Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 24, 2009

Ang Inang Kalikasan

Gaano ba kahalaga ang Kalikasan sa atin? Gaano ito kaimportante?

Nung ako’y nasa elementarya pa lang, itinuturo na sa amin ang importansya nito. Kailangan may balance. Itinuturo din sa atin noon na kailangan nating alagaan ang kapaligiran.

Noong araw, circa nayntin kopong-kopong, (naihwento ko na yata ito, pero hwento ko ulit), nung nasa may Parañaque pa kami, sa Sto Niño, malapit lang kami sa dagat. Yung Coastal road ngayon, noong araw white sands yan. Kung ano ang Boracay ngayon, ganun din ang dagat sa Parañaque noon.

Magandang maganda ang lugar na yun nung araw. Laging may syuting nga palikula dun sa lugar na yon. Parati kaming sinasama ng tyuhin ko, kasama mga pinsan ko dun sa Don Galo, dahil sa kabila lang nun yung dagat. Namumulot lang kami noon ng mga alimasag, halaan at kung anu-ano pang laman dagat. Mayaman din sa mga isda yung lugar na yun, (syemple isda…alangan naman baboy iyo kuha dun, dagat kaya yun….)

Anakngteteng…umentra ka na naman Ah’Kong….pero may tuldok ka dun….

(Ano tuldok…?)

Point….!!!! Syarap !!!!

Nasa na ako?

(Hini ka naman alis ah?)

Bwusit ka wag mo nga akong gambalain dito at nagwe-hwento ako…..

(o sige ako alis na muna….)

Pasensya na mga prens at nagambala tayo….teka san na ba hwento ko…?

Ayun nga maraming nahuhuling mga isda dun……..

Pero ngayon, wala na….ito ba ay dahil sa progress o dahil sa kapabayaan ng mga tao?

Kaya ako nagentry ng tungkol sa kalikasan eh nabasa ko yung sinulat ng kablog nating si Dencio, nakakalingkot na yung Philippine Eagle na nasa endangered species eh walang pakundangang pinagbabaril….for what? For enjoyment?

Hindi nyo ba napapansin dahil sa mga ginagawa ng tao sa kalikasan, ito ay gumaganti na sa atin? Hindi nyo ba napapansin ang panahon, ang klima, nagbabago na? Itong taon lang na ito ilang Hurricane na ang tumama sa US? Ilang bagyo na ang sumalanta sa Pilipinas? Yung yelo sa Antartic natutunaw na, at mabilis ang rate ng pagkalusaw niya.

Yung mga pagbaha sa Metro Manila kasalanan din nating mga tao kung bakit nagkaganun. Noon naman hindi bumabaha sa Manila. Pero ngayon tumulo lang ng konti ang ulan baha na? Bakit? Dahil sa mga basura na itinatapon kung saan saan.

Wala akong tiwala sa gobyerno natin, pero sa tingin ko hindi kakayanin ng gobyerno ang ganitong problema kung sila lang ang kikilos. Dapat tayo ring mga mamamayan, tumulong tayo sa pag lutas ng ganitong problema. Tingnan ninyo ang Manila Bay, sa gabi maganda pero kung titingnan ninyong mabuti nagkalat ang basura sa dagat na pumapatay sa kalikasan natin.

Paano tayo makakatulong? Simple lang…..

Simulan natin sa bahay. Tayo na mismo ang magsegregate ng masura natin. Ihiwalay na yung mga Natutunaw sa Hindi Natutunaw. Tapos maging aware ang mga tsikiting natin sa mga bagay na importante tungkol sa kalikasan at kapaligiran.

Alam nyo ang iniisip ko? Paano na ang mga susunod na lahi ko kung wala ng dagat na pwede silang makapag swimming? Wala ng sariwang isda, dahil processed foods na ang kakainin nila. Isipin ninyo, yung mga susunod na henerasyon ninyo, hindi na makakakita ng Philippine Eagle na buhay dahil extinct na. Sa pictures na lang nila makikita o kaya yung animatronics na lang.

(Teka..teka lang…ikaw ba tatakbo senador o tongresman at ganyan ikaw salita ngayon….akyen pansin iba ikaw trip ngayon ah….ikaw ba singhot ipinagbabawal na utot…ha?)

Si Ah’Kong naman…..nagiging concern lang ako dahil kung titingnan natin, malala na talaga ang problema….sige ikaw din baka pag dating ng araw pag umutot ka bigla ka na lang sumabog….LOLs


Responses

  1. hehe..ang epling ni ahkong..oppsss baka di ako bigyan ng pasalubong hehe..

    nabasa ko ngayon naisip ko nga paano na ang susunod pang lovely hehe..kahit ako nga di pa nakaligo eh est e nakapag swimming sa dagat ulit hehe..

    naiisip ko rin di kaya tatakbo ka rin hehe..kakalabanin mo si noynoy hehe..

    • uu sis balak kong tumakbo……

      ng hubo’t hubad kasama yung mga taga-UP Oblation….LOLs

      seryusli, eh napaisip din lang ako. di ba? dapat mag contri din tayo para maayos ang kalikasan natin, para din naman sa atin yun at sa mga susunod pa sa atin.

      kaya iboto si Boy Kulangot for Barangay Tagay…LOLs

  2. Me pagkakamali din ako sa environment. Burara at tapon kahit saan ako minsan. Pero di bale me time pa to change.

    iwan ako ng link ha: http://dormboy.wordpress.com

    • salamat dormboy…add na kita sa tropa.

      and yup, tama ka hindi pa huli ang lahat. kaya pa nating tumulong. haktwali, may nabasa akong libro tungkol sa mother earth. na ang mundo natin kusang inaayos yung sarili niya pero ilang libong taon naman ito bago siya maayos.

  3. agree ako, magsimula muna sa bahay. pero kung mas may alam ang anak kasi yun ang natutunan sa eskwelahan ay pede namang i-share sa magulang para alam din nila.

    tama? kasi minsan ang mga parents ay hindi din aware e.

    well said kapatid na ahkong. at buti hindi masyadong umuusok ang ang ulo mo dito hahaha

    • hindi pa naman umuusok…..medyo pa lang LOLs
      pero sana sa nangyari nga nitong kay Ondoy eh magising na tayo lahat.

  4. di pa huli ang lahat. magagawa pa natin isalba ang natitirang likas yaman

    • uu naman kaya pa natin ito.

      para naman sa susunod na saling-lahi ito.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: