Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 26, 2009

Llamado..Dehado..Yari kayo !!!!

Nangyari ito last June 04, 2009 sa Buraydh, (burayda).

Hindi ko alam kung saang lupalop ng kingdom yon pero maraming pinoy ang nahuli ng mutawa na nagsasabong. Dito sa loob ng kingdom, bawal na bawal ang sugal. Ok lang kung card games, basta nasa loob lang kayo ng compound or kwarto. Ok lang yon, walang sisita at walang manghuhuli sa inyo.

Pero pag ganitong ilegal na tupada napaka delikado. Unang-una, kahit sabihin pang may kapit na pulis ang organiser ng tupada eh hindi pa rin nakakasiguro na hindi mahuhuli. Lalo na pag mutawa ang nanghuli siguradong diretso sa kulungan yan, wala ng tanong tanong.

Ewan ko ba dito sa mga kababayan natin na ito. Although hindi ko gusto ang pamamalakad ng gobyerno natin eh hindi mo rin naman masisisi ang OWWA o gobyerno dahil yung ibang mga kababayan natin eh mga pasaway din naman.

Alam ng bawal, eh sige pa rin…..sabagay may kasabihan nga tayo na….

“Mas masarap ang bawal”….. o kaya..”Kung ano yung mabantot yun ang masarap…”

Teka iba na yata ang tinutumbok ko ah….ahihihihihihi

Nakaka-awa naman ang pamilya nitong mga pinoy na nahuli. Hundi muna nila inisip ang mangyayari pag nahuli sila, paano na ang pamilya nila na umaasa sa kanila? Paano na yung mga anak nila ? Paano na yung magulang nilang may sakit? Paano na….omaygulay….

Oo nga nakakawala ng homesick….oo nga pag nanalo ka eh siguradong hapi-hapi berdey…pero pag natalo ka siguradong wala kang mapapadala sa pamilya mo…at yan nga nahuli….siguradong sabog ang wetpu mo sa loob ng kulungan dahil siguradong pagpipistahan ka ng mga ibang lahi…..aray ko masakit yun ha!!!

Sige at tingnan ninyo itong mga pektyur at baka may kakilala kayong nahuli….lalo na yung mga taga Batangas..Laguna at Leyte.

01

02

03

04

05

06

07

11

20

21


Responses

  1. ang nakilala ko lang ung panabong..kamukha ng panabong ng tito ko hehe..jokeness..

    kawawa nga naman sila..ang pamilya pala nila..kuya baka naman nanjan ka at nahuli ka rin hehe..wak naman sana ehhe,,

    tsk..tsk..di mga nag isip muna sayang,..ang dami-dami gusto mag aplly ng trabaho jan eh sila nag sabong lang..

    hays…

    • hi sis, welkambak….balita ko nasira daw ang iyong “ibaon-lambat”, (internet)….sa wakas nalaman ko na rin ang tagalog ng “internet” LOLs

      naku sis hindi ako mahilig sa sugal, pusoy lang saka tong-its, saka sakla, beto-beto, color game..LOLs……hindi nga, wala talaga akong hilig sa sugal, lalo na sa sabong….saka ibang sabong yung hilig ko…ahihihihihihihihihi

      • hehe..yun pala ang tagalog nun haha..ang haba..internet na lang ehhe..

        ska parang ang grin ko dun sa ibaon haha..

        hindi ka mahilig pareho tayo, tong-its,kara-krus,binggo color games lang alam ko hehe..

        ibang sabong..parang nahuhulaan ko na yan ah hehe..yan ba ung may bull tapos sasabungin ung tao na may hawak na telang pula hehe..tama ba ko ehhe..

        kuya kailangan ulit kita..
        vote mo ko kay pareng mon naman..
        http://www.monzavenue.com
        sa poll dun sa side bar..andun ako hehe..kung kailangan pwede damihan mo na gamitin mo lahat pc jan sa opis nyo hehe..

        please para sa tee shert hehe..at 15$ hehe..

        salamat..bait mo talaga koya..pakess nga hehe..

  2. bisita ka nama dito..
    lovely_damnhype: http://anakngpating.wordpress.com/2009/07/30/thanks-giving-list/

    • hi sis, medyo bisi-bisihan na naman kami at malapit na ang ramadan.
      sige dadalaw ako dyan hinihintay ko lang matuyo yung nilaban kong kabayo….teka anu ba yang pinagsasabi ko…ahihihihihihi

      napapraning na naman ako…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: