Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 2, 2009

The Lloyd Christmas Look

Parang ang gulo ng title ng aking post.

Ganito kasi nangyari kagabi……

Pagka out ko ng mga bandang 12mn naisipan kong magpagupit ng buhok kasi naman pipol, ang haba na ng hair ko….pwede ng itirintas.

Parang hindi na bagay sa akin ang long hair, kasi lumalapad na ang aking runway sa tuktok oo nakakahiya man pero aaminin ko na lumalapad na ang noo ko. Ganito talaga ang mga cute…(huwaaattt !!!!!)

So nagpagupit ako malapit sa national housing namin. Ang problema, Indiano ang nang gugupit. Dati kasi doon ako sa Khobar nagpapagupit sa Pilipinong barbero kaso wala na yung barber shop na iyon.

Kaya heto inaabot ng isang taon bago ko maisipang magpagupit. Nung nakaraan ngang uwi ko 2 years hindi ako nagpagupit, hala ang long talaga ng hair ko…..

Last night is da night, nagpagupit ako…..

Kilala ko naman yung barberong Indiano, kasi kapag dumadaan ako pauwi, laging kabiruan ko yon kaya kampante ako sa kanya magpagupit, ganun pa man may agam-agam pa rin akong nararamdaman dahil hindi ako sanay magpagupit sa hindi pinoy.

Sinimulan na ni kumag ang mangupit……gupit dito…gupit doon…after ng mga ilang minuto huminto at umupo dun sa sofa at nagtimpla ng tsaa….$%^#&&^^ !!!!

Iniwan ako ng bwisit na yun……….hinayaan ko lang, trip nya eh, pero syempre tayong mga pinoy hindi sanay sa ganun, sa atin hindi hihinto ang barbero hanggat hindi natatapos. Etong si kumag nag relak pa….asus koooo !!!!!

After siguro ng mga five minutes na pagiinom ng tsaa, balik sa pag gupit ng buhok ko…..siguro inabot din ng mga 30 minutes or 45 minutes ang pag gugupit niya sa akin.

Alam nyo ba kung ano ang kinalabasan ng buhok ko???

Parang ganito…..

carrey_dumber

$*()^&*^$%^##$ !!!!!…..

Asar na asar ako…buwisit na yun ginawa akong katulad ni Jim Carrey sa Dumb and Dumber o kaya parang yung gupit ng Beatles noong  araw……huwaaaahhhh !!!!!!

Sa inis ko pinaulit ko….di baleng makalbo ako kesa naman magmukha akong ewan…..


Responses

  1. aw

    ok naman yung mukhang beatles hahahhaah

    pero dumb and dumber wag na uy!!

    pero mukang at home sya ah nagbreak time pa.
    sana nagturo ka ng style sa isang magazine para ginaya nya. hahaha

    • eto nga may dala akong gitara eh…panay tug-tog at kanat ko ng Beatles song….

      (tu da tyun op We are the World)

      Bahay Kubo, kahit munti…
      Ang halaman doon ay sari-sari…

      YEEEBAAAHHH !!!!

      napapraning na akooooohhhh !!!!!

      LOLs

  2. haha..i like jim carey kaya di na maasar sa buhok mo kuya kung katulad ng buhok ni jim carey ang buhok mo ngayon haha..naiimagine ko tuloy haha..

    • pinaayos ko na yung buhok ko…talagang naiiyak ako pag nakikita ko sa salamin eh.

      Biruin mo, inayos ko na…i mean sinuklay ko na ng maayos, nung ok na napangiti ako…biglang nabasag yung salamin….graaaabeeehhh !!!!

      Hayaan mo sis maghahanap ako ng talagang picture ko at ipo-post ko dito, hwag lang kayong magpapanik ha….baka akalain nyo si Richard yung tinitingnan ninyo….hindi….

      hindi si Richard Gomez o si Richard Gutierrez….

      Si Richard Merk pwede pa….LOLs

  3. lols ang kulet hehe..
    naalala ko un si merk wala kasi syang ngipin ata sa baba o sa taas basta para syang matanda haha..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: