Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 1, 2009

Paalam Tita Cory

Kaninang umaga pagdating ko dito sa opis at pagbukas ko ng Internet ang bumungad kaagad sa akin na balita ay pumanaw na raw si ex-President Cory Aquino.

Ano ba ang pumapasok sa inyong isip pag sinabing Tita Cory o kaya President Cory Aquino.

Sa akin…..

1.) Kulaw Dilaw

2.) Soft spoken

3.) Coup

4.) People Power

Haktuwali, hindi ko gaanong maalala ang pangyayari nung Peoples Power, kasalukuyang kasing naglalaro kami ng pototoy ko….este….nagkukulitan kami ng mga pinsan ko. Nasa 3rd year  HS yata ako nun. Basta ang naalala ko lang eh masaya ako dahil walang pasok….yahooo !!!!!

Wala pa akong pakelam dito sa isang ale na naka-dilaw at tatakbong presidente at hinihikayat siya nitong mga ulupong na nakapaligid sa kanya. Ang naalala ko lang eh itong anak niyang bunso, ang cute…kras ko…ahihihihi. Si Kris pala yun… nung paglipas ng mga taon eh, lahat yata ng leading man pinatulan, pwera lang yata si Rene  Riquestas….LOLs

Ang naalala ko lang eh yung nag Kup De Ebak sina El Gringo, masaya na naman ako nun dahil alang pasok…LOLs, pero ang isa ko pang naalala noon nung nag coup sina Gringo eh yung mga bala na naririnig namin na sumisirit sa bubungan namin. Nakatira kami sa Praningyake noong mag Coup. Ang bahay namin noon nasa may likod lang ng Casino Filipino. Malapit na malapit kami sa airport.

Habang nakikinig si erpats ng radyo nun, ako naman pinakikinggan ko yung putukan sa airport, at binibilang ko yung mga bala na dumadaan sa taas namn. Tagalang maririnig mo yung bala na dumadaan….parang sa mga pelikula ni Lito Lapid.

Ilang araw ding walang pasok nun, kaya hapi-hapi ang Boy Kulangot….ahihihihi.

Pero nung nakapag tapos ako ng college dun ko naintindihan si Tita Cory. A simple housewife na pinasok ang pulitika para ipakita sa atin kung ano ang demokrasya. Sa anim na taon na panunungkulan niya, nagawa niya ang imposible. Nagawa niyang ibalik ang demokrasya sa Pilipinas, ngunit dahil  sa mga ulupong na nakapaligid sa kanya, ito’y unti-unting namamatay.

Bakit kanyo? Itong mga taong ulupong na nakapaligid sa kanya nung time na iyon eh ito yung mga politiko na uhaw sa power…..mga uhaw sa kilikili power. In a certain point of view, (naks ingles yon), ginamit lang nila si Tita Cory sa sarili nilang agenda. Mga adviser na ang utak yata eh nasa mga burat nila. Kaya nagkarun ng mga policy na palpak ang gobyerno ni Tita Cory.

Kaya nagkarun ng Kup de Ebak si El Gringo noon dahil na rin sa mga palpak na polisiya ng mga advisers niya.

Sayang ang ipinaglaban ni Tita Cory dahil pinapatay nitong gobyerno ni Pandak. Nawalan na naman ang tiwala ng taong bayan sa gobyerno, nawala na naman ang tiwala nila sa justice, katakot-takot na korapsyon, nakaw dito nakaw doon……sayang at wala na ang isang Tita Cory na magmumulat ulit sa mata ng mga tao para ipaglaban ang tama, ituwid ang baluktot na *toot-toot* ng mag amang Mikey Mouse…LOLs

Paalam Tita Cory….ikaw ang naging simbolo ng isang huwarang ina…ang simbolo ng Inang Bayang Pilipinas. Salamat sa iyong mga sakripisyo, sa mga ipinaglaban ninyo para sa aming mga ordinaryong mamamayang pinoy.

Alam kong wala ng hihigit pa sa iyong mga nagawa at layunin, ngunit sana meron uling isang katulad mo na haharap at tatayong muli para sa mga tao. Hindi yung mga tulad ng oposiyon ngayon na panay dakdak lang, kung baga sa asong kahol ng kahol hindi naman nangangagat dahil walang ngipin. Sana meron isa pang katulad mo na magtuturo sa tao na muling lumaban sa pangaabuso.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: