Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 3, 2009

Anooo !!!?? 2 Years ??!!

“Anooo, dalawang taon ??!!! Ang tagal naman, paano ka nakakatiis…”

Ganyan parati ang naririnig ko pag may kausap ako at sinabi ko kung ilan taon ang stay ko dito sa Saudi bago ako makapag bakasyon.

Actually standard na yan….meron namang ilang company dito na nagpapauwi every year. Pwede ka ring umuwi ng yearly kung ang sahod mo naman eh napagkalaki…gaya ng mga sa engineers…malalaki ang sahod ng mga yan….kung sa petot eh umaabot din sila ng 100taw…+++

Kung sa kagaya kong isang kahig-isang tuka, eh sapat yung 2 years para makaipon ng konting pangphunan sa negosyo kung wala ka ng balak bumalik dito. Yung iba naman kaya nagtatagal dito nag iinvest sila para sa separation pay nila pag nagretire na o kaya ayaw na talaga. Dito kasi pag less than 5 years ang service ang makukuha lang ng isang ordinaryong empleyado eh half ng salary for every year. Kung 5 years pataas…buong salary for every year, kaya malaki rin. Yung kasamahan kong pinoy dati na taga-Mindanao, 17 years siya….hindi ko na sasabihin kung magkano nakuha niya ng mag-exit siya.

Paano ko naman natatagalan ang mamuhay ng mag isa dito? Sa una mahirap talaga, sabi ko nga, unang-unang kalaban eh homesickness. Mahirap kalaban ang homesick, nakakapraning. Kaya ang pinanglalaban ko eh subsob sa trabaho.

Marami ding pwedeng magpaglibangan, kung maliit lang ang sahod mag ipon para makabili ng konting gamit gaya ng TV saka compo para pwede kang manood ng debede pang pawala ng lungkot. Marami din naman electronics gadgets dito na nakaka aliw. Yun nga lang syempre pagiipunan muna bago makabili.

Heto ang konting tip para sa mga kababayan natin na may balak sumubok magtrabaho at mamuhay ng  mag isa dito sa Saudi. Lalo na yung sa mga first timers…..

1.) Pagdating sa airport wag na wag kayong bibili ng kahit na ano. Kahit pagkain, wag dahil napakamahal ng bilihin sa airport. Kung may baon kayong pera, dollars man o peso itago nyo na lang. Bibigyan naman kayo ng employer ninyo ng food allowance pag dating ninyo.

2.) Pagnaibigay na sa inyo ang food allowance ninyo, bumili kayo ng mga essentials na pangangailangan, gaya ng sabon pang ligo, shampoo, toothpaste may libre kantutbras…LOLs. Bumili rin kayo ng plato, pinggan….ay pareho pala yun, frying pan, kaserola, basta yung kailangan para makapag luto kayo. Syempre kasam na rin yun lulutuin, bahala na kayo kung ano gusto ninyong iluto, kung gusto nyong subukang kumain ng Bangladesh, maraming pakalat kalat sa kalye dito…LOLs

3.) Ang tutulugan naman eh sagot na ng company yun pati yung army type na bed, kutson, unan saka kumot sagot na ng comapny yun. Yung iba namimigay na rin ng cmforter para sa lamig. Dahil sobra ng ginaw dito pag winter season.

4.) Sa unang six months dito na  pumapasok ang homesick. May oras na hindi ka makakatulog, palagi mong maalala ang mga naiwan mo sa pinas. Lalo na kung may anak ka, gaya ko nung unang punta ko dito ang unica hija ko eh six months pa lang, kaya sobra ang pagka homesick ko nun. After naman ng six months, mawawala na rin yon, masasanay ka na rin.

5.) Kung sakaling makaramdam ka ng kakaiba sa katawan mo at gusto mong mag change oil, baka kasi nata-de-coco o kaong na yan eh maraming lotion dito….LOLs. Mura din lang ang tissue kung sakaling supunin ka….LOLs

6.) Eto pinaka importante, laging isipin na kaya ka nandito para sa pamilya mo. Laging mo ring iisipin na nagsasakripisyo ka dito para sa kinabukasan ng mga tsikiting gubat. At dapat hindi mawala ang tiwala sa iyong asawa. OK lang kung paghinalaan ka niya dito, natural sa babe yun, malakas ang radar ng mga yun eh….LOLs….pero ikaw dapat ang hindi nawawalan ng tiwala, importante yun.

O hayan ha? konting tip lang yan para sa mga kabayan natin na may balak pumunta dito. Ngayon bahala na kayo pag dating nyo dito. Lagi lang isipin yung no. 6. kasi marami akong kilala na napapabayaan ang pamilya dahil may syoting dito, meron nga may asawa sa pinas may asawa din dito. Pag ganun ang sitwasyon hindi kayo ang magsa-suffer kundi yung mga bata…sila ang kawawa.

Kaya nga hindi ako naggagala, laging trabaho-bahay lang ang buhay ko. Mahirap na lagi na lang akong pinagkakaguluhan dun sa Mall akala nila si Richard…..uu…si Richard Merk…bwahh..ha..ha..ha..ha…..

(Alangya ikaw boy kulangot…ikaw ilusyon na naman…..!!!! Ikaw na kain na ??!!! Baka ikaw kulang baytamins…..???)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: