Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 3, 2009

Paras

Hindi po si Benjie Paras ang tinutukoy ko.

Ito po ang tawag namin dun sa isang napatira sa lugar namin mga ilang libong taon na ang nakakaraan dahil kamukha niya si Benjie Paras.

Tuwing naaalala ko yung mga nangyari noong mga panahon na yon eh natatawa na lang ako sa mga kalokohan namin ng tropang kulangot……

Singgol pa ako nun. Hindi pa kami kasal ni Labidabi ko noon. Kasama ko ang tropang kulangot as usual hapi-hapi na naman. Natatandaan ko nun, nagpunta kami sa Irasan sa may San Dionisio. Sarap tumoma dun. Iba pa ang itsura ng Irasan noon, talagang dampa lang na may maliit na pwesto ang mga kainan.

Itong si Paras dayo lang sa lugar namin. Kung baga nangungupahan lang sila dun. Maraming asar kay Paras dahil ubod ng hangin ang unggoy. Saksakan ng yabang tapos yung sasakyan niya nakahambalang lang kung saan. Wala siyang pake kung saan man niya i-park yung sasakyan niya. Minsan ipa-park niya dun mismo sa drive-way ng isang tropang kulangot kaya asar na asar si Boy Balat eh. Itong si Boy Balat matagal ko ng tropa ito. Kung kaya tinawag na Boy Balat eh……wag na nating alamin kung nasan ang Balat niya….ahihihihihi

Ayun nga, kasalukuyan kaming tumotoma sa may Irasan, ng mabanggit ni Boy Balat si Paras. Talagang asar talo itong si Boy Balat, kaya sabi namin hayaan nya lang.

Nung pauwi na kami galing sa totnakan….este…sa tomaan eh nadaanan namin yung sasakyan ni Paras nakahambalang na naman sa kalye. Ng mga oras na yun siguro mag aalas-dos na ng madaling araw at sa araw na yun kung bakit walang ka tao-tao sa street namin. Kadalasan kasi hindi nawawalan ng tambay sa kalye namin, 24 hours ang tambay dun eh pero sa pagkakataon na yun walang tao.

Sabi ni Boy Balat “sadali lang ha may kukunin lang ako….”, Aba… pagbalik may dalang Break Fluid, at sabay binuhos dun sa hood ng kotse ni Paras. Yung ibang tropang kulangot gusto ring pagkadiskitahan yung kotse ni Paras. Si Boy Putol, (na naging bilas ko),may dala dalang Industrial Cutter. Itong cutter na ito saksakan ng tibay. Hindi kagaya ng ordinaryong cutter.

Hala, sabay tinusok yung gulong, buti na lang hindi sumabog, sumingaw lang ng konti….nang sumisingaw na, sabay hiniwa paikot yung gulong. Aba sabi ko bakit kayo lang…ako rin…LOLs. Yung apat na gulong binutas din ng mga walanghiya…LOLs.

Ayus sabi namin, walang pakikinabangan sa gulong, siguradong magpapalit ng apat ‘to…..at naguwian na po ang mga walanghiyang tulisan…..

Eto na po….kinabukasan nagwawala si Paras. Buhusan ba naman ng Brake-Fkuid ang hood tapos butasin ang apat n gulong eh, hindi ka pa magwawala…..LOLs

Kaya naman kami tawa ng tawa ang mga napagbintangang tropa yung mga tropang adik na tamabay kami naman akala mo nga anghel na bagong gising at napaka inosente ng mga mukha….LOLs

Itong si Paras kasama yung ibang kapatid niya sinugod yung mga tropang adik at talaga namang suntukan sa kalye, kami namang mga luko-luko eh nanonood lang at nagpupustahan pa kung sino ang unang tatakbo…..LOLs. Walang umaawat sa mga nagrarambol. Tumigil lang sila nung dumating yung mga Barangay Tagay.

Mga ilang araw ang lumipas nag pak-ap sina Paras at umalis dun sa lugar namin. Sa loob-loob namain matapang pala tong si Paras….at dun lang namin nalaman na taga Mindanao pala ito…..

Ilang taon pa ulit ang lumipas, piyesta sa lugar namin, tinawag kami ng tropang adik at inimbitahan kami sa kanilang handaan. Nung may mga amats na kami, hindi ko lang matadaan kung sino sa tropang kulangot ang nagkwento nung ginawa naminsa kotse ni Paras….nagulat ngayon itong mga tropang adik, “Kayo pala ang tumira nung sasakyan ni Paras, mga alangya kayo….kami tuloy napagbintangan….LOLs..”

Pero ok lang naman, sanggang dikit ang tropa namin sa tropa nila. Kung baga respetuhan lang…nirerespeto nila kami…nirerespeto namin sila….

Nung Feb 2009 yung last na dalaw ko dun sa lugar na kinalakihan ko, hindi ko na kilala ang mga tamabay dun. Yung mga tropang adik mga nag mellow na. Hindi na sila tulad ng dati.

At kaming mga tropang kulangot kahit ganitong maloko pa rin, pero hindi na rin kagaya dati. Iba na mula nung magka asawa na kami. Si Boy Balat nasa Australia na, Si Boy Putol may sarili ng farm at negosyo…….ako naman….ganito pa rin….. cute….sabi ng nanay ko yon nung nabubuhay pa siya..LOLs.


Responses

  1. haha natawa ako naimagine ko kung kasama siguro ako sa tropa susulatan ko ng loser ung bintana haha..tapos makikisali ako sa pag flat ng gulong hehe..

    nawala ang panandaliaang alala sa bahay sa nabasa ko dito kuya..salamat..

    kami hindi sinabihan ng cute ng nanay ko kahit maganda hindi rin, hehe..bat kaya ganun hehe..:)

    • Thanks at nagustuhan mo itong kwento ng kalokohan ng tropang kulangot.

      Hay naku sis, masaya ang tropang kulangot noong araw. Basta sa kalokohan…Kung baga ol por wan, wan po ol….LOLs

      Sabi nga ng nanay ang cute ko raw…lalo na pag galit sa akin, parang pakiramdam ko gusto akong ilublob sa kumukulong mantika eh….LOLs

  2. haha sana ka batch kita kuya haha..kaso malabong mangyari ata un hehe,,ka batch mo sila kuya badudz ata eh hehe..

    haha..malamang sa mantika..ang kulet mo nga nung bata ka siguro haha..kaya siguro nagustuhan ni ate labidabi mo hehe..

  3. naku kung naging ka batch kita malamang pareho ka na rin naming mga wirdo….LOLs

    hindi naman ako makulit…wanport-wanhap lang…ahihihihihi


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: