Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 18, 2009

up and down, up and down….

Ang aming office eh nasa 7th floor. Kaninang lunch time habang nagiintay ako ng lift (elevator) nag iisip ako ng pwede kong mailuto.

Aba umabot na yata ng 10 minutes wala pa yung lift. Narinig ko mula sa 8th floor naghuhuntahan yung dalawang egyptian, at saya-saya nila. Pagtingin ko dun sa number sa taas ng elevator nasa 8th floor nga at naka hinto. Sa loob loob ko, tado mga ito ha, pinindot na naman yung open at hinold nila yung lift.

Parati nila ginagawa yung ganun, naghuhuntahan sa may elevator tapos iho-hold nila yung lift, eh maraming naghihintay pababa.

Talagang ang tagal, sinisigawan ko nga dedma lang eh. Hinohold nyo ha….teka… umandar na naman yung pagka demonyo ko at naghagdan na lang ako.

Pero bawat floor na madaanan ko pinipindot ko yung up & down botton sa may pinto para pagbaba ng mga unggoy na egyptian eh lahat ng floor hihintuan nila. Itong elevator pa naman sa building namin eh mabagal bumukas saka sumara…..Bwahh..ha..ha..ha..ha… kala nyo ha? Pinaghintay nyo ako tingnan natin kung gano kayo katagal makababa….he..he..he..he…

Hindi muna ako umuwi, tumambay muna ako dun sa lobby at hinintay ko yung pag baba nung egyptian….siguro umabot ng 15 minutes bago siya nakababa…pag ganito pa namang summer eh saksakan ng init sa loob ng elevator na yun….ha..ha..ha..ha…ha… ang mga ungas pag labas pawis na pawis at nakasimangot….ha..ha..ha..ha…

Paghinold pa ulit nila yung elevator eh pagpipindutin ko ulit ang up & down buttons….LOLs


Responses

  1. bad ka hehe..

    mas bad pala sila hehe..

    ang baho siguro nung 2 paglabas hehe…ewwwwwwwwwwwwww

    • ay em noti….ahihihihihihihi

  2. hahaha nice site🙂
    visit nyo rin po yung sakin newbie lang ako e..
    http://belleflores.wordpress.com/

    • hi sis, thanks sa pagdalaw sa aming tambayan. add kita para madali kitang napupuntahan….

      thanks


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: