Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 28, 2009

The Great Flood – Manila 26 Sep 2009

Grabe itong nangyaring pagbaha sa Manila. (Sinasabi ko na nga ba eh…..eto na!!!)

Nung September 24, yung huling topic ko eh tungkol sa Inang Kalikasan. Heto nga after 2 days, September 26, nagpakawala ang langit ng galon-galon na tubig. At talaga namang ang daming taong nadisgrasya, nawalan ng kabuhayan, may mga nalunod sa sariling bahay, balita ko hanggang ngayon may mga tao pa rin na trap at hindi pa nare-rescue…..

Eto yung pinupunto ng last topic ko…..pag ang Inang Kalikasan na ang gumanti heto na nga kakalabasan.

 Ang isa pang nakakalungkot at talaga namang nakakainis, eh ang ating gobyerno, walang magawa….hanu ba yan… pag dinner na 1 million petot meron pero para sa ganyang nasalanta ng bagyo?……………WALAAAAAAAAA….!!!

Nasaba ko sa newspaper na pagkatapos ng delubyo, after 24 hours nagsalita at nagbigay ng statement si “Buhayin natin ang Bayanihan…..Magtulungan tayo.” Yun lang ang sinabi ng pandak…..wala na.

Sabi ng ng isang Editorial sa Newspaper……………

Sa gitna ng sangkatutak na buwis na kinakaltas sa atin ng gobyerno. Sa gitna ng kaliwa’t kanang singilin na ipinapasa sa atin ng gobyerno, pati na ng malalaking negosyo. Sa gitna ng kaliwa’t kanang pagnanakaw sa pera natin, ito ang kanyang sasabihin. “Magtulungan tayo!”

Bakit ganu’n? Sa hirap kasama tayo. Bakit ganu’n? Sa kalamidad, halika, magdamayan tayo. E, bakit ‘pag malaking bulsahan ng kickback sa mga proyekto ay sobrang sinisikreto sa atin? Bakit ‘pag pagsipsip sa kaban ng bayan, solo nila?

Honga….bakit nga ba ganun?

Nangangapa ang sambayanan. Kanya-kanyang ligtas ng sarili. Kahit anong pagsusumamo, walang nailabas na epektibong tulong at saklolo ang gobyerno sa nagugutom, giniginaw at nangangamba sa buhay na mga biktima ni ‘Ondoy’.

 

At pagkaraan ng mahigit 24-oras ay saka lamang magsasalita ang Pangulo para sabihing, “Magtulungan tayo!”

 

Nagagawa ninyong maghapunan nang P1 milyon sa Amerika pero wala kayong maibigay na rubber boats at relief goods sa mismong araw na kailangang-kailangan ng taumbayan ang saklolo.

 

Kapag panahon ng impeachment at nanganganib sa puwesto si Pangulong Arroyo, isang iglap ay nakakapagpamudmod ng tig-P500,000 sa mga kongresista.

 

Bakit ngayon ay napakabagal ng pagpapalabas ng pondo? Bakit ngayong ang tao ang nangangailangan ay nilipasan nang 48 oras ang pagdating ng saklolo o sa ibang lugar nga ay hindi pa rin nakakarating ang tulong?

 

Nasaan na ang magagaling na gabinete ni Arroyo na kung makapagtanggol sa husay at kabutihan ng gobyernong ito ay mistulang nabubuhay sila sa ibang mundo?

 

Sa palagay ko eh “wake-up call” ito para sagobyerno….at sa atin na rin….

 

Sa gobyerno….dapat na nilang ayusin ang matagal ng problema sa drainage system ng bansa. Paano naman kasi maliit na nga, barado pa ng basura. Paano nila magagawa ito? Subukan kaya nilang wag nakawin yung pera ng bayan at ilaan sa talagang dapat paglaanan ng pera. Hindi ba?

 

Dito sa Saudi hindi naman madalas umulan, kungbaga pag trip lang ng langit….pero ang drainage system dito malalaki…kasya ang isang truck sa loob ng pipe.

 

Heto nakakatawa na nakakainis….parang gusto kong pitikin sa itlog itong si Bayani ng Bayan….na gustong tumakbong presidente ng bansa natin.

Nabasa ko rin sa newspaper ito…..talaga raw helpless ang sitwasyon kaya nga raw hindi siya nagpakita sa media….in short nagtago ang bayani, dahil daw naaawa daw siya sa mga tao at wala siyang magawa? Huwaaattt !!! Yan ba ang gustong maging presidente ng bansa? In time of trouble magtatago???!!!! Dyan pa lang talo na siya……dapat nga hindi siya nagtago, dapat pinangunahan niya ang rescue..ang dami-daming trucks ng MMDA ang daming Heavy Equipment na pwede nilang gamitin…..pero hindi niya naiisip yun? Hanubayang Bayani ng Bayan nabahag ang buntot….

Paano na lang kung yan ang maging presidente natin at bigla tayong nilusob ng mga kampon ng kadiliman ………..ah ewan !!!! Pero nung nanalo siya sa Singing Contest na yun eh nagparada siya sa EDSA na gamit yung mga truck niya….na panay ang kaway sa mga tao !!!!

Wag ka ng lumabas dyan sa pinagtataguan mo….kapal ng mukha mong ikalat yung mga tarpulin mo na nakabandera yung mukha mong nakakainis….tapos sa oras ng pangangailangan ng mga tao, eh nagtatago ka !!!! Panay ka lang pala porma, panay pa-pogi !!! Tawag sa amin ng mga ganyan eh……… BUKATSONG!!!!

Tayong mga mamamayan naman eh matuto na tayong sinupin ang kalat sa paligid natin. Huwag na tayong magtapon kung saan-saan lang. Sa Singapore bawal ang littering…mahuli ka kulong kaagad wala ng tanung-tanong pa. Dapat ganito rin ang gawin sa atin.

Alam kong hindi ganun kasimple ang problema natin. Pero nasabi ko nga na kung pagtutulungan nating lahat kaya natin itong ayusin. Kung magtutulungan ang gobyerno at ang mamamayan eh magagawa nating sagipin ang Inang Bayan….at ang ating Kalikasan.


Responses

  1. okray-saklap!

    • salamat sa pagdaan….

      sana maka recover agad ang mga tao.

      nakakalungkot isipin na lahat ng pinaghirapan natin basta-basta na lang nawala.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: