Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 10, 2009

Maaksyong Panaginip

Halos lahat sa atin hindi natin naaalala ang ating panaginip. Meron naman minsan naalala natin pero hindi lahat yung bang parang butil butil lang.

Kaninang umaga pagkagising ko hanggang ngayon naalala ko pa ang panaginip ko. Pero hindi lahat ng detalye.

Umaatikabong aksyon yung napanaginipan ko dahil isa raw akong…ewan ko kung pulis o sundalo….basta nasa Special Forces daw ako….(hanep ha?)

Ang natatandaan ko naka assign daw ako sa Mindanao pero ang kalaban mga Chinese…(hang labo….LOLs), ayun nga may mga hinahabol kaming mga Tsekwa….(hinahanap ko nga si Ah’Kong baka kako isa sa mga kalaban ko eh…LOLs). Nagsagupa ang grupo namin saka yung mga hinahabol naming mga Tsekwa…tapos nagtakbuhan na raw yung kalaban at hinabol namin.

Ako raw yung point man….(hindi yung nagtuturo nung panahon ng hapon, makapili yon). Basta napunta raw kami sa isang parang warehouse. Natatandaan ko pa yung pinto ng warehouse bakal na kasya lang ang isang tao. Sumenyas daw ako ng hold position, (naks kala mo talagang sundalo ang kulangot). Sabi ko raw ako na muna ang papasok, kasi hindi kami magkakasya lahat dun sa pinto.

Nung pagbukas ko nung pinto na bakal, may isang parang corridor, tapos may parang lumang ref sa harapan ko, dun ako nagtago kasi naririnig ko may dalawang kalaban na naghihintay dun sa end ng corridor.

Eto na kumuha daw ako ng flash bang, tinaggal ko yung pin,  nung hinagis ko na…bigla raw akong nagtaka bakit para trumpo yung hinagis ko, talagang trumpo kasi may pako pa eh….nung pagkahagis ko nawala bigal yung dalawang kalaban, tapos yung trumpo bumabalik sa akin…kaya ginawa ko raw takbo ako palabas….nung nasa labas na ako saka pumutok yung flash bang.

Nung pagpasok namin, hindi na warehouse yung lugar naging parang mga shanties. Tapos may narinig daw akong parang nagaaway na mga bata, pero yung mga bata may mga automatic na baril at aambushin daw kami. So ginawa daw namin ununahan na namin….kaso bigla daw akon natauhan at mga bata yon, Ginawa ko raw ni-reset ko….parang PS2.  Hindi na namin pinagbabaril, ginawa namin hinuli na lang,  nung kinakausap ko na raw….basta natatandaan ko ang tanong ko raw kung ang leader nila si “Yun”….. oo raw…..tapos…..nagising na ako.

Ang gulo ng panaginip ko parang bulbol. Pero maaksyon naman para akong action star….LOLs

Sana sunod kong panaginip kasama ko si Marian Rivera saka si Angel Locsin….ahihihihiihi


Responses

  1. bosing ikaw pala si BOY TRUMPO….the new action hero…LOL

    • LOLs…..feeling ko nga ako si Lito Lapida….LOLs

  2. hay nakow natawa ko sa trumpo paanong bumalik sayo un hingis din ba o pinaikot nung 2 kalaban hehe,,

    ang kulet..di ako naka relate talaga hehe..

    • ako rin sis naguluhan dun sa panaginip ko eh….LOLs

  3. Hmmm parang action star lang ah. Ayos sa panaginip ha maaksiyon talaga. Para ka lang nakikipagbakbakan sa mga abu sayyaf.

    Special Life Events Photography: Capturing life’s special moments for as low as Php 5,000 for 4 hours of unlimited shots and a 20 page photobook.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: