Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 16, 2009

Bertong Tigas

Siya si Bertong Tigas, tubong Pangasinan.  Matipuno ang pangangatawan dahil sanay sa hirap sa bukid kaya siya tinawag na Bertong Tigas. May taas na 5’9,  moreno at may pagka meztiso dahil sa kanyang ina ay taga Cebu.

Maraming mga dilag sa kanilang nayon ang nagkaka gusto ka Berto ngunit hindi niya ito pinapansin. Ang tanging nais niya ay makatulong sa kanyang mga magulang at maitaguyod ang pagaaral ng kanyang mga nakababatang mga kapatid. Napakabuting anak at kapatid.

Dahil sa kanyang pangarap na makatulong sa kanyang mga magulang siya ay lumuwas ng Maynila para maipagpatuloy ang kanyang pagaaral sa kolehiyo. Ngunit kailangan niyang humanap ng trabaho upang may pangbayad siya sa kolehiyo.

Hindi naman siya nabigo na makahanap ng trabaho. Napasok siya bilang family driver ng pamilya Montenegro. Ang pamilya Montenegro ay isang mayaman na angkan. Mababait ang kanyang mga amo, lalong lalo na si Mrs. Montenegro. Maliliit pa ang mga anak ng magasawa. Si James 10 years old at si Josh 5 years old.

Maganda, maputi, mahaba ang buhok. Meztisahin ang itsura. Matangos ang ilong. Malusog na hinaharap. Higit sa lahat may napaka gandang katawan. Alaga ni Mrs. Montenegro ang kanyang pangangatawan. Sa gulang na 35 ay hindi mo ito pagkakamalan sa kanyang edad. Kung iyong titingnan, siya ay nasa 20s lamang.

Nang ipagbigay alam ni Berto na nais niyang ipagpatuloy ang kanyang pagaaral sa kolehiyo ay hindi nagdalawang isip ang magasawa na sagutin ang kanyang pagaaral.

Dahil dito pinagbuti ni Berto ang pagtatrabaho sa pamilya Montenegro. Habang tumatagal napapalapit ang loob ni Berto kay Mrs. Montenegro at gayun din ang babaeng amo. Nagkapalagyan sila ng loob. Hindi na amo-trabahador ang naging turingan nila sila ay naging malapit na magkaibigan. Hindi naman nakakahalata ang lalaking amo t kampante pa ito dahil alam niyang mayrung nagbabantay sa kanyang pamilya pag wala siya.

Madalas na wala si Mr. Montenegro sa kanilang bahay dahil na rin sa mga negosyo nila. Kadalasan ay nasa ibang bansa ang among lalaki kaya kay Berto ipinagbibilin ang pamilya.

Sa isip-isip ni Berto napaka swerte niya at nakatagpo siya ng mga amo na katulad ng mga Montenegro. Naipangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi niya sisirain ang pagtitiwala na iyo.

Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana.

Isang umaga ng Linggo, naglilinis ng sasakyan si Berto. Nasa may hardin si Mrs. Montenegro at nagpapahangin habang nagbabasa ng diyaryo.

Dahil sa medyo basa na ang t-shirt ni Berto, ito ay kanyang tinanggal. Lumabas ang matipunong katawan nito na hindi nakawala sa paningin ng kanyang among babae. Hindi alam ni Berto na matagal na pala siyang tinitingnan ng among babae. Napa “ohhh” ito ng mahina ng makita ang masel-masel na katawan ni Berto.

Simula noon lagi nalang siyang tinitingnan ng among babae. Para bang may iniisip na malalim. Kinakabahan si Berto, bakit ganun siya tingnan ng among babae, sa loob-loob niya “huwag naman po sana….”. Ngunit ganun pa man, magiliw pa rin itong makipag usap sa kanya.

Minsan isang gabi na malakas ang ulan. Kadarating pa lang ni Berto mula sa kolehiyo at dahil na rin sa pagod hindi na siya kumain. Nagpalit na lang siya ng pang tulog at nahiga na sa kanyang kwarto sa may garahe.

Maya-maya naalimpungatan si Berto at may kumakatok sa kanyang pinto. Ahhh baka si Aling Lukring at dinalhan siya ng pagkain.

Tiningnan niya ang orasan at.. “Aba mag aala una na pala ng madaling araw. Sino kaya itong kumakatok sa pinto?” nasambit niya.

Laking gulat niya ng pag bukas niya ng pinto ay si Mrs. Montenegro ang kaharap niya. “Mam…a-ano po kailangan n-ninyo?” kabadong sabi ni Berto.

Pumasok sa loob ng kwarto ang among babae at bigla itong humarap sa kanya, tinitingnan siya mula ulo hanggang paa….

Mrs. Montenegro : “Berto…alam kong mali ito……”

Berto : “Mam….baka makita tayo ng ibang tao…”

Mrs. Montenegro : “Berto….may hihilingin ako sa iyo….”

Berto : “Mam…….huwag po.”

Mrs. Montenegro : “Berto….please, sige na….pagbigyan mo na ako…akala ko kaibigan kita.”

Berto : “Opo mam, kaibigan ninyo ako, pero….”

Mrs. Montenegro : (medyo pabulong at nanginginig ang tinig) “….hubarin mo ang nightees ko….”

Wala ng nagawa si Berto kundi sumunod. Dahan-dahan niyang hinubad ang nightees ng among babae….ng matanggal na ang nightees….

Mrs. Montenegro : “Berto….hubarin mo ang bra ko….”

Tinanggal ni Berto ang bra….

Mrs. Montenegro : (nanginginig na sinabi….) “Berto..hu-hubarin…mo..a-ang panty ko….”

Hinubad na ni Berto ang panty……

Mrs. Montenegro : (malumanay na sabi kay Berto) “Alam mo Berto..paborito ko itong Nightees, Bra at Panty……”

(sabay sinigawan si Berto) “TANGNA KA!!! SINASABI KO NA NGA BA EH!!! MAY HINALA NA AKO NOON PA!!!  KAYA PALA NAWAWALA, IKAW ANG KUMUHA AT SINUSUOT MO PA HA……..BAKLA!!!!”


Responses

  1. hahahahaha….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: