Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 3, 2009

Sinabi nya yon

Wala na naman akong magawa kanina at nag surf ako sa net ng matisod ko ang 2009 SONA ng ating pinakamamahal at pinakamagaling na pangulo ng bansa, si Doña Glorya.

Kung natatandaan nyo pa July 2009 nag bigay ng SONA ang ating mahal at sinasambang pinuno. Wala lang…nagkainteres lang akong basahin yung SONA niya kasi hindi ko naman iniintindi yon ng mga panahon na yon. Pero isa lang ang nakatawag pansin sa aking gamunggong isipan…..

Ito yung sinabi niya na medyo bandang huli na ng kanyang mga nakakaloka at nakaka praning na talumpati.

“As a country in the path of typhoons and in the Pacific Rim of Fire, we must be as prepared as the latest technology permits to anticipate natural calamities when that is possible; to extend immediate and effective relief when it is not….The mapping of flood- and landslide-prone areas is almost complete. Early warning, forecasting and monitoring systems have been improved, with weather tracking facilities in Subic, Tagaytay, Mactan, Mindanao, Pampanga….

We have worked on flood control infrastructure like those for Pinatubo, Agno, Laoag, and Abucay, which will pump the run off waters from Quezon City and Tondo flooding Sampaloc. This will help relieve hundreds of hectares in this old city of its age-old woe….

Patuloy naman iyong sa Camanava, dagdag sa Pinatubo, Iloilo, Pasig-Marikina, Bicol River Basin, at mga river basin ng Mindanao….

The victims of typhoon Frank in Panay should receive their long-overdue assistance package. I ask Congress to pass the SNITS Law….”

 

Ayan ha sinabi nya yan….hindi ako ang nagsabi nyan…..kung gusto nyo i-search nyo sa net ang buong SONA 2009 makikita nyo yan.

Kung totoo yang sinabi nya, bakit nagkaganun, ng manalanta ang bagyong Ondoy Abnoy? Bakit ang daming mga tao nasawi? Bakit ang bagal ng relief efforts na pinagmamalaki nya? Bakit…bakit….why o why mygulay????

Ngayon kung hindi totoo iyang sinabi nya na yan, (at napatunayan na sa pamamagitan ni pareng Ondoy Abnoy), at ginogoyo lang tayo….eh paano pa yung ibang sinabi niya sa SONA 2009? Ibig bang sabihin sa sampu ng sinabi nya labing lima ang mali? Maraming katanungan ang naglalaro ng PSP sa munting isip ko…..

Kayo na lang ang humusga…nasa sa inyo na lang ang desisyon kung maniniwala ba kayo 0 hindi ang mga ipinagmamalaki ng ating pinakamamahal at pinakamagaling na pangulo.

Pasensya na kayo mga kaibigan ko sa blogsphere…..dito ko lang nailalabas ang frustrations na nararamdaman ko sa gobyerno natin. Isa lang akong parte ng maralitang pinoy…….0.00000000000065742 na parte.

Kung gusto nyong malaman kung paano computation eh tingnan nyo sa Quantum Physics ang Law of Evolution saka yung paano gumawa ng Gulaman…..LOLs Anu ba yang pinagsasani ko para na naman akong nasisiraan ng tyan…..hindi kaya epekto ito ng mga pinagsasabi ni PGMA at unti-unti na akong napapraning….?????


Responses

  1. haha..eto di pa to napukol sknya eh kasi wala atang nakinig sa sona nung nakaraan at isa ko dun haha..
    praning pala talaga sya noh..mas nauna pa nga tumulong ung iba kesa sknya eh..WT **** talaga sya hay nako..
    kinakabag ako sa pinag sasabi nya ehhe..

    • nakakatawa na nakaka inis……LOLs

      honga nung kasagsagan yata nung bagyo nagsa-shot sila ni mickey mouse dun sa palasyo tapos si FG naman kinakana yung skretarya nya…bwahhh…ha..ha..ha…ha…

      hang sama ng imahinasyon kooooohhhhh !!!!

  2. ay teka may bago pala
    may ugong ugong na si willi revillame daw tatakbong vise ni manny villar ah ehhe..
    nak ng tipaklong ..wala na siguro syang pera dahil sa nakaraang nangyari sknya may gana pa syang tumakbo sus..naman..
    patawarin sana ..

    • huwaaatttt!!!!!

      anu naman kaya gagwin ni willie da pootah sa palsyo? magpapasayaw ng mga babae niya at magpapakontes….??? LOLs

      hano na ang mangyayari kung manalo yan? ohmygulaaayyyy !!!!

      heto pusta ako….

      pagnanalo yan….sigurado pa sa sikat ng araw…..panay kaso ang aabutin nyan? anung kaso? kamanyakan…..LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: