Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 28, 2009

Si Ondoy at ang Holdaper

Alangya din naman itong ibang kababayan natin…..parang si Ondoy. Bigla na lang nananalakay at nananamantala.

Sa kasagsagan ng ulan eh nang holdap pa itong isang lalaki sa Pasay City. Pero nahuli naman ang walanghiya. Buti na lang malakas ang loob nung 19 y/o na bebotski at nanlaban kaya nakatawag pansin sa mga tao dun.

(Read full story here)

====================================

Tinawagan ko si labidabi ko at ok naman daw sila dun sa probinsya, bumaha din daw pero hindi naman daw kasing grabe tulad sa Manila. Yung sa mga biyenan ko sa Sta. Rosa Laguna ang nalala ko nung mabasa ko na lumubog din ang Laguna. Ok naman daw sila dun, hanggang bewang daw ang tubig sa kanila. Eh bungalow style yung bahay ng biyenan ko. Pero at least they are fine.

Sigurado ako, kahit hindi ko pa nakakausap yung mga pinsan ko sa Sto Niño, Parañaque, sigurado ako na lagpas tao ang baha dun. Kung lumubog ang Quzon City, siguradong malaki ang tubig sa Sto. Niño, dahil mataas na ang Quezon City eh. Kahit noong araw pa konting ulan lang lubog na sa Parañaque, tapos ganun pa ang ulan. Namatay kasi ang ilog dun sa likod bahay namin dati gawa nung itinayo yung Casino ayun, nung namatay ang ilog lagi na lang lumulubog kasi yung tubig wala ng puntahan na dapat patungong Manila Bay.

Paano na kaya ito, balita na may paparating na namang bagyo….ohmygulay!!!


Responses

  1. haist kuya un lang masasabi ko hehe..
    glad to know na ok sila ate labidabi ..

    • thanks sis, at salamat din at ok kayo dyan. hope na maka recover agad yung mga nasalanta…..

  2. safe daw sa sta.rosa.. dun ang bahay namin e. kaso may nangungupahan na kaya dito kami muna sa lola ko sa Maynila.

    hanggang dibdib ang tubig sa bahay namin nun.. sobra talagang taas yung tubig nun.

    • salamat sa pag daan promking…wala na akong balita sa mga byenan ko. sabi lang sa akin ng misis ko na ok naman daw.

      grabe pala talaga…..

      sa golden city sila nakatira…..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: