu Epidemic na sa tingin ko biological weapon yun na tinesting kaso hindi nila nakontrol. Tapos kung mamalasin pa talaga, baka magka gyera pa, Nuclear War dahil sa pasaway na North Korea.

San na tayo pupulutin pag ganyan????


Responses

  1. huwaaaaaaaaa mahaba pero nibasa ko ..
    lecheng pandak yan bwiseeeeeeeeeet..

    ang sarap ipain sa pating na tipong buong katawan nya lamunin na..badtrip..

    kung ikaw nga lang talaga si superman kuya naku..

    • Uu nga sarap mangarap ng gising, at kung ako si Chuperman malamang ikaw si Darna…LOLs

      At pagsasamahin natin ang ating chuperpowers at itatapon natin silang lahat sa planetang pluto…..hiyaaaa !!!!

  2. kuya namiss ko mga jokes nyo ni ahkong hehe..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: