Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 12, 2009

Propisyensi in Eksel

May bagong na-hire na naman sa amin. Ang magiging trabahon niya sa Warehouse kasi yung isang taga warehouse eh, ayaw na….nag resign na.

As usual Musri (Egyptian) na naman. Hindi ko alam kung dito siya sa office o dun sa warehouse. Kasi ise-set-up yata dito isang computer na connected sa warehouse para dito na siya magwork sa office. Ang problema sa akin pinapa-train itong mokong na ito. Sabi ko dun sa isang boss-bosan eh paano ko ite-train yan anong malay ko sa trabaho nila sa warehouse, dapat ang mag train dyan yung papalitan niya dahil yon ang magiging trabaho niya…..sabi tingnan ko lang kung marunong sa computer. Ok kako…sige.

So tinanong ko….”Do you know how to work with Excel?” (Naks inglis yun…LOLs)

Sagot ni Mokong, (Yun na itatawag ko sa kanya mula ngayon) “Yes…I am good at Excel…I am proficient…” (yabang nito ah…proficient ha? tingnan natin….)

Umandar na naman ang pagkasira ulo ko at sinubukan ko…. madali lang naman ang pinagawa ko sa kanya. Data Entry lang gamit ang Excel. Kumuha ako sa file ko ng mga five pages na invoice at ibinigay ko sa kanya. Tapos yung Excel File ibinigay ko rin sa kanya pero tinanggal ko ang datas, except yung formulas. Titingnan ko kung gaano niya katagal gagawin. Usually pag ganitong 5 pages nagagwa ko ito within 15 minutes dahil pag marunong ka talaga sa Excel magagawa mo ng madali.

So ibinigay ko sa kanya, (9:30am) sabi ko gawin mo ito…..so ginawa na niya. Ako naman nagsimula na rin ng usual work ko dito sa office. Siguro mga after 2 hours, (11:30am) tiningnan ko ginagawa nya….aba angpootah…nasa panglimang item pa lang at bakit daw ganito? Tiningnan ko…nakngteteng ayaw maalis yung cursor sa isang cell. Parang nalock…tangna sa loob loob ko….proficient ha? Tungak !!! Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya pero nai ayos ko naman naibalik ko sa normal yung worksheet……maya-maya eto na naman lumapit sa kin at ganun na naman daw ang problema…sabi ko : “you said you are proficient in excel….” napa iling na lang ako.

Mga after 20 minutes….pumunta sa akin at ibinigay yung invoice, tapos na raw…tiningnan ko. Sabi ko “Why only one page? This is 5 pages….I want you to make all….” nakita ko parang gustong magprotesta….magrereklamo pa yata…pero hindi naman niya tinuloy…dahil kung sakaling nagprotesta siya…..sorry na lang siya….LOLs

Kaya ko naman gustong ipatapos sa kanya dahil sa bandang last page may kailangan siyang gawin para mai-enter niya ang data, pag hindi niya ginawa yun hindi niya mailalagay yung tamang data. Saka gusto kong makita yung total dapat pareho ng nasa file ko.

Sabi sa kin ng boss-bosoan 1 week daw sa akin ito. Pero kakausapin ko siya dahil ang talagang kailangang mag train dito yung taga warehouse hindi ako. Dapat ang ginagawa ni Mokong yung actual na trabaho niya para matutunan niya yon…..ewan ko ba dito sa boss-bosan na ito kung ano ang iniisip….wala sa hulog ang pootah.

Ang kinakatakot ko lang… pag dito nag work itong si Mokong malamang hindi magtatagal boss-bosan na rin itong gagong ito….sa tingin pa lang mukha ng gago eh.


Responses

  1. shocks! sarap sapakin eh! hahaha!
    ang yabang! awoo! tapos hindi man lang maayos ang excel! amp!

    waaah! mukhang mahirap talaga magtrabaho ah!
    tsk tsk tsk!

    • Sis Eloiski – Long time no hir…LOLs

      Haynakupo….talagang sarap sapakin, lalo na kanina….kaninang umaga pinagawa ko ng letter, aba 3 oras na hindi pa tapos, tapos tinawag ako, kasi sobrang nasa right side yung margin paano ba raw ayusin yon….simple lang kako, inurong ko lang yung right margin…tapos…nakng!#$%&*!!!….

      Minsan naiisip ko kung ano ang kasalanan ko noong unang buhay ko at pinarurusahan ako….huwwaaaahhhhh !!!!!

      Ibalik nyo nako sa Pilipinaaaassss !!!!!!

  2. haha..alam nya ha…bopols pala talaga hehe..ang yabang jusko hehe..ayaw na lang umamin na di marunong sa kompyuter hhehe..

    relaks kuya hehe,,..ako nga naka survive din dun sa trinain ko dito sa shop hehe..ang alam lang nya mag fs ahha..un lang haha..jusko nanginginig sa pag hawak ng mouse sabi nya marunong sya konte lang un pala ung fs lang ang alam hehe..nag aral sya HRM ha hhe..

    balik na tayo pinaggalingan natin hehe..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: