Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 23, 2009

Computer Operator

May bagong pasok na naman dito sa office……Indiano. Haktwali eh part-timer lang ito, siya ngayon ang aming kitchen technician…..in short sya ang aming tea-boy.

Yung aming dating tea-boy eh nagbakasyon at umuwi na ng Bangladesh.

Kahapon habang nagtitimpla ako ng kape ko, (hindi ako nagpapatimpla ng kape sa iba), eh naisipan kong tanungin kung ano ang trabaho niya, yung talagang trabaho niya.

Sabi niya “Computer Operator” dito lang sa malapit sa building namin. Tinuro niya pa kung saan. Sabi ko “ah OK ” alam ko yung company niya.

So sabi ko ano naman ang ginagawa ninyo dun……anong klaseng “computer operator” kako, kasi dito maraming klaseng computer operator…halimbawa data entry o kaya kung sa ospital yung sa reception may mga computer operator din sila….

…sa loob loob ko baka kako yung CAD Opertor ito…papaturo ako sakasakali….

Boy Kulangot : “So my friend, what kind of work you do in your office?” tanong ko sa kanya…

Boy Indian : “ah…. I do fax…xerox….”

Boy Kulangot : “Ok that’s good” sabi ko at tumalikod na ako…..at tumuloy na ako sa opis ko at hindi ko napigilang tumawa….

Naalala ko tuloy yung nasa Al-Majal pa ako nung 2000. Nung dumating kami sa airport ay sinalubong kami ng isang supv tapos may kasam din siya.

Pareho silang mga naka coat and tie…tapos dinala kami sa Head Office dito sa Al-Khobar. Syempre baguhan kami nakipag kwentuhan kami dun sa bisor saka dun sa kasama niya.

Nakalipas mga ilang araw, syempre kasa-kasama namin sa compound yung bisor saka yung kasama niya na kapag may problema kami lalapitan namin yung bisor o kaya hahanapin namin yung kasama niya….

Tangningning na yan……kamukatmukat namin eh yun palang kasakasama ng bisor eh janitor pala…..akala namin bisor din dahil kung utus-utusan kami….muntik ng maumbag nung isang pinoy eh…tawa kami ng tawa…na denggoy kami…LOLs

Ito kasing ibang lahi gaya ng Indiano, Bangladesh, Pakistano…..makahawak lang ng martilyo at pako…Engineer na. Makaharap lang sa Computer….IT na.

Pero kapag hindi nila alam mga pinoy ang gumagawa…..napapailing na lang kami….


Responses

  1. bosing mag ko coat and tie ka kasi pag naglalakwatsa ka para makautos ka din tapos di mo alam nautusan mo vice president pala ng kumpanya mo..hehe..unahan lang yan…ingat po!

  2. hi sel…

    naghahanap nga ako ng barong tagalog eh…para tongresman na tongresman ang dating…LOLs

  3. haha..natawa ko dun sa fax xerox ung ginagawa eh di naman un compyuter hehe..adeek ..

    kuya may trabaho ba jan baka pwede mo ko ipasok kahi t taga timpla ng kape (seryoso to)

    • (hindi pa rin ako makapag login…..#$%^*%)

      meron naman sis kaso majority eh por da boys only. meron din naman para sa mga ladies kaso karamihan sa ospital…(nurse o kaya sa sanitary)

      sa totoo lang sis last ko na ito, tatapusin ko na lang ang contract ko at babu na ako. hindi na maganda dito sa saudi at ang baba ng palitan, not worth it anymore.

      ang puntahan ngayon sa dubai o kaya sa singapore.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: