Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 8, 2009

Ang Boypren kong Seaman

Teka lang, magkaliwanagan muna….

Hindi po ako ang may boypren na seaman kundi yung aking kaibigang nurse na bebot, (promise, prens lang kami).

Kuyakuyakoy ako ng mga iyun. (anong kuya-kuya….??? TUWAD !!!!!) Pag kailangan ko ng datung tatawag lang ako sa kanila kung pwedeng magbenta ng dugo, at pag sinabing hokey punta ka, punta na ako, ilang oras lang may 500 riyals na ako. Aba nasa six tawsan petot din yun……kaya nga lang eh medyo mahilo-hilo ako nun pero ok lang dahil at least every six months nagpapakuha ng dugo para napapalitan at maging active yung ating hemoglobin, (advise ng mga doktor kwak-kwak yon).

Heniwei, nung isang gabi mga around 2am ng madaling araw may biglang tumawag sa akin at yun nga ang aking kaibigang nurse na bebotski, tawagin natin siyang Nurse Emo, hindi daw siya makatulog at panay ang emo niya dahil ilang bwan na raw hindi siya tinatawagan ng kanyang boypren na seaman.

Sabi ko naman baka alang load, hindi raw kasi Smart daw yung gamit. Sabi ko naman Smart pa parating may problema sa signal yun. Marami akong hakahaka kung bakit hindi nakakatawag yung BF niya. Kako baka na kidnap na ng mga Somali Pirates…LOLs.

Pero heniwei, pinapalakas ko lang ang loob niya sabi ko baka dahil nasa gitna ng laot yung boypren nya eh alang signal dun. To make a long story short eh nagchikahan kami to da max na inabot kami ng 4am na yata yun at may duty pa siya ng 7 ng umaga.

Panay ang sabi niya na may tiwala naman daw siya sa BF niya.  Medyo masalimuot ang lab istori nitong aking kaibigan eh. Biruin ninyo sa telepono at YM lang sila nakakausap mula ng maging sila…???? Hanu ba yun…?? Para namang kulang na kulang…bitin na bitin yun….pero ganun pa man eh head over heals itong si Nurse Emo.

Sabi daw sa kanya, pangako ni seaman eh, tatawagan daw siya, pero hayun hanggang ngayon eh 6 months na raw ni tawag wala. Nagte-text na raw siya sa smart nung seaman pero alang reply.

Ang aking advise sa kanya eh humanap na ng iba, ayaw naman niya…….hay naku buti na lang at wala sa tabi ko itong si Nurse Emo at baka nasabunutan ko na…..LOLs

Buti na lang at may asawa na ako kung hindi…….nakatikim sa akin ito ng sisid marino…..LOLs

(Ah’Kong : oooyy !!! oooyyy !!!….ikaw umayos-ayos BK baka ikaw akyen sumbong iyo labidabi at ikaw putulan iyo kaligayahan….hmp !!!!)

Aba…Ah’Kong nabuhay ka??? !!! San ka ba nagsusuot at ngayon ka lang nagpakita…..???

Ah’Kong : “Dyan lang ako..tabi-tabi……ako meron side line…ako bigay selbis kay Mrs Al-Ibrahim……ahihihihihihihi !!!”


Responses

  1. haha..dapat ngang kalimutan na ni nurse emo yung seaman loloko na un malamang may pamilya na un..kaya di na sya tinatawagan sus..makaramdam na sya noh..ang o.a nya..dah?

    haha..namiss ko si ahkong ah ehhe..may side line pala kaya nawala hehe..

    • LOLs….sinabi mo pa sis….ewan ko ba dito kay nurse emo at nagpapakalokah dun sa seaman eh marami namang mga nanliligaw na mga engineer…….

      honga medyo bisi bisihan si ahkong ngayon at nangangailangan ng datung…LOLs

  2. i refer nyo po yan ke Papa Jack sa Love Radio magaling magbigay ng payo yun…hehe..
    http://www.eradioportal.com/index.php?p=7&type=2&sec=4&aid=219#STS=fzknxgz6.1o3l

    try nyo po pakinggan kung di nyo pa po sya kilala…malilibang kayo dyan kuya..oras nyan e 9 pm to 2 am manila time.

  3. http://www.imeem.com/people/xItKmx/playlist/D3Tpvsrb/papa-jack-tlc-wild-confession-series-music-playlist/

    yan po sampl kung di nyo pa sya narinig..

    • salamat sis, hayaan mo ipaalam ko sa kanya….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: