Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 23, 2009

Ang Pagbabalik….

Hay salamat at sa wakas eh nagkarun ako ng pagkakataon na makapag-log in sa wordpress….talagang hindi ko na alam ang problema kung bakit ang hirap makapasok sa wp. Lahat na ng posibleng scenario eh naisip ko na…at iisa lang ang naging konklusyon ko…. na ang palaka pala pag pinutol ang lahat ng paa……nabibingi….

Hay naku, nakapag bakasyon din sa wakas at talaga namang sinulit ko ang pagpapahinga. Akala ko nga habang-buhay na akong nakapahinga….(oist wak ganyan….nak on wud…bictor wud) ahihihihihi….

Grabe naman kasi ang trabaho namin during Ramadan….biruin nyo nung last day ng Ramadan, bago mag Eid eh nakauwi ako 5:30 am na….sikat na ang araw. Ganun pala feeling…parang naranasan ko nararamdaman ng mga GRO pag umuuwi galing sa trabaho at may araw na…LOLs. Heniwei ayun nga, nung September 18, bandang 10pm, pinapunta ako dun sa shop namin at as usual bagger boy na naman ang role ko. Hindi sa nagrereklamo ako, enjoy nga eh, daming nag gagandahang mga tsikababes, enjoy na enjoy si Ah’Kong….LOLs

Nung bandang 3am na, (oo ganun ka ganid sa pera yung nagpapatakbo ng Shop), kinolekta ko na yung mga coupon. Itong mga coupon na ito parang regalo ng company namin sa mga  tao. Free yun, depende sa halaga ng nasa coupon, ganun din ang makukuha sa loob ng shop, gaya ng mga damit, pantalon….basta lahat ng nasa loob ng shop basta may coupon kahit anong trip nilang kunin.

Itong coupon na ito eh 4 days naayos ko na. Naka bundle na siya ng 100 pcs. Hindi ko sukat akalain na nagkamali ako sa isang bundle, sumobra ng ilang pcs kaya hayun, binilang ko na naman lahat, as in lahat. Eh ilang piraso din yon, nasa 3,000+ din. Hayun kahit antok na antok na ako, pinilit ko pa ring tapusin. Anyway nung araw na yun, (Sep 19), wala ng pasok.

Ang masaklap at talagang kinaiinis ko, wala man lang binigay sa amin na compensation. Kahit pagkain man lang. Sa totoo lang itong company namin eh, hindi nagbabayad ng over-time. Wala na akong magagawa dun, nandito na ako eh. Go with the flow na lang. Pero sana naman kahit pang inom nag bigay sila kaso wala….zero…tapwe !!!

Ganun pa man eh, pag uwi ko ng aming full-haus eh, hindi agad ako nakatulog kasi parang pakiramdam ko para akong naka-shabu, nawala yung antok na nararamdaman ko. So ginawa ko, ininit ko na lang yung mga tirs-tirs na pagkain ko sa ref. At lumafang ako ng husto, ngasab…nguya….

Pagkakain, pahinga muna sandali…….siguro nakatulog ako mga 9am na siguro nung.

Sa 3 days na bakasyon na yun, nasa bahay lang ako. Hindi naman ako makagala man lang dahil ala pang sweldo, syempre pag pupunta ako ng Khobar eh kailangan kahit pang suwarma man lang meron.

Hala…Debede marathon ang nangyari sa akin. Yung mga lumang movies ko pinagtyagaan ko ulit panoorin. Meron naman akong nabiling isang debede na halo, may tagalog, may english….14 movies lahat yun. Nagsawa ako…kahit hindi maganda yung iba pinagtyagaan ko. Pati si Ai Ai delas Alas saka Robin Padilla pinagtyagaan ko na rin.

Una kong pinanood dun yun kay Aga Mulach…..(kilig…LOLs) Idol ni labidabi yun eh. Sabi nga sa akin ni Labidabi pag nakikita nya raw si Aga…naaalala niya ako….(Ganun ??? !!!! Teka lang ha….parang biglang lumindol dito eh….)

So ayun nga, ang akala ko ito yung movie nila ni Kristine Hermosa, maganda yun eh…yun pala si Anne Curtis….When Love Begins yata title nun. Ampootsa….hindi bagay si Aga saka si Anne, parang mag tatay…LOLs Kung sino man ang writer at casting director nung pelikukla na yun, kailangan pang mag aral….Ok na sana ang story kaso ang acting ni Anne ang nakaka asiwa…one sided, walang depth, walang character development…walang..walang….HIMALA !!!!!

Sinunod ko yung Ploning ni Judy Ann, hindi naman talaga ako mahilig manood ng tagalog, depende sa palabas. Na kiyusriyus lang ako dito sa Ploning kaya pinanood ko. Hindi maganda yung copy na nakasama dun sa DVD, (actually lahat cinema copy lang), pero dahil sa wala naman akong mapanood na iba. Sige lang….

Ploning is one of the best tagalog movie na napanood ko. Lahat ng character makakarelate ka. Lahat ng actors ang gagaling, specially yung lumabas na batang Digo. Natural na natural yung acting nung bata…..na hindi naman talagang artista yun. May rumors nga na may part 2 daw yun…..”PIOLING” ang title…bwahhh..ha..ha..ha..ha..ha…

Ang importante naman eh, nakapag pahinga ako kahit bitin yung 3 days. Ok lang dahil may susunod pa….yung HAJJ, (November naman yun)….hintay hintay lang….


Responses

  1. kuya san kaya makaka download nyang ploning na yan kahit si otep sabi nya panaoorin ko raw eh..
    makaka relate daw kasi ko hehe..

  2. hanap ka lang sa net….marami namang download sites na libre…yaan mo maghahanap ako tapos fwrd ko sa iyo ang link.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: