Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 29, 2009

Bagoong Alamang

Pers op ol, wala pa akong balita tungkol sa bagong development sa Manila. Wala naman akong TFC o yung GMA Pinoy TV dahil kakailanganin ko pang bumili ng Satellite Dish at Decoder bago ako makabitan ng Cable TV dito. Nakaka kuha lang ako ng balita sa On Line Newspaper.

Kamusta na kaya ang mga kababayan natin ? Mukhang matatagalan bago tayo maka recover sa sinapit natin…..daming ari-arian ang nasira.

========================================

Heniwei, kagabi habang pauwi ako napadaan ako sa isang Bakalah, (tindahan). Bibili ako sana ako ng panghimagas. Nung makita ko sa isang shelf…..”uy, bagoong !!!!”

Nakalagay dun sa bote o garapon yata, cooked na siya. Yung para bang nabibili sa mga grocery na Barrio Fiesta bagoong. Medyo mahal nga lang yung Barrio Fiesta Bagoong dahil branded. Tinanong ko kung magkano……SR 10.00 daw….

Huwaaatttt !!!! Mahal naman na bagoong nito….lumalabas na wan twenti petot isang bote….buti pa sa amin sa Bayambang eh 10 petot marami na, masarap pa dahil sariwa dun sa palengke….

Pero anu pa nga ba magagawa ko eh, wala naman iba. Hoke, dahil na rin na sabik akong makatikim ulit ng bagoong eh binili ko na rin.

Heto na ng buksan ko at tikman ko…anakngteteng na yan….ang lansa ng lasa. Tapos walang ka dating-dating….

Ginawa ko, ginisa ko sa bawang, sibuyas, kamatis saka sangkatutak ng sili…..nilagyan ko ng konting monosodium glutamate…..para magkarun ng lasa, konting asukal…..

—tikim—-

HUWAWAWAWAW !!!!! ayus sumarap ang lasa…..yeheyyyyy !!!! kaso may problema ako….

yung isang bote ng bagoong na binili ko eh, pagkatapos magisa, parang dumoble….ang dami nung binalik ko na sa bote niya, puno na yung bote halos kalahati pa yung natitira.

Pero hoke na rin, at least may stock ako. Kahit bagoong lang ulam na…..LOLs

Mahilig ako talaga sa bagoong, pero hwag niyo nang tanong kung paano ginagawa…..lalo na yung patis….baka hindi na kayo gumamit pag nalaman nyo….LOLs

Natatawa ako habang ginigisa ko yung bagoong, dumating yung isang Indiano na kasama ko sa trabaho at ang baho daw…..sabi ko mabango nga eh, mas mabaho ka pa nga dyan eh….LOLs Ano ba daw yung niluluto ko at bakit ganun ang amoy, sabi ko Shrimp Paste yun….tagalang ganun ang odor niya sabi ko…heto tikman mo….ayaw niya…

Pinilit kong ipatikim sa kanya yung naghuhumindig kong……..bagoong, nung matikman tawa ako ng tawa sa pagmmukha eh, di mo malaman kung nakakain ng maasim o ano…LOLs. Pero maya-maya heto na kumakkatok dun sa kwarto ko at penge raw ng konti…LOLs. (teka…teka…parang ang grin ng dating o madumi lang isip ko…ahihihihihihihi)

Binigyan ko naman halos 1/4 yata yung binigay ko sa kanya dahil masasayang lang. Kaya talagang-talaga, ngayon ko napatunayan yung kasabihan na………..

“Kung ano ang mabaho….yun ang Masarap….”

Ayun nagluto ako ng sinigang na baka at yung bagoong ang condiment na gamit ko imbes na yung patis…huwawawawaw…tsalap!!!


Responses

  1. bigla naman akong naglaway kuya ehhe..
    namiss ko tuloy ung padas sa pangasinan saka bagoong hehe..
    haist..sana pag uwi ni papa hary uwian ako haha..:))

    • uu nga…nakakatulo ng uhog…nyaaahhh!!!! LOLs

      pero sis iba pa rin ang bagoong sa atin yung bang nabibili sa palengke na hilaw pa at ikaw na ang magluluto…mas masarap kesa yung mga nabibili sa grocery.

      naghahanap nga ako ng manggang hilaw dito ala ako makita ang nakita ko epol…sinubukan ko….sama pala ng lasa….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: