Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 30, 2009

May Bayani, May Komedi, May Nang Asar at May Naasar

Madami din palang nangyari nung kasagsagan ng Bayong Ondoy. Mayrong naging Bayani ng Bayan (pero hindi ito yung peke…. ito talaga bayani), may nangyari na nakakaawa na kung iisipin eh nakakatawa na rin, mayron namang nag comment sa MukhangLibro na kinaiinis ng sambayanang Pinoy at mayrung nainis dahil asar-talo….LOls

Ang Bayani

Siya si Muelmar Magallanes, 18 years old. Kung hindi nyo pa alam ang story ng kabayanihang ipinakita ni Muelmar, kulang kayo sa balita. Pero malamang alam niyo na ito.

Namatay na bayani sa kalamidad

(Jethro Sinocruz/Lily Reyes)

Lubhang napakalungkot ngunit naging pakunsuwelo na lamang sa isang ama ang kabayanihan ng kanyang anak na namatay makaraang tumulong sa kanyang mga kalugar na humihingi ng saklolo sa Bagong Silangan, Quezon City noong Sabado.

Ang biktimang si Muelmar Magallanes, 18-anyos, ng Calamyong St., Brookside, Bgy. Bagong Sila­ngan, ay ibinurol sa co­vered court ng kanilang lugar kasama ang 28 iba pang nasawi habang binabayo ng ulan at umaapaw ang baha sa kanilang lugar.

Ayon kay Mang Samuel, isa ang kanyang anak na si Muelmar sa tumulong para sagipin ang kanilang mga kalugar.

“Siniguro niya munang ligtas muna kaming lahat at saka siya tumulong sa mga kapitbahay namin. Hindi ko akalain na mangyayari sa kanya iyon, pero kahit papaano masaya na rin ako kasi may kabuluhan ang naging kamatayan niya at bayani siyang maituturing para sa akin,” malungkot na sinabi Mang Samuel.

Ikinuwento ng mga taga-Calamyong na tuwing tinatawag ang pangalan ni Muelmar para humingi ng saklolo ay sinasaklolohan nito at katunayan ay limang pamilya umano ang iniligtas ng binata bukod pa sa paisa-isang tumatawag sa kanya.

Bandang alas-dos ng madaling araw, nakaramdam umano ng pagod si Muelmar kaya minabuti nitong magpahinga muna sa bubungan ng isang bahay pero minalas na bumigay ang pader na kanyang sinasandalan at isang 21 inches television ang big­lang bumagsak sa ulo ng biktima.

===================

Hindi talaga mawawala sa atin ang tumulong sa kapwa sa oras ng kagipitan. Ibinigay niya ang buhay niya para sa isa pang buhay. Sigurado ako na kasama na ni Muelmar ang Diyos dahil sa sakripisyong ibinigay niya.

Tingnan nyo nga naman….. itong si Muelmar hindi nag dalawang isip ng tumulong siya sa mga tao. Sinagip niya ang mga tao na walang pagdadalawang isip at hindi alintana ang sariling buhay.

Itong mga lecheng mga pa-poging politiko eh kailangan may kamera para mapalandakan nila na tumutulong sila. Kailangan pang ianunsyo sa buong bansang Pilipinas na nag padala sila ng mga truck…..yung pondo para sa eleksyon ay ginamit….

Paulit-ulit pang inaanunsyo sa radyo at TV…….nakaka iniiiissssss !!!!!!

Ang pagtulong sa kapwa eh hindi na kailangan pang ianunsyo sa buong bansa, ang pag tulong sa kapwa hindi hinihingan ng kapalit, (na boto?).

Ako pag tumulong ako sa iba, isa lang ang hinihingi ko…..kiss sabay hug…ahihihihihihihi

================================

Ang Komedi

Heto naman eh nung una napangiti ako hindi dahil sa iniisip ko na dapat lang na nangyari sa kanila yun, (wag ganun masama…galit Lord), napangiti ako dahil natatawa ako. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami na pwedeng mag overflow eh yung poso negro pa.

Nakaka-awa rin syempre, pero hindi mo rin maiwasan mapangiti o mapatawa….bakit kanyo? Isipin nyo na lang yung buong bahay nyo naglulutangan yung mga ebak at nangangamoy tae na….yaaaaakkkkkiiiiii !!!!

Jinggoy binaha ng ebak

(Rey Marfil)

Hindi pa man ‘nalilinis’ ang pangalan sa pag-alingasaw ng mga sikretong ibinun­yag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, mas malupit ang inabot ni Senate pro-tempore Jose “Jinggoy” Estrada Jr., sa pananalasa ng bagyong Ondoy matapos bahain ng ebak ang mansion nito.

Mismong si Estrada ang nagkumpirmang sumabog ang septic tank o poso negro sa kanilang bahay habang kainitan ang pananalasa ng bagyong Ondoy kaya’t nangamoy ang buong kabahayan nito

Ayon kay Estrada, inabot ng baha ang kanilang bahay sa Corinthians Garden at umabot hanggang ikala­wang palapag ang tubig kung kaya’t umakyat ang kanyang mag-ina sa 2nd floor upang makaiwas.

Pinakamatinding inabot ng kanilang pamilya, ayon kay Estrada, nang mapuno ng tubig-baha ang basement ng bahay at sumabog ang septic tank. “Sumabog iyong septic tank, sobrang baho,” pagkukuwento ni Estrada.

Kahit anong pabango ang i-spray ng mga kasambahay para maibsan ang mabahong amoy ng duming sumabog mula sa septic tank, nananaig pa rin ang mabahong amoy nito.

====================================

Wala talagang pinili ang Inang Kalikasan pag nagalit. Mayaman ka man o Mahirap, Artista o Politiko o ordinaryong Juan.

Kung iisipin eh…..hindi kaya may ipinapahiwatig sa atin ang nasa taas? Isipin nyo bakit sumabog ang poso-negro para sumingaw ang baho? Gaya ng pinasingaw na baho ni Lacson?

Baka naman naglilikot na naman ang aking imagination…..LOLs

==================================

Ang Nang Asar

Heto sigurado kong alam na alam nyo na itong binitawang komento ng isa sa ating kababayan sa Dubai. Hindi ko na ipost yun basta alam ko na alm nyo na rin dahil kalat na kalat na sa mundo ng cyberpunks yung comment nya.

Marami sa atin ang na-inis, na-asar, na-galit, na-praning sa sinabi nya. Hoke lang komento nya yun. This is a free country?

Ito lang ang masasabi ko…….ipasara mo na sa administrator ng Mukhang Libro yung account mo para hindi ka na nagagawan ng katarantaduhan. Sabi mo na hack yang pagmumukha…este…yung MukhangLibro mo at may naninira sa iyo.

Sister, maraming nagagalit at naiinis sa iyo. Naku hala ka…..lagot ka…..!!!!

==============================

Ang Naasar

Dito ako natutuwa na naaasar sa balita na ito. Sa kasagsagan daw ng Bagyong Ondoy eh itong si Mickey Mouse nandun sa Rustans at bumibili ng alak….LOLs

Mikey napikon sa Facebook

(Bernard Taguinod) 

Hindi naitago ni Presidential son at Pampanga Rep. Mikey Arroyo ang pagkapikon sa mga kritiko ng administrasyon ng kanyang inang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kahapon ay hindi pinalagpas ni Arroyo ang panibagong pag-atake sa kanya nang ilagay sa website ng Facebook ang kanyang la­rawan na bumibili ng alak sa Rustan’s, Katipunan Ave., Quezon City sa kasagsagan ng bagyong si Ondoy

“My picture posted at Facebook with a caption sa­ying I was busy shopping for wine at the height of Typhoon Ondoy is another malicious attack at my personality. It is so depressing,” ani Arroyo.

Sinabi ng mambabatas na imposibleng makapunta ito sa nasabing lugar dahil hindi madaanan ang Katipunan Ave., noong Sabado. “On record, I was in Malacañang at that time with all my family trying to mobilize rescue and relief operations for people of Metro Manila and for my constituents in my district in Pampanga,” dagdag pa ng kongresista.

Bilang aksyon, iginiit ni Arroyo na i-regulate ang Facebook at kahalintulad nito na aniya’y ginagamit na ng ibang tao para manira ng iba.

=================================

Oo nga naman, nandun siya sa Malacañang at naguutos sa mga kawani niya habang suma-shot nung binili niyang alak….kayo naman oh….malamig kaya nung mga panahon na yun sarap tumagay kaya…tapos may inihaw na pulutan….LOLs

Napikon ang Mickey Mouse…bwahhh…ha..ha..ha….

Kasabihan nga pag nagalit….. ibig sabiihin totoo……….ang mainis talo !!!!

Kasi naman kayo rin ang may kasalanan kung bakit walang tiwala sa inyo ang mga mamamayan ng basang Pinas, hayan ha, buong bansang Pinas na yan. Dahil sa mga pagnanakaw na ginagawa nyo at mga kampon ninyo…..hayan tuloy nagalit ang langit at nanalanta si Ondoy….

Nasaan na yung bilyung-bilyong pondo na nakolekta sa Road User’s Tax? Itong pondo na ito ay para sa infrastucture ng mga daan at drainage system ng bansa kasama na ang pondo para malinis ang mga kanal at estero….pero nasaan?

Heto pa ang isa…..ang (pekeng?) Presidente natin eh may Calamity Fund at Contingency Fund. Itong mga pondo na ito ay ginagamit sa katulad ng bagyo, lindol at iba pang natural disasters na tatama sa ating Bayan. Nasaan na rin yung pondo na yon? Dahil sa sobra-sobra sa biyahe at pagpapasarap sa buhay itong First Family kasama yung mga Estribo Gang na tinatawag, (ito yung mga cabinet officials na laging sumasabit pag may lakad ang Pangulo),….ayun nga dahil sa nag over sila ng gastos sa mga happy hour nila eh kumuha ng pondo ang pekeng Pangulo sa Contingency Fund ng 800 milyones petot……isipin nyo yun 800 Milyones, para lang mapagtakpan yung ginastos nila sa sarap-buhay.

Ngayon kailangan ng tulong nga mga tao wala silang maibigay……..nung kailangan ng rescue, walang tamang equipment….pero meron pang dinner na 1 milyon petot…LOLs

Kaya ngayon ang gobyerno natin eh humihingi ng tulong sa ibang bansa….dahil sa…..alam yo na yon…….

Para sa mga nangungrakot sa gobyerno…………ang gagaling ninyoooo..sana kunin na kayo ni Taning…!!!!

Ayan ang Inang Kalikasan na ang nagpakita sa mamamayang pinoy kung nasaan ang Bilyun-bilyong pondo ng Road User’s Tax, ng Calamity Fund at ng Contingency Fund……

…..WALAAAA NAAAAA !!!!!!    UBOOOSSSSS NAAAAA !!!!! (nasa swiss bank account naaaaa !!!!!)

Dapat sa inyong mga magnanakaw sa gobyerno tinangay na ni Ondoy papuntang kung san mang lupalop papunta……mga bwisit kayo….pakshet pusit !!!!


Responses

  1. nyahaha..ang kulet nung poso negro eh noh hehe..ang bahooooo..

    si mickey mouse asar talo haha..totoong bumili talaga sya ng wine hehe..para mag saya hehe..
    hay nakow..sana lang ung ibang bigay na donations ng ibang bansa hindi nila maibulsa..
    haist..

    • sana nga maka-abot sa lahat ng nangangailangan yung tulong na ibinibigay ng ibang tao…..

      di ba nga yung isang news, yung mga nagbibigay ng tulong may kundisyon….magpapadala sila ng tulong pero hindi idadaan sa gobyerno…ipapadala na directly sa mga NGOs at Charitable Institution…..ibig lang sabihin wala talagang tiwala sa gobyerno natin kahit na yung ibang bansa.

      haaay nakowww….dats layp


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: