Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 2, 2009

Tumulong na Siniraan pa.

Bakit kaya ganun ang ibang tao. Pag may nakitang gumagawa ng kabutihan sa iba sinisiraan. Hinahanapan ng butas….(sa ilong o sa wetpu? LOLs)

Gaya ni Richard, tumulong na nga kung anu-ano pa ang nasasabi ng ibang tao. Meron din akong nakitang nag post na pati si Angel Locsin eh ganun din….hanu ba yan?

Kesyo may pelikula lang daw si Richard at Christine kaya gumigimik…..gigimik ka pa ba ng ganun kung buhay na ang naka taya? Siguro may mali rin si Richard….hindi ko alam kung anu ang buong story pero sa nababasa ko bakit daw si Christine lang yata ang iniligtas niya….ang nabasa ko nasiraan si Richard, hindi ng bait ha? yung dala niyang Jetski yata yun, nasira kaya hindi nya na nabalikan yung ibang tao….talagang masisira yun pang dagat yun eh hindi naman para sa baha yun….isipin natin ang baha maraming basura sa ilalim yan, pag yan nahigop ng makina ng Jetski kahit bangka pa yan talagang bibigay…kayo nga makahigop ng basura, eh paano kung ebak ang mahigop…….sigurado masisiraan kayo ng bait….LOLs Kaya nga ang gamit ng mg rescuers eh rubber condom….este….rubber boat kasi nasa ibabaw ang makina nun, propeller lang ang nasa tubig.

Ang nakikita ko lang na mali kay Richard eh dapat hindi jetski ang dinala niya dapat yung kabayo…oh di ba si Zorro….hindi ko lang alam kung marunong lumangoy yung kabayo niya…ayyy ! pwede siguro Seahorse!!!!….LOLs. Hindi pa siya namukhaan ng mga nangiintriga sa kanya dahil naka maskara siya eh…LOLs

Nakuuu !!!!!  tama na ‘tong kalokohan na ito at baka may magalit na naman sa atin………

Seryusli…..hindi natin dapat husgahan ang isang tao na gumagawa ng mabuting bagay. Maling-mali yon. Dapat nga hangaan natin sila…..hindi lang si Richard dapat sa lahat ng tumulong lalo na nung kasalukuyang rumaragasa ang baha. Hindi biro ang itaya ang buhay para sa isa pa.


Responses

  1. basta love ko na sya saka si gerald anderson hehe..
    un lang masasabi ko ehhe..
    di talaga dapat nila husgahan..
    ung mga nanghusga kasi di nakatulong haha..

  2. ayyy aku rin luv ko na rin sya…..ahahahahhaaaayyyy !!!!

    (aba ang kulangot ladlad na palda….LOLs)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: