Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 17, 2009

E-Trade Seminar

Hokey, marami akong ihahabol na istoya sa inyo dahil ilang araw akong hindi makapag log-in dito sa wordpress.

Last Thursday, August 13, 2009, sabi sa akin nung GM namin na ako na raw ang umattend ng seminar tungkol sa E-Trade ng Al-Rajhi Bank. Kasama ko yung isang boss-bossan at nag punta kami sa Sunset Beach Resort.

Maaga pa lang mga 8am umalis na kami dito sa lugar namin papunta dun sa location. At dahil sa dalawa kaming walang kaalam-alam kung paano makapunta dun eh kung saan saan kami napunta, although may hawak kaming location map eh itong kasama ko na siyang nagda-drive ayaw makinig sa akin at mas marunong pa sya dun sa mapa, kaya hayun paikot-ikot kami, buti na lang hindi ako nahilo…LOLs

Pero sa kabutihang mariang-palad eh nakarating din kami sa Sunset Beach. Sayang nga hindi ko nakuhanan ng mga pektyur yung lugar. Ang danda danda dun. Kung baga parang 1st class na resort. Isa siyang malaking compound. Pagdating na naman sa loob ng resort paikot-ikot na naman kami dahil maraming mga building sa loob. Para kaming mga taga probinsya na bagong salta sa Manila….LOLs

Buti na lang may isang kababayan tayo dun na a-attend din ng seminar at alam nya kung saan yung building.

Pagdating namin winelkam kami ng mga Bank Respresentatives at nagsigawan sila ng “Raise da Roof!!!!” …joke lang. Kami ang unang-una na dumating. Kasi sa invitation 9am, yun pala ang simula ng seminar 10:30am pa. Buti na lang may mga pagkain na nakahanda….breakfast. May coffee…mga crossaunt…(tama ba ispeling ko?). Basta nilantakan ko yung breakfast, gutom ako eh, hindi pwede yung hiya-hiya…LOLs

Eksaktong 10:30am nagsimula yung seminar…..

Unang nagsalita yung Regional Manager ng Al-Rajhi Bank. Magaling magsalita, malakas ang PR ng kolokoy kaya siguro naging Regional Manager yun.

Eto na dumating na yung presentation. Itong Seminar eh tungkol sa E-Trade na prino-promote nila. Pinakita nila yung bagong system nila na via website na lang makakapagfile ka ng ng Letter of Credit at kung anu-ano pang mga ek-ek chenes na yon.

Itong nag papakita ng presentation eh Indiano……anaknijanice na yan….ang bilis magsalita, alam nyo naman ang mga Indiano kung paano magsalita. May mga punto sila na parang tataas-bababa yung tono tapos napaka bilis. Buti na lang yung utak ko eh naka full charge at yung nasa screen na malaki kahit yun lang ang tingnan ko nage-gets ko yung ine-explain ng kumag na Indiano.

Heto na kanyo….wala pang five minutes dun sa presentation, yung mata ko bumabagsak na…LOLs Kung pwede ko lang lagyan ng toothpick para wag sumara yung mata ko gingawa ko na, kaso baka naman matusok yung mata ko……ang masaklap yung Regional Manager nandun sa tapat ko at panay ang hikab ko…LOLs. Sasabihin ko sana dun sa Regional Manager na ipag training muna nula ulit yung mga nagbibigay ng presentation at montonous ang dating. Parang robot ang pootah….

Buti na lang hindi umabot ng isang oras yung presentation at talagang inaantok ako…LOLs. Pagkatapos ng seminar sabi nung Regional Manager….”Pektyur-pektyur !!!!!”

Yung isang Al-Rajhi Rep, Indiano din, na naka coat and tie, hindi ko alam kung ano ang papel dun basta nakatayo lang siya at nung narinig yung picture taking eh akala mo yung mga congressman sa atin na basta may photo-op eh bigla na lang sumusulpot….LOLs, taka ko biglang nandun sa harapan at todo smile, sarap batukan…..talagang nakipagsiksikan siya para makuhanan ng picture, kasehodang manulak siya basta makita lang sa picture yung pagmumukha niya.

Eto ang de best pag umaattend ng mga ganitong mga seminar……..Open Buffet. Ang lunch nandun sa isang part ng resort na kita mo yung dagat. Ang ganda ng view, sayang talaga hindi ko nakuhanan ng picture. Tapos makikita dun sa labas may mga yate sa mga jet-ski. Pero dito lang sa Saudi na kapag summer walang katao-tao sa beach…..siguro dahil sa sobrang init ng tubig pag lumusong ka para kang manok na binanlian….LOLs

At ang lunch…mapapa-HUWAW ka talaga…..sobrang dami, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kunin eh, sa sobrang takam…LOLs

Naka dalawang kuha ako ng pagkain…..tanga-tanga ko nga eh, inuna ko yung kanin sa may chicken at kung anu-ano pa….nung natapos ako, kuha naman ako dun sa kabila…yun pala mga appetizer yun. Nahuli yung appetizer….LOLs….napaghahalata hindi ako sanay…Babalik pa sana ako kaso tinamaan ako ng hiya…..may natitira pa namang hiya sa katawan ko…..LOLs (naghahanap nga ako ng plastic eh….nyahhh…ha..ha..ha…)

Sabagay talagang hindi ako sanay sa mga ganitong kainan. Sanay ako dun sa kainan sa may palengke namin….

All in all eh sulit naman ang seminar, may natutunan na ako….busog pa sa tsibog.


Responses

  1. kamusta kuya sa pag log in mo hehe..ayaw pa rin ba ehhe..

    • naka tsamba ako ngayon…..yaheeeyyy !!!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: